PART 2

1501 Words
ILANG ORAS NANG PAIKOT-IKOT sa mall si Alleah, pero wala pa ring nakakapansin sa beauty niya. Wala pa ring mayaman na lalaki na kumukuha ng cellphone number niya, at naiinis na siya. Ang taas pa naman ng takong ng sandal na suot niya, kinakalyo na ang kanyang mga paa. Ngayon niya masasabi na iba talaga sa probinsya sa Maynila. Dito sa siyuda ay deadma ang beauty niya, hindi tulad sa probinsya nila na halos pilahan siya ng mga manliligaw. Nalulugkot na rin siya. Gusto niya tuloy tawagan 'yong pinsan niya sa Canada para tanungin kung ano’ng sekreto nito o ginawa at bakit nakabingwit ito ng mayaman at guwapo. Kaso wala naman siyang contact number sa pinsan niyang iyon, ni hindi na nga sila nagkita na noon. Animo'y naglahong parang bula nang yumaman na. Pati noong ikinasal ay hindi man lang sila nagyaya kahit na balita nila ay sa abroad nagpakasal. Ang pinagtataka pa nila ay wala man lang mga social media accounts ang pinsan niyang iyo. Kahit man lang sana f*******: Account, wala. Hula nga nila ay nagtatago. Madamot na porke yumaman na. Ewan nila, hindi nila masabi. Gayunman, idol pa rin niya ang pinsan niyang iyon kasi nga nakabingwit ng mayaman. Gusto niya rin ng gano'n. Ang haba-haba ng nguso ni Alleah sa simangot na tinungo niya ang sikat sa fast food chain na nakita niya. Bumili siya ng Coke float, pampa-refresh niya ng utak. Umiinom siya niyon paunti-unti habang naglalakad-lakad, pangiti-ngiti siya sa mga may hitsurang mayaman na lalaki na nakakasalubong niya. Pa-cute at pa-sweet para mapansin ang kagandahan niya. "Excuse me, Miss?" Hanggang sa may tumawag na nga sa kaniya na isang guwapong lalaki. Moreno, matangkad at mukhang mayaman ang lalaki sa suot nitong pang-opisina. "Yes?" pinag-blink-blink niya ang kaniyang mga mata saka inabayan ng abot taingang smile niya. Thank you, Lord, nakabingwit din ako ng isa! Jackpot na etey! “Hi," pormal na bati pa sa kaniya. "Hello po," lalo niyang pinatamis ang kaniyang pagkakangiti. Ayan na, Besh, makikipagkilala na sa akin si Mr. Rich Guy. "Uhm, I just wanna ask if—" "If ano?" Naku natatameme pa. Kaya mo 'yan, boy! "I just want to ask where you bought that Coke float. First time kasi namin dito sa mall na 'to ng anak ko. Saan banda rito makakabili niyan? Gusto raw din niya ng gan’yan." Toinksssss! Literal na nalaglaga ang panga ni Alleha. “Ano raw? Badtrip naman, oh! Akala ko pa naman pangalan ko na ang tatanungin ng lalaking 'to!” "Saan banda mo binili ‘yan, Miss? Favorite kasi ng mga anak ko," tanong ulit ng lalaki sabay turo sa bata roon sa 'di kalayuan kasama ng napakagandang babae. Malamang asawa nito. "Hindi ko rin alam. Doon yata sa kabilang mall," mataray nang sagot niya sabay talikod. Bwisit, eh Dire-diretso siya ng lakad. Titirik-tirik ang mga mata niya sa sobrang inis. Naiwan na lang ang lalaking napapakamot-ulo sa inasal niya. "Ay!" pero sambit niya nang may nakabanggaan siya bigla. Napanganga siya dahil 'yong Coke float na hawak niya ay bumaha sa may bandang dibdib niya. Ang kulay white niyang dress na bulaklakin ay naging kulay chocolate na. “Kung mamalasin ka nga naman talaga, oh!” hinaing niya habang pinupunasan ang mancha. NAGULAT DIN ANG LALAKI na nakabanggaan ni Alleah. Hindi nito sinasadya. Kael was just in a hurry because he had a meeting to attend. Hindi niya tuloy napansin ang babae. Kasalanan niya ang banggaan dahil naglalakad siya habang nakikipag-usap sa cellphone. “I'm here now. Sunduin niyo ako dito sa malapit sa Department Store,” sagot niya muna sa kausap niya sa cellphone bago pinatay ang tawag at hinarap ang babae. Siya si Kael Montiregalo, ang panganay na anak ng prominenteng mag-asawa na Don Calito Montiregalo at Donya Karena Montiregalo. At kahit twenty-six-year-old pa lang siya ay napakatayog na nito, mataas na ang nararating nito sa mundo ng mga nagbabanggaang mga negosyo. Isa na ang binata ngayon sa kinikilalang pinakamagaling na negosyante sa bansa, na sa dami ng pinapalakad nitong negosyo ngayon ay binansagan na nga itong sleepless ruthless business tycoon. Ang mahirap lang, dahil sa kaniyang pagiging successful ay ganito na ang naging buhay niya simula noon, kaliwa't kanan na ang meeting niya at kung anu-ano pa. The word 'rest' no longer exists in his vocabulary. Mula namatay ang kaniyang dad ay siya na lang ang namamahala sa lahat ng negosyo nila. 