TINITIGAN NI CLEA nang mabuti ang lalaki g nasa harapan niya. Chinito ito, matangkad at katamtaman ang kulay ng balat. Iniisip niyang mabuti kung sino ito at paanong nalaman ang pangalan niya. "Sorry, do I know you, Sir? Paano mong nalaman ang name ko?" tanong niya.
Napakamot ito sa batok. "I'm sure not, pero magkasama tayo sa company. I'm from finance department, senior level. Actually, simula dumating ka sa office tinanong ko na agad pangalan mo sa ibang employees."
Tumayo siya sa kinauupan at yumuko. "Naku! Pasensya na, Sir, senior po pala kita. Hindi pa po kasi ako pamilyar sa ibang kasama ko sa trabaho. Pasensya na talaga."
Ngumiti ang lalaki. "No, it's okay. Wala naman na tayo sa opisina. No need to be formal. Can I sit with you?"
Nagdadalawang isip man dahil gusto niyang mapag-isa ay tumango na lamang siya at ngumiti. Nakipagkwentuhan siya dito at hindi namalayang parang napakatagal na nilang magkakilala kung mag-usap. Ang gaan kaagad ng loob niya sa lalaki. Palabiro kasi ito at palangiti.
"See you tomorrow," paalam nito sa kaniya pagkatapos nang mahabang oras na pagkukwentuhan nila.
Ngumiti siya at tumango. "Thank you for today, Kevin. It's really nice to meet you. See you tomorrow po."
***
INILAPAG NIYA ang mga gamit sa kaniyang table at sinimulang suklayin ang bahagya pang basa na buhok. Ala sais pa lamang. Maaga siyang pumasok upang tapusin nang maaga ang kaniyang paper works.
Nakadinig siya ng kalabog mula sa silid ni Elias kaya naman dali-dali siyang pumasok sa loob. Sa pagkakaalam niya ay alas otso pa dumadating ang lalaki, kaya naman nagulat siya nang makita ito sa loob ng silid. "Mr. Adamson, nandito na po pala kayo."
Tila hindi siya narinig ng lalaki. Itinapon nito sa sahig ang hawak na kung ano. Tumalsik ito sa sahig kung saan nakita ni Clea ang nagkalat na mga magazine, marahil ito ang ingay na narinig niya.
"May problema po ba?" Marahan siyang lumapit at yumuko upang damputin ang mga nakakalat. Doon niya lamang napansin na wala sa sarili ang lalaki at amoy alak ito. Hindi na rin maayos ang pagkakabutones ng suot nitong long sleeve. "Mr. Adamson, you're drunk." She even realized that he's still wearing the same clothes as yesterday. "Hindi ka pa po umuuwi?"
Elias didn't answer again. Inihilig lamang nito ang ulo sa ibabaw ng backrest ng sofa. "Give me a water, please."
Nagmamadali siyang kumuha ng tubig at iniabot dito. Nahulog ang baso sa sahig nang hatakin siya ng lalaki paupo sa mga binti nito. Nanlaki ang kaniyang mga mata sa gulat. "M-Mr. Adamson, what are you doing?!"
"Help me, Clea... Help me, please..." pabulong na sambit ng lalaki.
Napakabilis ng t***k ng kaniyang puso. Sa kabila ng matapang na amoy ng ininom nitong alak ay hindi maalis ang mabangong amoy ng lalaki na nang aakit at nanunukso kay Clea. "Mr. Adamson, what do you mean?"
"Help me, Clea... I was drugged."
Ikinagulat niya ang sinabi nito at tinitigan ang lalaki.
Hinihingal ito at tila ba init na init. Bukas na ang ilang butones ng long sleeve polo nito at pinamumulahan ito nang sobra. "Someone put a drug on my drinks. Please help me."
"B-but how?" nautal pang tanong niya.
"Help ease the fire burning me. Please..." Niyakap niya nito at itinungo ang ulo sa kaniyang balikat.
Nais niyang itulak palayo sa kaniya ito ngunit taliwas sa iniisip niya ang nais ng kaniyang katawan. Hindi niya nagawang lumayo sa lalaki, lalong-lalo na nang simulan nitong halikan ang kaniyang balikat, patungo sa kaniyang tainga.
Mariin siyang napapikit at napahawak nang mahigpit sa laylayan ng damit ng lalaki.
Napakainit ng mga labi nito, maging ang mga palad na nagsimulang gumapang sa kaniyang katawan.
Napabalikwas siya nang simulang hubarin ni Elias ang kaniyang damit. Hinawakan niya ang palad nito at nagdadalawang isip. Tumingin siya sa pintuan na hindi naka-lock.
Umiling ang lalaki na tila ba nabasa ang kaniyang iniisip. Sinunggaban nito ng halik ang kaniyang labi.
Hindi kaagad tumugon si Clea ngunit nang maramdaman ng init at pangangailangan ay muling nablangko ang isip niya. She let Elias have her again, but this time not on his bed but on the sofa of his office.
***
10AM IN THE MORNING
NANLALAMIG ang mga palad ni Clea at hindi siya makapag-focus sa trabaho simula pa kanina. Iniwan niyang mahimbing na natutulog si Elias sa loob ng opisina nito. Laking pasasalamat niya at walang kahit na sinong maagang pumasok sa opisina.
"Hi, Clea, nariyan na ba si Mr. Adamson?"tanong ni Fara sa kaniya.
Lumunok siya ng laway at tumingin dito. Hindi siya kaagad nakatugon. Ano ba ang dapat niyang sabihin nang hindi siya pag-iisipan ng hindi maganda?
"Nakakapagtaka kasi, kanina pa tumatawag ang business partner niya para sa meeting nila. Hindi ba't ikaw ang assigned sa schedule niya? Bakit hindi mo siya tinatawagan?"
Marahan siyang tumayo at hininto ang kunwari ay ginagawa. "N-nariyan na po siya sa loob pero mukhang masama ang pakiramdam. Ako nalang po ang tatawag at magpapaliwanag kay Mr. Rosca," tugon niya na binanggit ang pangalan ng taong dapat ay ka-meeting ngayon ni Elias ayon sa schedule nito ngayon.
Tumango si Fara at pinaubaya na sa kaniya ang trabaho.
Nanghihinang naupo si Clea pabalik sa upuan. Maya-maya ay naisipan niyang pagdalhan ng maiinom si Elias sa opisina nito, sakto namang gising na ang lalaki at tila mas maaliwalas na ang mukha nito kumpara kanina. Inilapag niya ang tasa sa ibabaw ng study table nito.
"Thanks," maiksing wika ng lalaki.
Hindi niya alam ang sasabihin niya. Pinagsalikop niya ang palad. "Mr. Adamson—"
"Thanks for helping me, I'm not thanking for the coffee," putol ni Elias sa pagtawag niya dito. Sinimulan nitong inumin ang binigay niyang kape.
Bumuntong hininga siya at tumingin sa sahig. "Mr. Adamson, mabuti naman at okay kana. Puwede po bang malaman ang nangyari sa 'yo?"
Tumango si Elias. "I was drugged. Someone put a drug on my drinks last night. Itong office ang pinakamalapit sa bar na pinuntahan ko kaya dito ako dumiretso. Don't worry, about what happened I will give you a reward. Magpapa-send ako ng pera sa bangko mo."
"Hindi po ako bayarang babae," aniya rito at mariing pumikit. Huminga nang malalim at tumingin ulit sa lalaki. "Hindi po ako tulad ng babaeng inaakala mo. Ginawa ko lang 'yon dahil humingi ka ng tulong sa 'kin."
"That's it?" tila balewalang tanong ni Elias.
"What do you mean?" Hindi nagustuhan ni Clea ang tanong nito kaya naman awtomatikong sumimangot ang kaniyang mukha. "Please lang, 'wag mong bigyan ng kahit na anong kahulugan ang nangyari. Hindi rin po ako humihingi ng pera. Wala akong ibang kailangan." Kaagad siyang tumalikod at nagsimulang maglakad palabas.
"Can we do it again?"
Nahinto siya sa paglalakad nang marinig iyon. Nakagat ni Clea ang ibabang labi. Nababaliw na ba ang lalaking 'to?!