MARCO Kanina pa tulog si Vrenda sa tabi ko ngunit ako ay nananatili lamang nakatitig sa kanya. Gustung-gusto ko siyang halikan pero nagdadalawang isip ako lalo't ramdam ko na naiilang pa siya kapag magkalapit kaming dalawa kahit hindi niya aminin. Hindi man buo ang pagiging masaya ko dahil hindi niya ako matandaan, bawing-bawi naman iyon dahil sa kaalamang magkakaanak na kami ni Vrenda. Sobrang saya ko dahil matagal ko na iyong gusto at hindi na ako makapaghintay na malaman kung ano ang gender ng unang magiging baby namin. Pero isa lang ang sigurado ako, basta healthy ito ay okay na okay na sa akin. Sa wakas ay may bata na ring magtatatakbo sa maluwang na farm namin. Hindi na rin ako kukulitin ng parents ko na bigyan ko sila ng apo dahil heto na, magiging Daddy na ako. Hindi na nga rin ak