Nanlulumong bumalik siya sa kaniyang sasakyan. Halos masuntok ang sarili sa inis sa sarili at paghihinayang. Mabilis na pinagsusuntok ang kaniyang manibela sa prustrasyon. Ngayon ay hindi alam kung papaano muling makakausap ang kasintahan kung pinagtataguan na siya nito. "Althea," usal sa kawalan at napalingon sa bahay ng mga ito. Pinasyang maghintay na muna baka sakaling makita si Althea o ang magulang nito. Hindi siya makakapayag na maghihiwalay na lamang sila ng ganoon-ganoon na lamang. Halos mahigit tatlong oras na siya roon ngunit ni anino ni Althea o ang mga magulang ay hindi niya nakita. Nanlulumong nilisan ang lugar pero pinangako sa sariling babalik siya. Hindi siya titigil hanggang hindi ito napapaliwanagan. Pagdating sa kaniyang condo ay agad na binitiwan ang bag at tinungo