“Wag kang mawalan ng faith at dapat laging malinis ang konsensya mo. May mga taong hindi nakinig sa konsensya nila kaya nawasak ang faith nila.” – Timothy 1:19
--
Chapter 22
Pearl
He prepared everything we needed to prepare. He fixed anything like as if conspiracy was so easy. Nang malamang kailangang um-attend ng seminars sa Pari, hindi na tinuloy sa simbahan. Kumuha siya ng schedule sa City Hall ng Maynila. Kinumpleto at nagpasa ng requirements. At nagkaroon kami agad ng takdang petsa para sa civil wedding.
“Mr. De Silva! I’m so glad to see you. Aba, nagulat ako no’ng malamang ikakasal ang anak mo rito. It’s an honor to officiate this wedding.”
It took just a short time to be here in the Mayor’s office. Magkakilala ang alcalde at si Sir Reynald. Malaki ang ngiti at galak niya pagkakita sa pamilya De Silva. Nakipagkamay sina Nick. At pinakilala niya akong girlfriend. Hindi bride.
“Hello, hija. Nice to meet you. Well,” makahulugan siyang sumulyap kay Nick. “Wala akong masabi sa ganda ng mapapangasawa mo, Mr. De Silva. Kaya ba madalian ‘to?”
“Hindi naman, Mayor. Ganito ang napag-usapan namin.”
Lumapit sa mesa ang alcalde. Tinawag niya ang sekretarya at may pinakuha.
“Naku. Ang dami ngayong nagsi-civil wedding muna. Ilang celebrity na ang kinasal ko. E, kahit modern na tayo, may pamilya pa ring naniniwalang bago lumobo ang tyan kailangan kasal. Para iwas chismis.”
Namilog ang mata ko. Inusod ako ni Nick padikit sa kanya. Iyong kamay niya ay naramdaman kong kumapit sa baywang ko. Nang hindi ko namamalayan, napapatago ako sa kanya dahil sa biglang pag-init ng mga pisngi.
“Oh, no, Mayor. Hindi pa buntis si Pearl. Can we just start the wedding now? Marami pa kasi kaming gagawin pagkatapos nito. Alam mo na. May mga bisita rin kami.”
Tiningnan ni Mayor si Ma’am Kristina. “Yes, ofcourse, ofcourse. Ehem. Couple,” he urged us to come nearer. Tumayo siya sa harap ng seal ng kanyang opisina. Hawak ang isang libro. Tumikhim. Binigay ng sekretarya niya ang eyeglasses at sinuot iyon. Binasa niya ang libro at tumingin sa amin.
Kasama ko ang buong pamilya ni Nick. Kasama ko sina Tatay Vic, Dyosa, Mariposa, Gelay at Jewel. Binilhan ako ni Nick ng puting bestida para sa okasyong ito. Sleeveless dress na hanggang tuhod ang palda. Sapatos at pati jewelry. Ang bulaklak na hawak ko ay inabot ni Yandrei.
Si Tatay ang nag-ayos sa akin. He strengthened my long hair. Nilagyan niya ng waves. Siya rin ang nag-makeup. Binuhay niya ang mata ko. Sinuklay ang kilay at pilikmata. Nagkabuhay ang pisngi at labi.
Ilang beses ko siyang nakitang tinititigan ako nang malungkot sa salamin. Pero ngumiting pilit nang mahuli ko. Hindi na niya inungkat na umuwi ako o tumakas. Hindi na. Dahil pareho naming alam na nariyan si Jewel. Maaaring mawala sa aming lahat.
Sina Dyosa, Mariposa at Gelay ay pare-parehong tahimik lang. Natatakot silang kausapin tungkol kay Nick si Tatay. Alam nila kung bakit ako magpapakasal. Tuwa at lungkot. Pero wala naman silang magagawa. Kaya nanahimik na lang at sumuporta sa akin.
Tinext ko si Ruby. Ang sabi ko, pwede na siyang bumalik. Bayad na ang mga utang niya. Wala na siyang iintindihin pa. Hindi siya nagreply. Nang tawagan ko, operator pa rin ang sumasagot. Sana pagsalpak niya numero niya ay matuwa siya sa balita ko.
Nakasuot ng puting longsleeves polo at itim na pantalon si Nick. Ikakasal ba talaga ako sa taong ito? Pero heto na. Natipon-tipon na kaming lahat. Magkaharap na kami. Isisilyado ko na ang sarili sa lalaking kahit kailan ay hindi ko naisip na maging asawa.
Makikipag-isang dibdib ako sa ama ng pamangkin ko. Magpapakasal ako bilang bayad-utang sa kanya.
Hindi ako handa sa kahit anong vows o anong kasapi sa kasal na ito. Nang tanungin ako, um-oo ako na tila nirehearse kong ilang beses. Nang papirmahan ako, pumirma ako. Pero ang pinakainilagan ko… ay ang sabihing pwede na niya akong halikan. Na pwede na.
Wala akong narinig na palakpakan. Nick’s face was impassive. Unimpressed. Cold. Mad.
Nalungkot ako sa nakita. Bumaba ang labi niya. Dinampi nang mabilis sa akin. A few pairs of hands clapped for us. Madali ring natapos.
Nillingon ko sina Tatay. Kababa niya lang ng mga kamay. Namumula ang mata niya at ilong. Sinubukan kong ngitian siya. Panatagin ang loob niya. Pero hinawakan ako ni Ma’am Kristina sa braso para yakapin at batiin. Sandali kong nalimutan ang ama ko.
Binati nila kami. Si Yandrei ay ngiting-ngiting. Iba ang pakiramdam ko sa kanya. Para akong nakatagpo ng bagong kaibigan kapag nakikita ko ang ngiti niya. Palagi na niya akong tinatawag na sister-in-law o kaya hipag. Nangingiti lang ako. Si Anton ay simple lang ngumiti. Akala mo hindi nagseseryoso. Pero nang batiin niya at yakapin, mainit na pagtanggap ang naramdaman ko.
“Congratulations! Welcome to the family, Pearl!”
“T-Thank you,” I shyly answered. Sa kanila ay normal pa rin ang lahat ng ito.
Kinamayan at nagyakapan din sina Tatay Vic at Ma’am Kristina. Naiiyak si Tatay. Tinapik siya ni Sir Reynald at may binulong. Tumawa ang asawa niya at niyakap ulit ang tatay ko.
Tumakbo si Jewel kay Nick. Binuhat siya nito. Lumapit ang photographer at kinunan sila ng litrato. Tinulak ako ni Yandrei. Pinalapit sa mag-ama. Para makuhanan kaming tatlo.
Nick’s hand snaked in my waist. Buhat niya sa kabilang braso ang anak. Tumingin ako sa lens ng camera. Pinanood nila kami. Hirap akong ngumiti. Nang magflash ang ilaw, napaigtad pa ako at na-awkward-an sa sumunod.
Nick and I photographed together as the newly wed couple. Suot ko ang dalawang singsing sa daliri. Ang engagement ring at wedding band. Katabi ko ang… asawa ko. Nakamasid ang buong pamilya. Humugot ako ng hangin para lang mapakalma ang kumakaripas na takbo ng puso ko.
Hindi ako makaramdam ng kasiyahan. Pero hindi rin ang kalungkutan. My heart is nearly empty. Nearly sad. Nakakangiti ako kapag may ngumingiti sa akin. Na parang pinapakita nila na maayos ang lahat. Na huwag akong mag-alala. Everything will fall into right places. Kasi wala akong nakikitang matibay na ebidensya sa kinabukasan ko. Sumusunod lang ako sa kung anong gustong ipagawa sa akin. Like as if my hands are tied. My lips are sealed. My eyes are blindfolded. But… my heart loves freedom but she is crying.
Paglabas namin sa opisina ng Mayor, isa na akong may-bahay. Pero hindi iyon ang nangingibabaw sa isip ko. Mas dama ko pa rin na ako ay isang ‘bayad.’ Kinuha ako ni Nick. Kasama si Jewel. Kaya ang tungkulin ko ngayon ay maging asawa niya sa lahat ng aspetong gusto niya. Dahil iyon talaga ang pinag-ugatan nito.
“Heartbroken si Mark! Ayun! Halos araw-araw lumalaklak. Kung pwede lang lumiban sa trabaho kaso biglaan masyado. Hindi mo man lang ako pinaghanda. Hindi ako pwede,”
“O-Okay lang, Pam. Pupunta naman kami d’yan. Kita na lang tayo… saka ni Mark.”
“Bakit naman kasi bigla kang ikakasal? Akala ko bakasyon ang pinunta mo sa maynila?”
“S-saka ko na ikukwento. Basta! Makikilala mo naman siya.”
“Pakain ka, ha? Saka inom, haha! Congrats, Pearl! Kung sino pang walang balak mag-asawa, siyang nauna. Ayoko na nga rin mag-asawa.”
“Sira. Sige na. Kita-kita na lang. Bye!”
“Wait lang, padalhan mo ‘ko ng picture ng asawa mo. Ikakasal ka na, hindi ko pa nakikita ‘yan. Ano? Gwapo ba?”
Nag-alangan akong sumagot pero… “G-gwapo naman siya…”
Hindi kami masyadong nag-uusap ni Nick. Minsan, napapadako ang paningin ko sa kamay niyang may wedding ring. I held and touched his hand a while ago. Malaki at magaspang ito. Kapag nakadantay sa baywang ko, tumutuwid ang spine ko. Kapag kinukuha niya ang kamay ko, gusto kong bawiin. Pakiramdam ko, ikukulong niya ako. Na itatali ngayong kasal na kami.
Pero hindi. Hinahawakan na niya ako palagi kasi… alam naming may karapatan na siya.
Iyon ang tumatakbo sa isip ko.
Karapatan.
Hindi na ako single. Pinakawalan ko na iyon. Nasa bagong status na ako. Nahihirapan pa akong paniwalaan pero siguro sa mga susunod na araw o taon, tatanim din ito.
Galing sa City Hall, bumyahe kami sa kanilang mansyon. Ginayak ni Ma’am Kristina ang hardin para sa salu-salo. Hindi kami nagpareserve sa restaurant. O kahit tanggapin ang alok ni Yale na sa hotel gawin ang reception. The wedding is very simple. Kaya pinili kong sa simpleng handaan na lang din.
Madilim ang mukha ni Nick no’ng sabihin ko iyon. Pero hindi tumutol. Pumalakpak ang mommy niya at sinuggest na sa hardin gawin. Nagpacater siya at nilagyan ng dekorasyon ang bahay.
May mahabang lamesa na nilatagan ng mga pagkain. Nasa apat na bilog na mesa ang para sa mga bisita. Pormal ang set up ng mga pinggan at kubyertos. May waiter, background music at ilaw ang halamanan.
Puti ang mga mantel at may bulaklak ang bawat mesa. May cushion ang upuan. There were sheer curtains, ivy vines and white flowers everywhere.
Sandali akong natigilan. Halos mapanganga sa ganda ng dekorasyon, setup at lugar. Mas maganda pa yata ito kaysa sa mamahaling hotel. At ideyang lahat ni Ma’am Kristina. Halos wala akong naidagdag. Tinanong naman ako pero ang isipan ko ay sa iba nakatuon.
Nick’s family did the majority of the preparation of my wedding.
Kasi sa isip ko… sila ang gumastos sa lahat. Mula sa susuotin, kakainin at venue. Ni isang kusing, walang hiningi sa amin ni Tatay. I could give my share. I tried. But Nick declined my offer. He didn’t just want to shoulder the expenses. He wanted to do everything under his supervision and manipulation.
And I don’t need to do anything but to follow him, correct him sometimes and be quiet.
Looking at what his family prepared for this day… I was surprised. Marunong sila pagdating sa handaan. Given na iyon dahil madalas nakakadalo ng party. It’s not even extravagant. It’s just perfectly simple and more on a meaningful side.
I looked at our visitors. Mostly his family. His clan. They added class in the place.
“Congratulations, Pearl Francesca!”
Napako ang mga paa ko pagkarinig sa masayang boses ni Ruth. Pero bigla akong hinapit sa baywang ni Nick. Ito na naman ang kamay niya. Ang palad niyang mainit. Dumidiin sa balat ko sa bawat kuha niya sa akin.
Palapit si Ruth nang tingnan ko siya.
