Pagdilat ng kaniyang mga mata ay nasumpungan ang malinis at maputing paligid. Pinakiramdaman ang sarili kung nasaan siya hanggang napagtantong nasa isang silid siya at ang puting nakikita ay kesame. Tahimik ang kinaroroon kaya binaling ang ulo nang masumpungan ang magulang na matiim na nakatingin sa kaniya. Bahagya pa siyang nagulat dahil hindi inaasahang naroroon sila. Napalunok siya nang maalala ang huling usap nila ng kaniyang Mama. "M—Ma," paos na boses. Malat ang tinig at hindi alam kung gusto ba niyang uminom para maibsan ang tensyong muling nabuhay sa dibdib sa klase ng tingin pinupukol ng kaniyang ina at ama. "Hanggang kailan mo balak ilihim sa amin ang lahat?" may panunumbat na tinig ng ina sa kaniya. "M—Ma," nagsusumamong tinig rito. "Hindi na kita kilala! Hindi na ikaw an