“Lumayo ka sa mga walang kwenta at walang sense na mga debate. Alam mong dyan nagsisimula ang mga away.” 2 Timothy 2:23 -- Chapter 30 Part 1 Pearl Just the mere thinking of having his baby in my body makes me excited. And aside from that, it’ll going to be my baby too! Mas madalas na namin ngayong pinag-uusapan ni Nick ang pagkakaroon ng sarili naming anak. I fell deeply in love with him because of his future plans for us and for the kids. Kahit wala pa man, parang alam na niya ang gagawin sa future namin. His visions are clearer than mine. Dumidipende ako sa kanya at minsang walang nasasabi o nadadagdag. Hindi ko kasi alam kung paano ang maging nanay. Iba iyong pag-aalaga ko sa pamangkin at iba kung sarili ng anak. Ang vision ko ay mas makahulugan sa puso kung dugo’t laman ko na t