KINABUKASAN ay nakahanda na ang lahat-lahat para sa pag-alis ng emperador kasama ang maraming kawal. At nang mga oras na iyon ay nasa labas si prinsesa Seahey, kararating lang niya sa siyudad. "Mag-ingat ka doon, aking asawa." At yumakap ang emperatris. "Ikaw rin, ingatan mo ang mga anak natin. Hintayin mo ako." Humalik ang emperador sa labi niya at gumanti ito sa pagyakap. "Husband, huwag kang magpapalipas ng gutom, ha. Mag-ingat ka doon..." malungkot na sabi ni Leny. "Oo, wife. Huwag kang panay galaw at ingatan mo ang magiging anak natin," tugon naman ng Heneral at niyakap ang asawa. "Opo!" Hindi maiwasan na pumatak ang butil ng kanyang luha. At dali-dali naman itong pinunasan ni Heneral. "Babalik kami agad," saad nito. "Maghihintay ako..." wika niya. Hanggang sa tuluyan