"FIND THAT CUNNING WOMAN, Arthuro, and bring her to me! Now!" Kael barked the order at his driver with authority. He still couldn’t accept that a poor girl had managed to deceive him. Just thinking about it made his blood boil.
Tinungga niya ang laman ng baso na may lamang mamahaling alak. Nakapamulsa ang isa niyang kamay habang nakatanaw siya sa magandang view na kitang-kita mula sa kanIyang opisina. Nasa likuran naman niya si Arthuro na nakikinig sa mga sinasabi niya.
"Pero, Sir, paano ko naman hahanapin 'yon, eh, hindi ko naman nakita ang mukha niya?" Kamot-ulo si Arthuro.
Napaharap siya sa tauhan na itinuturin niya ring kaibigan. Oo nga pala, hindi niya pala kasama kahapon si Arthuro dahil nag-day off ito. Fortunately, he briefly thought of another way. "Get the CCTV footage from the department store. You’ll see her face there. Then find the manager who assisted her yesterday and ask for her name. He told me but I forgot. All I remember is that it starts with the letter A."
Tumango-tango si Arthuro. "Areglado, Sir, ngayon pa lang hahanapin ko na siya," tapos anito sabay talikod na.
Kael took a deep breath, trying to steady his trembling body from the surge of irritation. The truth was, he didn’t even want to see that trashy girl’s face again but he had to. He couldn't let her get away with what she did. She needed to be punished. That manipulative, psychopathic brat deserved to rot in jail if that’s what it would take.
"Wait," pero saglit ay bigla-bigla niyang pigil kay Arthuro nang may sumagi sa isip niya.
Medyo nagulat na muling humarap si Arthuro sa kaniya.
"Kilala mo pala siya. Siya iyong babae sa bus terminal. 'Yung sabi mo ay namamalimos at baliw na babae."
"Talaga, Sir?" Nanlaki ang mga mata ni Arthuro. Hindi makapaniwala.
"Yeah."
"Babaeng 'yon talaga! Baliaw!" napalatak si Arthuro. Nagngitngit ang mga ngipin nito at iiling-iling na umalis na.
Si Kael naman ay pabagsak na iniupo niya ang sarili sa kaniyang wooden office desk. He was still seething with anger. Ang kapal ng mukha ng babaeng 'yon. Isang damit lang ang nabuhusan niya ng drink tapos umabot ng three hundred thousand pesos ang kinuha sa kaniya? Nakakainit naman talaga ng ulo.
Bumuntong-hininga siya. Kailangan niya talagang maparusahan ang makapal na mukha ng dukhang babaeng 'yon para matuto.
Kael's fingers curled into a futile fist. Sa ginawa ng babaeng 'yon ay lalo lang nadagdagan ang inis niya sa mahihirap na babae, kung hindi sila social climber, eh, mga gold digger.
"Kuya, can I come in?" Suddenly, Charisse's sweet voice coming from the doorway—his twelve-year-old little sister. Nakasilip sa may pinto ang cute na cute na bata.
His grim expression vanished quickly, replaced by a calm smile. Then he gestured with his left hand, signaling his little sister to come in, as if nothing was wrong.
"Hello, Kuya." Nag-kiss sa kaniya ang kapatid.
"How's your school?" tanong niyang ngiting-ngiti. He pushed a strand of hair back behind her ear. Inayos-ayos din niya ang nakusot na school uniform ng kapatid.
"Nothing unusual. Anyway, are you busy, Kuya?"
"No?"
"Great, then! Because I want you to accompany me to my classmate's house, Kuya. I need to pick up a book from her."
"Wait, why me? Where's mom?"
"Mommy is too busy. Idinaan na nga lang ako rito sa office mo, eh. A"And I also want to be with you because I already miss our bonding, Kuya. I want you to take me to our favorite restaurant after we pick up my book.”
Kael smiled at the child and gently ruffled his little sister's hair. Kapag ganitong naglalambing na ang kapatid niya’y hindi na niya talaga mahihindian pa.
SA TINUTULUYANG BAHAY ni Alleah.
"Eeiiiiih!" matinis na tili ni Jessy na nakagising kay Alleah mula sa mahimbing na pagkakatulog.
Napalatak si Alleah dahil ang ganda pa naman ng panaginip niya, ang dami raw niyang pera. Akala pa naman niya totoo na. Sayang!
