"HI! Pauwi na kayo?" tanong ng babae na isang dipa na lang halos ang layo sa amin. "No, we're going to eat. Gutom na kasi itong mag-ina ko," ani Marco sabay akbay sa akin. Kitang-kita ko naman na umasim ang mukha ng babae pagkasabi ni Marco noon. "Really? Can I join you, guys? Kanina pa rin kasi ako nagugutom," sagad ang ngiti nito na tila si Marco lang naman ang kausap. "O-of course. Oh, by the way, this is my fiance, Vrenda. Sweetheart, this is my classmate Mayeth. Siya 'yung client natin." "Nice meeting you, Vrenda. Now I know kung bakit palaging nag-aapurang umuwi itong si Marco." Inilahad nito ang palad sa akin kahit pa kitang-kita naman ang kaplastikan sa mukha nito. Tinanggap ko ang palad niya pero hindi ako ngumiti dahil hindi ko siya gusto at kapag ngumiti ako ay mapaklang