VRENDA ISANG mansyon ang pinag-uwian sa akin ni Marco. Bahagya akong nakaramdam ng pangingimi dahil hindi ko alam kung para rito nga ba ako. Animo ako natulos sa kinatatayuan nang pagbuksan niya ako ng pinto ng kotse. Maya-maya ay naramdaman kong ginagap niya ang isang palad ko saka bahagyang pumisil doon. Naramdaman siguro ang pag-a-alangan ko. "Welcome home, sweetheart," malambing niyang sabi sa akin. "Come on, hinihintay ka na nila." Inalalayan niya ako at iginiya sa bunganga ng malaking bahay na ayon sa kanya ay sa mga magulang ko raw. "K-kinakabahan ako," nagawa kong sabihin dahil tila lalabas na ang puso ko sa sobrang lakas ng t***k niyon. Naisip kong anong klase kaya ang mga magulang ko? Kung may mga kapatid kaya ako or kung anong klaseng anak at kapatid kaya ako sa kanila noon