"Ang ingay mo! May natutulog dito, oy!" sigaw niya kay Jessy.
"Insan, bumangon ka muna r’yan! Dali! May artista yata sa labas!"
Napangiwi siya. Kung si James Reid 'yon, eh, lalabas talaga siya pero kung hindi ay dedma.
"Dali na!" Hinila ni Jessy ang kumot niya.
"Sino ba 'yon?" nakapikit niyang tanong.
"Hindi ko alam, eh. Pero mukhang mayaman kasi ang gara ng kotse."
Mayaman?!
Magara na kotse?!
Nanlaki na naman ang mga tainga ni Alleah sa mga salitang iyon kaya naman biglang dilat na ang mga mata niya.
"Ano pa’ng tinatayo mo r’yan? Tara na! Tingnan natin!" At hila niya kay Jessy. Hindi na niya tiningnan kung ano'ng hitsura niya kahit bagong gising siya. Sure naman niya kasing maganda pa rin siya.
Paglabas nila ay madaming dalaga at bakla na ang rumarampa sa gilid ng kalsada. Sa tapat kasi ng bahay ni Jessy naka-park ang kotse ng tinutukoy nilang guwapong lalaki dahil katapat ng bahay ni Jessy ang bahay na pinuntahan ng guwapo raw.
"Astig!!" namamanghang naibulalas niya sa isip-isip habang kinikilatis niya ang kotse ng lalaki. “Pero bakit parang pamilyar sa akin ang kotseng ito?”
"Ayan na siya, Insan! Palabas na yata sila!" Niyugyog-yugyog ni Jessy ang kaniyang isang balikat, kilig na kilig ito, dahilan para mawala ang atensyon niya sa kotse. Kunsabagay magkakamukha naman ang mga kotse, eh.
Tulad ng iba ay nagkandahaba-haba ang leeg nila na magpinsan sa pagtanaw sa lalaking mayaman. Nakita na nga niya ang likod nito Tama si Jessy, guwapo nga yata. At likod pa lang ay naaamoy na niyang mayaman talaga dahil sa damit nitong magara. Branded na pang-opisina. Iyong tinatawag nilang suit.
Atubiling inayos-ayos niya ang kaniyang sarili. Napangiwi na lang siya nang mapansin niyang nakapantulog pala siya na damit.
“Okay na ito. Ako pa rin naman ang pinakamaganda sa mga narito,” cheer up niya sa sarili kahit alanganin. Wala naman na siyang oras para magpalit pa.
Lumabas na nga ang lalaki kasama ang maganda ring batang babae. Ngunit sa dami ng nagpapa-cute tulad niya ay hindi na siya makita.
"Tabi! Tabi!" Wala siyang nagawa kundi ang makipagsiksikan. Hinawi niya ang humaharang sa kaniya.
"Si Alden!!" narinig niyang sigaw ng isang babae. Parang abnormal lang.
“Hindi si Daniel yata!”
"Hindi! Si James 'yan!"
“Gosh! Kung si James Reid nga ang lalaki ay 'di talaga siya magdadalawang isip na i-lips to lips, promise!” na-excite pa lalong bulong ni Alleah sa kaniyang sarili.
"Tumabi kayo kung ayaw niyong pag-uuntugin ko kayo! Ako ang titingin!" angil na niya sa mga ito sa pagnanais niyang masilayan ang binata. Natakot naman ang mga bruha, binigyan siya ng way. Pero ano'ng gulat niya naman nang magkasalubong ang tingin nila ng lalaking guwapo raw.
Capital O, M at G! Hindi kasi siya si Alden! Hindi rin siya si Danile o ni James! Kundi si Kael! Woaaaahhhhh!!!
Bigla siyang talikod syempre. Ikinubli niya ang kaniyang mukha. Kagat niya ang kaniyang hintuturo na sumiksik ulit pabalik. Sana hindi siya nakita. Paktay na.
"Insan, bakit?" takang tanong ni Jessy sa kaniya nang makabalik siya kinatatayuan ng pinsan.
"Ah, eh, kasi hindi naman siya guwapo! Ang pangit niya!" sagot niya sabay lakad-takbong papasok ng bahay ni Jessy.
Patay talaga siya nito kapag namukhaan siya. Ngayon siya biglang natakot sa kalokohang kaniyang ginawa kahapon. Sana ayos lang kay Ganner na sobra-sobra ang damit na kinuha niya. Mayaman naman ito, eh.