VRENDA KALAHATING oras na akong hindi mapakali sa silid na pinaghatiran sa akin ni Mommy.. Nakapag-hilamos na ako at nakapagpalit ng pantulog gamit ang mga damit na ipinakita nito sa akin sa closet pero hindi ko pa rin magawang mahiga sa kama. Gaya ng sabi ng Mommy at Daddy ko ay dito raw matutulog si Marco pero hindi ko alam kung sasalo ito ng kwarto sa akin. Pero naisip kong malamang ay ganoon na nga. Saan pa ba naman ito matutulog kung hindi sa tabi ko. Nagkaroon nga kami ng baby hindi ba? Kaya siguradong ginagawa na namin ang bagay na iyon noon pa. Pero hindi talaga ako mapakali. Hindi ko rin kasi matandaan kung ano ang pakiramdam na may katabing lalaki sa iisang kama. Pero wala naman akong magagawa. Siya ang ama ng anak ko at kahit hindi ko maalala na mahal ko siya, hindi ko naman