MARCO HALOS paliparin ko ang kotse pauwi dahil mag-a-alas dose na ng hatinggabi knowing na ang sinabi ko kay Vrenda ay sandali lamang ako. Ganoon nga sana ang nangyari dahil nagkasundo naman kami kaagad ng kaklase kong si Mayeth Villaluz tungkol sa gagawin kong plano ng private resort nito, pero nag-anyaya itong mag-dinner kami na hindi ko nagawang tanggihan. Sobra-sobra ang pag-aalala ko lalo na't naisip kong baka wala na sa bahay si Nanay Ditas at walang kasama si Vrenda. Hindi rin naman ako nakatawag dahil lowbat na pala ang phone ko kaninang umalis pa lamang pero hindi ko kaagad nakita. Pagdating sa bahay ay nakahinga ako ng maluwag ng datnan ko si Tatay Igme sa sala. Tulog itong nakasandal sa upuan habang si Nanay Ditas ay nakahiga sa mahabang upuan. Sabay halos silang napadilat na