'Yung inaasahan niyang kapatid ay wala na kasi. Matagal nang nasa ibang bansa. Hindi na rin siya umaasa kung uuwi pa 'yon dahil itinakwil iyon ng daddy niya noon. Paano'y nag-asawa kasi ng mahirap na babae. Dahil sa babae ay tinalikuran silang pamilya nito. At hinding-hindi niya gagayahin iyon. Itinataga niya sa bato "I'm sorry," he said to the woman apologetically. "Sorry?! Mabubura ba ng manchang ito sa damit ko ang sorry mo?! Tingnan mo nga ang ginawa mo sa damit ko! Tatanga-tanga ka kasi!" subalit pagtataray sa kaniya ng babae. His sympathy faded, replaced by a look of chagrin. Seriously, tinawag akong tanga dahil sa maliit na pagkakamali! Wow! "Sa susunod kasi tumingin ka sa dinadaanan mo!" talak pa sa kaniya ng babae habang pinupunasan nito ang damit nitong natapunan. A look of irritation twisted his face into a grimace. Akala mo kung sinong babae 'to, ah! Pasalamat ng babae at aminado siyang kasalana niya ang nangyari hindi niya ito sasabayan. Kaysa magalit din ay kinuha na lang niya ang panyo sa kaniyang bulsa at ibinigay sa babae. "Here. Use this, Miss," he said as calmly as possible. Kaso pahablot iyong kinuha ng babae. Mas napangiwi siya. Tuluyang na-turn off na siya sa ugali ng babae. Lumaki yata sa iskuwater o talagang walang manners. Tss! "This way, sir. Everyone’s inside and waiting for you," mayamaya ay isang personnel ng mall ang lumapit sa kaniya. Nakita na siya. Siya kasi 'yong boss na ayaw ng special treatment. At lalong mas ayaw ng mga maraming body guards kaya mukha lang siyang shoppers ng mall imbes na CEO. Napaangat-ulo naman ang babae. Tiningnan siya ng pataas-pababa. "What?" tanong niya sa babae. Kung makatingin kasi, eh, wagas na. Tapos naging tila maamong tigre na. "Tinawag ka niyang ‘sir’?" Takang-taka na rin ang mukha ng babae. “Oo, bakit?” A small, smug smirk played on his lips. Hindi siya ang tao na ipinagyayabang ang istadu sa buhay pero ngayon ay masaya siya na magyabang sa babaeng ito na akala mo ay sino. Nanlalaki ang mga matang napatitig sa kaniya ang babae. "Let’s go, Sir. The meeting is about to start.," sabi naman ulit sa kaniya ng personnel niya. Susunod na dapat na walang iiwanang salita sa babae pero biglang humarang ang babae kasi sa lalakaran niya. Dumipa ito para hindi siya makadaan. At dahil sa ginawa ng babae, he now recognized her. Bumalik sa kaniyang ala-ala ang babaeng humarang sa kotse niya noong isang araw sa bus terminal na pag-aari rin nila. Yeah, siya si babaeng parang baliw na sabi ni Arhturo. "Get out of my way!" pagsusuplado na niya rito. Minsan na pala siyang naabala ng babae, ayaw na niyang maulit pa. "Hoy! Don't English-English me!" ngunit mataray pa rin na anang babae. Nakaduro pa sa kanya. "Miss, ano ba’ng problema mo?" Iyong tauhan na niya ang umapila sa babae. "'Wag kang makialam kung ayaw mong ikaw ang magbayad ng damit ko! Ang mahal kaya nito!" singhal ng babae sa tauhan niya bago siya hinarap. "At ikaw, Sir? Kung sino ka mang sir ka! Eh, hindi ka puwedeng umalis!" "Tumigil ka na’t baka ipahuli kita sa guard!" pananakot ng tauhan ni Kael pero sinenyasan ito ni Kael ng senyas na nagsasabing siya na ang bahala sa baliw na babae. Napansin na niya kasing dumadami na ang tao na nakatingin sa kanila. "What do you want?" tapos kaswal na tanong niya sa babae. Pinamulsa niya ang nagngangalit niyang mga kamao dahil inis na inis na siya sa makulit na babae. "All I want is… is…" Napaisip pa ang babae. Mukhang nahirapang mag-English, "is bayaran mo ang damit ko kasi mahal ito! ahal ang pagkakabili ko kaya dapat bayaran mo!" "Is that all you want?" tanong niya ulit nang matapos na ang usapan. Tumango naman ang babae. Impatiently, he roamed his eyes around. Nakita niya ang department store. Pinatawag niya ang isang manager doon. "Yes, Sir?" "Let her change clothes and give her what she wants.” "Noted, Sir." Ngumiti siya sa manager saka binalingan niya ang babae. "Go with her. Magpalit ka ng damit.” "O-okay.” Gusto niyang matawa nang makita niyang napanganga ang babae. Hindi siguro ito makapaniwala, na ang tinaray-tarayan nito kanina ay ang nagmamay-ari ng mall. Tumalikod na siya at walang anumang iniwanan ang babae. Nakatiim-bagang na naglakad siya palayo habang sinusundan ng mga mall personnel. “This is why he hates poor women! They act like they’re someone important! Damn them all!” himutok niya sa isipan nang pumasok na siya sa elevator paakyat sa taas kung saan naroon ang kanilang dadaluhan na management meeting.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD