NAIWAN SI ALLEAH na nakanganga sa sobrang pagtataka at paghanga na niya sa lalaking akala niya ay ordinaryong lalaki lamang pero mukhang mayaman pala.
Shete! Mukhang wrong move siya, ah!
"Ma'am, please follow me," assist na sa kaniya ng medyo may edad ng babae. Sa hitsura nito ay siguradong mataas ang posisyon nito, hindi basta-basta. Gayunman matamis ang pagkakangiti sa kaniya. Mukhang mabait.
"Ah, eh, sige po," saglit ay sabi niya na nauutal habang palingon-lingon pa rin siya sa lalaking papalayo. Pagkatapos ay napapitik siya sa ere nang mahimasmasan siya sa katangahan niya.
Sayang 'yon, ah! Nanghihinayang na siya. Jackpot na sana pala ang lalaking iyon dahil mayaman, kaso tinaray-tarayan pa niya.
"Miss, mayaman ba 'yon?" mayamaya ay hindi niya napigilang tanong sa manager.
"Ay, yes Ma'am. Anak po siya ng may-ari ng mall na 'to at balita ko madami pa silang ibang negosyo," mabilis na sagot sa kaniya ng manager.
Napatango-tango si Alleah at napangiti. Guwapo plus mayaman equals her suspect asawa na sana. Kaya lang lumaymay ang mga balikat niya kasya matuwa.
“Aisst! Ba't ko ba kasi tinarayan?! Naman, eh!” Nagulo-gulo niya ang buhok. Para ba'y nagsulputan ang mga kuto.
"Ayos lang kayo, Ma’am?” usisa na tuloy sa kaniya ng manager. Akala yata nababaliw na siya.
Makulit siyang ngumiti na kita ang mga ngipin at gilagid niya habang dahan-dahang inayos ang sarili. "Ah, opo. Ang ganda po nito kasi. Gusto ko po ito," palusot din niya sabay hawak sa isang bagay na naka-display sa tabi niya, makalusot lamang.
Kapansin-pansin ang pag-iiba ng reaksyon ng mukha ng manager.
Nagtaka, dahan-dahan ay napatingin si Alleah sa bagay na dinadantayan ng kaniyang kamay. At halos lumuwa ang mga mata niya nang makitang kalahating manikin pala iyon ng lalaki na nakamodelo ang isang mamahaling brief sa may maumbok na kuwan ng manikin. Nasa for men’s wear pala sila ng department store.
“Yay!” Mistula siyang napaso na napabitaw ro'n at namutlang tumingin sa manager na kaniyang kausap. Ngumiti ulit siya pero maasim na ngiti.
Natawa naman ang manager. Mukhang naunawaan siya na nawawala siya sa sarili dahil sa lalaki na akala niya ay ordinaryong tao lang pero business tycoon pala. "Halika na, Ma'am, doon pa po ang mga pambabae."
Hiyang-hiya na nagpatianod siya.
"Ano'ng pangalan po ni Sir mo? Ang guwapo niya kasi, eh," tanong niya habang naglalakad para mawala ang pagkapahiya niya. Bwisit kasi na kuwan 'yon! Kakalat-kalat! Pfft!
"Ang tawag po namin sa kaniya, eh, Sir Kael."
Awtomatikong napakunot-noo siya. Kael? Sounds familiar, ah!
Napaisip siya. “Ah, oo, Kael! Kael ang pangalan ng baboy na mayaman doon sa bus terminal! Wait! Lahat ba ng mayaman, eh, Kael ang pangalan? Eh?”
Nagkibit-balikat siya. "Nagkataon lang siguro," siya rin ang sumagot sa tanong niya.
"Pili na po kayo, Ma'am," sabi ng manager na nagpabalik sa kaniyang diwa.
"Ah, sige po. Salamat.” Namili na nga siya.
Hindi katagalan ay napangiti siya ng pilya nang may pumasok na kademonyohan na naman sa kaniyang isipan. Imbes na isa lang kasi ang kukunin niya ay nakapakadami niyang itinuro at sinukat at kinuha.
SA KABILANG BANDA, finally tapos na ang meeting na dinaluhan ni Kael. Kael sank into the swivel chair, weariness written all over him. But he said nothing. He had no right to. This was his destiny, to carry the weight of being an heir.
Nagpasya siyang uuwi na muna para makapagpahinga kasi mamaya may corporate meeting naman siya mamaya.
Palabas siya ng conference hall kasama ang ibang ka-meeting niya na mga staff ng mall. Napilitan siyang tumigil saglit nang magalang na hinarang siya ng manager ng department store na inutusan niya kanina.
“Excuse, Sir.” The manager gave a slight bow as a sign of courtesy to him.
"Yes?"
"Sir, ipapapirma ko po sana 'to."
"What's that?"
"Yung mga pinamili po ni Miss Alleah? 'Yung babae po kanina na inilapit niyo sa 'kin, Sir."
Napa-ahh siya at inabot na niya ang papel. Pero nanlaki ang kaniyang mga mata nang makita niya kung magkano ang halaga ng kinuha ng babae.
"She took three hundred thousand worth of clothes?! Is this for real?!" he blurted out in disbelief.
"Y-Yes, Sir," maang na sagot ng manager. Halatang kinakabahan na.
“I didn’t say she could take everything she wanted! Why the hell is this so much?! Isang damit lang niya ang namantsahan ko!" bulyaw niya sa manager. Nag-init ang ulo niya. Walang duda, inisahan siya ng babae. Kaasar.
Naalarma tuloy ang mga tauhan niyang nasa likuran niya.
"But, Sir, you said I should give her whatever she wants. Eh, ang dami niya pong nagustuhan, Sir," naiiyak na pagrarason ng manager.
Natampal na lang ni Kael ang kaniyang sariling noo. He had no choice but to sign. He better not see that woman again or he’d skin her alive! He swore it!
PAGDATING SA BAHAY NG PINSAN ay halos hindi mabuhat ni Alleah ang shinopping na mga damit nang bumaba siya sa taxi.
"Insan, ano'ng mga 'yan?" takang tanong ni Jessy nang makita siyang pumasok sa bahay na patong-patong ang kahon at mga paper bag ang kaniyang dala.
"Mamaya ka na magtanong, Insan. Tulungan mo na lang ako, dali," hirap niyang sabi. "Madami pa sa labas."
"Saan galing ang mga 'to?" Mabilis nga siyang dinaluhan ni Jessy.
"Sa boyfriend ko," maliksi niyang sagot.
"May boyfriend ka kaagad?" Hindi na naman makapaniwala si Jessy.
"Oo pero hidi pa niya alam," pilya niyang sabi saka humagikgik.
“Baliw ka talaga.”
Hanggang ngayon natatawa siya sa ginawa niya. Malamang sa mga oras na ito ay umuusok na ang ilong ng lalaking 'yon sa galit sa kaniya. Hindi naman siya nag-aalala. Mautakan din naman minsan ang mga mayayaman. Barya lang naman ang mga kinuha niya siguro sa limpak-limpak nilang pera.