MABABAIT naman ang mga kasama ni Clea sa trabaho. Wala siyang naging problema. Hindi niya naramdamang newly hired siya at kapapasok lamang. Mas magaan at madali niyang natututunan ang mga inuutos sa kaniya. Isa lamang ang kaniyang problema, kung paano haharapin ang kaniyang boss nang hindi nanlalambot ang mga tuhod. Kahit wala itong ginagawa ay para siyang matutunaw.
Simula kanina ay hindi pa siya nito inuutusan o pinatatawag pumasok sa loob. Tutunog naman ang landline na nasa table niya kung may kailangan ito.
Lumapit sa kaniya si Fara. Ang babaeng nag-assist at nagturo sa kaniya nang mga gagawin bilang baguhan. Napakabait nito. "Ms. Buenaventura, maaga ako mag-off today, nagpaalam na ako. May importante ako lakad today, alam mo na mga gagawin before umuwi, okay?"
Ngumiti siya at tumango. "Yes po, thank you so much for everything today!"
Ngumiti lamang si Fara at nagpaalam na ding umalis.
Bumalik siya sa trabaho. Ilang letra pa lamang ang naita-type niya sa computer nang tumunog ang landline sa table niya. Inasahan niya na ang caller nang makita ang numero. "Mr. President..." pabulong niyang sambit.
"Come inside."
Nalunok niya ang sariling laway at hindi kaagad nakasagot hanggang mamatay ang tawag. Huminga siya nang malalim at tumayo. Inayos niya muna ang sarili at nanlalamig ang mga palad na pumasok sa loob. "May kailangan po kayo?"
Tumingin ang lalaki sa kaniya. Ibinaba ang mga papeles na hawak. "Hindi naman siguro kita ipatatawag kung wala?" pilosopong tugon nito sa kaniya.
Bumuntong hininga siya. "Pasensiya na po." Pinagsalikop niya ang mga palad sa kaniyang likuran at pinipilit na maging normal ang galaw.
Palihim na ngumiti si Elias. "It's nice to see you again, Clea Buenaventura. You look nice to your uniform today."
Nahigit ni Clea ang hininga. Tila ba siya ay babawian ng ulirat. Ilang linya pa lamang iyon ng lalaki.
"Don't worry, walang makakaalam sa opisina kung anong nangyari between us-"
"Please!" Putol niya sa sinasabi nito. "Please! Please! Kalimutan na po natin ang gabing 'yon. Nakainom ako no'n at wala sa sarili. Hindi ko alam ang mga ginagawa ko nang gabing 'yon."
Napalis ang ngiti ni Elias sa labi. Hindi nito nagustuhan ang kaniyang sinabi. Ilang segundo itong nakatitig sa kaniya at maya-maya ay tumayo. Marahang lumapit sa kaniya. "Seriously? You have no idea what we've done that night? I don't believe you." Kaagad nitong tinawid ang maiksing distansya nila at marahan siyang itinulak sa pader. "I'm not stupid to be fooled. You remember what exactly what we did. Every single touch... every single moan..." mapang-akit na boses na wila ng lalaki habang napakaiksi ng distansya ng kanilang mga mukha at ramdam na ramdam niya ang mainit na paghinga nito. Mayroon ding diin ang huling mga salitang binitawan nito.
Hindi magawang magsalita ni Clea. Tila ba siya naging bato sa kinatatayuan at titig na titig sa lalaki.
Mabilis na inangkin ni Elias ang kaniyang mga labi. Mapusok iyon at mapang-angkin.
Ikinagulat iyon ni Clea at mabilis na itinulak ang lalaki palayo. Natumba siya sa sahig dahil sa panlalambot ng kaniyang mga tuhod habang tulala. "M-Mr. Adamson..."
Hindi malaman ni Elias ang gagawin. Maging ito ay nabigla sa kapusukan na nagawa. Lumuhod ito kapantay sa lebel niya at mahigpit siyang niyakap. "I'm sorry. Hindi ko sinasadya. Wala akong masamang intensyon. I'm not as bad as you think."
Hinayaan ni Clea ang lalaki na yakapin siya. Tinulungan siya nitong maupo sa sofa. Lumabas ito saglit at pagbalik ay may dala ng malamig na inumin. Iniabot nito iyon sa kaniya. "I'm sorry," wika nito at naupo sa kaharap niyang single sofa.
