AGAD pinapasok ni General Chong ang isang kawal. "Ano'ng nangyari?" tanong ng emperador. "Mahal na emperador may umaatake sa atin!" "Gaano sila karami?" "Mga limang daan, mahal na emperador." "General Chung, ihanda ang mga palaso at pana. Huwag silang hayaan na makalapit dito, dahil marami ang mga inosente ang madadamay." "Masusunod, mahal na emperador!" Dali-daling umalis ang Heneral. Ang dalawang kawal naman ay tinulungan ang emperador sa pagsusuot nito sa kanyang damit na pandigma. "Mag-ingat ka, mahal na emperador," paalala ng dalawang kawal. "Kayo rin," tugon niya rito. Lumabas ang emperador mula sa kanyang tolda at nabungaran niya si prinsesa Seahey nakasuot pandigma na rin ito. "Ano ang ginagawa mo?" seryosong tanong ng emperador at nakaangat ang balat ng kanyang