“Alam kong hindi mo gusto ito. Napipilitan ka lang. Pero ngumiti ka naman sa pamilya ko.” dumikit ang labi niya sa tainga ko.
Nagtagal ang paningin ko sa kanya. Hindi ko napansin na medyo mainit ang ulo niya. O naiinis. Hindi ko napansin na pinapanood niya ako. Pero…
Binitawan niya ako saktong paglapit ni Ruth. Sinundan siya ng tingin ng asawa ng pinsan niya. Pinuntahan nito ang mga lalaking pinsan na nakatayo sa tabi ng mga inuming alak. Masaya siyang kinantyawan at bati.
Ruth hugged me. I was a bit disoriented with her greetings.
“Ang ganda-ganda mo! Kaya ayaw kang pakawalan ni Nick, ano?”
“H-hindi naman…”
Nahilaw ang ngiti ko nang magtagal ang titig ni Ruth.
“Everyone is glad that Nick is now married. Alam mo, palaging sinasabi ng asawa ko na siya ang pinakahuling mag-aasawa. Palapit na sa pagiging matandang binata. Maggi-girlfriend pero tatanggi sa commitment. Pero tingnan mo naman ngayon. Kinain niyang lahat ng kuru-kuro niya. But then thinking about it, hindi ko rin ito inaasahan.”
Hanggang ngayon, wala akong narinig na kahit ano sa kanilang pamilya matapos akong habulin ni Nick sa Airport. They never confronted me. Nor file a case. Sa kalibre nila at koneksyon, madali akong madadala sa pulisya para ipakulong. Niloko ko sila. Nagpanggap na ina ng kadugo. Nasabihan sila tungkol sa tunay kong pagkatao pero ni isang masakit na salita ay wala akong natanggap.
Gusto kong isiping, kinagiliwan pa nila ako. Pero hindi lantaran. At hindi ganoon. Tinanggap nila ako kahit hindi ako si Ruby. Mahirap unawain ito. Pero kakaiba yata ang view sa buhay ng pamilyang ito. O sadyang may mabubuti silang kalooban na bihira nang makahanap ngayon.
Pinagkaguluhan ako nina Ruth, Yandrei at Dulce. Pare-pareho nila akong pinupuri.
“Ang Tatay ang nag-ayos sa akin,” may pagmamalaki kong sabi.
Hinawakan ni Dulce ang mahaba kong buhok. Halos magkasinghaba ang buhok naming dalawa. Pero straight na straight ang kanya. Mana kay Ma’am Aaliyah. She has soft features too like her mother. Mabait din si Dulce. Mas matahimik kaysa kay Yandrei. Para siyang nanay nito kasi naririnig kong pinagsasabihan niya minsan ang bunso ni Ma’am Kristina.
“Tawag ka yata ni Mommy sa table nila.” kinuha ni Yandrei ang siko. Hindi ko pa nalilingon ang tinuturo niya, hinila na niya ako.
Naiwan na si Dulce sa table ng parents niya.
“She’s the newest member of my family, Hero. Pearl Francesca de Silva!”
Tumayo si Tito Hero. Bestfriend ni Ma’am Kristina. Bineso niya ako at kinurot ang pisngi ko. Blonde ang buhok niyang maiksi. Medyo heavy ang makeup. Makapal ang eyelash extension. Ngumiti siya pero pinasadahan niya ako ng tingin. He’s like the exact opposite of his bestfriend. But then I could feel his genuine personality too.
“Nako, ha! Hindi mo ako tinawagan para ayusan ka! Karibal ko pala ang tatay sa pag-aayos sa girlfriend ni Nicholas! Pero Tin, ang ganda nitong manugang mo. Pang beauty queen ang awra pati katawan. Bakit hindi niyo muna pinasali sa pageant bago ikasal? Baka ito ang susunod na mag-uuwi ng korona sa Pinas. Sayang!”
Nakasuot ito ng itim na sando at itim na pantalon. Pati black boots. May kalaliman ang harapan kaya tila may cleavage na nakalabas. Pero wala lang iyon sa kanya. He is so confident to be himself. And I kind of admired him for that.
