Chapter 30 Part 2 Pearl Tumingin-tingin ako sa internet ng mga dapat gawin para mabuntis agad. Kaso may nakita akong mga kwento ng couple na after three months of marriage, biniyayaan agad ng supling. Iyong iba after five months, six, and seven. Mayroon ding nakabuo after one year of marriage. Some were after two or three years. Some were after five. Iba iba ang kwentong nabasa ko. Pero pare-pareho kaming gustong magkaanak. “Bakit naman atat kayo masyado? Ang sabi nga, kapag minamadali, napupurnada. Darating din kayo d’yan, Pearl. Ikaw talaga!” Kausap ko ngayon si Pamela sa cellphone. Nasa terrace ako. Mag-isa. Nanonood ng TV si ate Digna sa sala. As usual, wala sina Jewel at Nick. Mga may pasok. Overlooking ko ang city. Makulimlim ang langit kaya mahangin ang pwesto ko rito.