Marahan siyang tumango. "M-Mr. Adamson, puwede po bang kalimutan na lang natin ang mga nangyari noon? I-ito po ang unang trabaho ko a-at kailangan ko po ang sasahurin ko dito." Napakaraming tumatakbo sa isip niya. Hindi siya ganoong babae katulad ng iniisip niyang tingin sa kaniya ni Elias ngayon.
"As you please. I'm really sorry. Shouldn't have done that kind of stupidity. You're a decent woman, I know. It's me. I'm sorry. Puwede ka nang bumalik sa table mo." Bumuntong hininga si Elias.
Marahang tumango naman si Clea at nanghihinang bumalik sa kaniyang lamesa.
***
NANG SUMUNOD na araw ay pinilit ni Clea magpokus sa kaniyang trabaho. Nakahinga siya nang maluwag nang malamang hindi makapapasok si Mr. Adamson ngayon dahil nasa isang importanteng business event ito.
"I heard bumalik na daw sa Pinas ang fiancee ni Mr. Adamson."
"Sabi nga, pero hindi ako sure."
Nahagip ng mga tenga niya ang usapan ng dalawang babaeng pumasok sa kitchenette habang nagtitimpla siya ng kape para sa kaniya. Bigla siyang napalunok ng laway at naalala ang nangyari sa pagitan nila ni Elias. So, he's engaged?! Nagulantang ang pagkatao niya at nahinto siya sa paghalo ng kaniyang kape.
Hindi dahil sa gusto niya ang lalaki, kundi dahil sa kahihiyang aabutin niya sa oras na malaman ang nangyaring one-night-stand sa pagitan nila. Mabilis siyang lumabas ng kitchenette at bumalik sa kaniyang table. Naramdaman niya na lamang na nanginginig ang kaniyang mga palad.
"What have you done, Clea..." bulong niya sa sarili at marahang nakagat ang ibaba niyang labi. "Ang tanga mo! Nakakainis!" dagdag pa niya na siniguradong walang makakarinig na kinakausap niya ang sarili.
Nangako siya sa sarili na kakalimutan na ang nangyari noon maging ang huling tagpo nila ni Elias kung sana hinalikan siya nito. Humingi na rin naman ng tawad ang lalaki. Siguro naman ay mananatili nang lihim ang nangyaring pagkakamali noon at hindi na muling mauungkat pa.
Lumipas pa ang ilang araw. Nakahinga si Clea nang maluwag dahil naging normal na lamang ang mga tagpo nila ni Mr. Adamson, purong trabaho na lamang ang dahilan ng pag-uusap nila at hindi na nabanggit pang muli ang tungkol sa nangyari noon. Kaya nga lamang ay tila ba napakalamig at ibang tao si Elias Adamson sa lalaking una niyang nakilala noon. Mainit ang ulo nito at ilang beses siyang nasigawan.
Datapwat ganoon ang nangyari ay ipinagpasalamat pa niya ito dahil ayaw niya nang umingay pa ang nangyari noon sa pagitan nilang dalawa.
Pagkatapos ng kaniyang trabaho ay naisipan niyang tumambay muna sa isang park malapit sa kumpanya. Naupo siya sa swing at tumulala. Malalim ang kaniyang iniisip.
Nakatanggap siya ng tawag mula sa kaniyang ina kanina lamang at maluha-luha ito nang sabihin sa kaniya ang current lab test result nito.
"Clea... I have stage two breast cancer but don't worry, early stage daw ito. Hindi pa naman ako mawawala at magagamot daw ito, marami pang babayarang utang si Mommy bago makauwi sa Pinas at makasama ka kaya hindi pwedeng sumuko."
Paulit-ulit 'yan sa isip niya at tuwing maiisip iyon. Labis siyang nalulungkot sa sitwasyon nilang mag-ina ngayon. Paulit-ulit siyang bumuntong hininga. Wala siyang ideya sa halaga ng utang na binabayaran ng mommy niya ngayon, ang alam niya lamang ay kaya ito nasa abroad ay para kumita ng pera at ibayad sa mga pinagkakautangan ng ama noon na pinagbabantaan ang buhay nilang mag-ina.
Para nang sasabog ang utak niya. Napakarangya ng buhay na mayroon sila noon at ngayon ay tila ba mas mahirap pa sila sa daga, nagkasakit pa ang kaniyang ina. Mabuti na lamang at nakahanap kaagad siya ng trabaho.
Hindi niya matanggap ang nangyari sa buhay nilang mag-ina ngunit wala naman siyang ibang magagawa kundi magpatuloy.
"Clea Buenaventura, right?"
Nag-angat siya ng tingin mula sa pagkakatulala sa lupa nang may magsalita sa kaniyang harapan.