“Tinutulak nga naming sumali sa barangay contest. Pero mahiyain kasi si Perlas.” Nakangiting sabi ni Mariposa.
Nilingon siya ni Tito Hero. “Ite-train mo lang ‘yan. Hindi naman lahat confident agad-agad.” namaywang ito at nilipat ang tingin kay Tatay. “Sayang ‘tong anak mo, ha! Ang ganda-ganda at sexy. Dapat sinali mo sa Miss Universe o sa Miss World. Susunod sa yapak ni Catriona ‘to!”
Naiiling na ngumiti lang si Tatay.
“O kaya model ng shampoo. Paano ka nagkaroon ng ganitong anak na maganda, aber?”
Tinaas ni Tatay Vic ang noo at kilay sa kanya. “Maganda ang Nanay niya, ‘no!”
“Anong namana sa ‘yo?”
“Kabaitan at kasipagan po.” singit ni Dyosa.
Malakas siyang siniko ni Tatay. “Matalino rin ako noon. Kaya nga nainlove sa akin si Clara.”
“Kaswerteng nilalang. Nabiyayaan pa ng anak.”
Umiling iling si Tito Hero. Pagbaling niya sa akin, pinasadahan niya ulit ako ng tingin.
“Ayaw mo bang magpageant, hija? Kaya kitang isabak. Tutulungan tayo nina Reynald para makapasok ka. Pero tiyak makakapasa ka. Ag hubog, oh. Pang beauty queen talaga.”
“Tigilan mo na ang manugang ko, Hero. Saka baka hindi pumayag ang asawa. Uunahin muna nila ang magkaroon ng pamilya.”
“Nagbabago ang rules sa pageant, Tin. Malay mo, next Miss Universe ‘to. Ang ganyang ganda, hindi dapat sinasayang. Iyang anak mo talaga. Pinakasalan agad. E, batang bata pa.”
Mahinhing tumawa si Ma’am Kristina. Ngumiti na rin ako.
“Kung alam mo lang ang determinasyon ni Nick sa kanya. Hindi mo masasabing ‘sayang.’”
Lumawak nang lumawak ang usapin nila pagdating sa beauty pageant. Narinig ko ang ibang pangalan ng beauty queen. Nadawit pa ng showbizness. Magtry pa raw akong mag audition sa TV station nina Nick. Pero hindi na ako nakisali. Hinila ako ni Ma’am Kristina para lapitan sina Sir Johann, Ma’am Aaliyah, Sir Matteo at Ma’am Jahcia. Binati at niyakap ako nina Madam. I always felt their kindness and beauty from their smiles and words.
“’Asan ba si Nick? Nick! Halika nga rito!”
Nakita ni Sir Matteo na nakikipag-inuman na ito kasama sina Yale at Dylan. Binitawan lang ang baso at saka lumapit sa amin.
“Bakit umiinom ka kaagad? Dapat samahan mo itong asawa mo sa pag-aasikaso sa pamilya. Kakakasal mo lang. Aba, parang tumitigas na agad ang ulo.”
Tumikhim si Nick. “Sorry, Uncle.”
“Let them enjoy this day, Matt. Nagse-celebrate lang sila with Dylan.”
“I know. I know, Aaliyah. Pero kapag nasa reception at naglilibot ng mesa, dapat magkasama ang bagong kasal. Hindi iyong, si Pearl lang ang mag-isang umiikot. Tapos siya nakikipag-inuman na. Hindi magandang simula ‘yan.”
Nakita ko ang nag-aalalang tingin ni Ma’am Kristina sa anak. Walang sinasabi ni Nick. Hindi nagbibigay ng katwiran. Sa akin naman, okay lang na makipag-inuman siya. Mga pinsan naman ang kasama niya. Pero siguro ang pinupunto ni Sir Matteo ay iyong tradisyon. Hindi ko iyon naisip. Wala namang gaanong bisita at halos magkakakilala na rin ang lahat.
Sinunod ni Nick ang payo ng Uncle Matteo niya. Nginitian lang siya nina Ma’am Aaliyah at Ma’am Jahcia. Naiintindihan nila. Pero si Sir Johann… masinsinang kinausap ang pamangkin.
“Huwag mong iiwan ang asawa mo, Nick. Kapag may kailangan siya, dapat palagi kang nakaalalay. At palagi kang nakabantay. Ganoon ang dad mo. Hanggang ngayon din naman. Nakikita mo ‘yon. Baliw na baliw sa mommy mo. Mamaya na ‘yang inuman niyo. Makakapaghintay ‘yan. Pero huwag mong paghintayin ang asawa mo.”
“Yes, Uncle. I remember that.” Sinsero naman ang boses niya.
Naupo na kami pagkatapos ng maikling batian, kumustahan at pag-uusap. Inalalayan ako ni Nick sa pag-upo. I thanked him. Pagkaupo niya sa tabi ko, sinumulan na ang pagkain.
Masasarap ang pagkain. Pero kaunti lang ang nilagay ko sa plato. Naubos ko ang soup. Kaunting kanin at gulay. Marami akong nainom na tubig at juice.
They also served champagne flute. Pagkalatag no’n sa mesa, umingay ang mga baso at kubyertos.
Umalon yata ang paningin ko. Nakatingin sa amin ang pamilya at piling bisita. Ngumingiti habang pinapatunog ang kanilang baso.
“Kiss! Kiss!”
Nangunguna sa buyo si Dylan. Sinundan nina Anton at Dean.
Nakangiti o ngisi ang mukha ni Red sa tabi ng ama.
“Mga bwisit.” Nick murmured.
Yumuko ako. Ang init-init ng mukha ko na parang sasabog na kamatis!
Mas lalong uminit nang tumayo si Nick. At tumingin sa akin.
“A-ano?”
Nilahad niya ang kamay. “Let’s give them what they want.”
Agad kong hinanap si Jewel. May bata. Narito rin si Joaquin. Baka pwedeng i-skip na lang ito?
“S-si Jewel nariyan,”
“Ano naman? Mag-asawa na tayo. Pwede na kitang halikan.”
Lumakas na naman ang buyo ni Dylan sa ere. Kada sigaw niya ng kiss, parang nilalagyan ng mantika ng mukha ko.
But we’re married. Even this request in the occasion is normal. Kaya nilagay ko ang kamay kay Nick. Marahan akong tumayo. Damang dama ko ang panginginig ng tuhod ko. Mabubuwal ako kung hindi lang nakahawak si Nick.
Nilagay niya ang braso sa baywang ko. Hindi ko na alam kung paano ang nangyari. Hinapit niya ako. Dumikit ang hininga niya at naramdaman ko ang mainit niyang labi.
No’ng una ay mabilis na halik at halos dampi lang. Dumilat ako. Nakatitig siya sa akin. Suminghap ako nang ulitin niya ang halik pero sa mas madiin na tikim.
Nakatago ang mukha at labi namin sa kanila. Lumakas ang hiyawan. At may sumipol pa. Puro tudyo ni Dylan ang naririnig. Ang boses ni Deanne ay pangsaway lang sa kambal niya.
Nick’s lips were partly opened. And he brushed it. He softly sucked my lower lip.
Dumiin ang patong ng kamay ko sa kanyang balikat at pati hawak sa kamay niya. This kiss… is different from all his few kisses. This kiss… is a new level of intense for me. Mas ramdam ko ang galaw ng labi, ang init at pagdaiti. Mas matagal ito. Mas mainit. At nalalasahan ko siya.
Kaya nang unti-unti niya akong binitawan, sa kabila ng malakas na palakpakan, hindi ako agad nakabitaw. Rumupok ang buto ko. Nanghina sa gulat ang kalamnan ko. Iyong halik ay tila hinigop ang lakas ko.
Inalalayan ako ni Nick hanggang sa pagbalik sa upuan.
“I’d like to congratulate my son, Nick. And his wife, Pearl Francesca. Welcome to the family, hija. You’re my son’s other half now. His companion for life. And the mother of his future children and our grandchildren. Ang hiling ko lang ay… habaan mo ang pasensya sa asawa mo. Pero ikaw lang naman ang… pinaglaban niya sa amin. Sa kabila ng… kakaibang sirskumstansya ng pamilya. But then… I am welcoming you in our family, Pearl. You’re now a De Silva. Cheers to both of you, mga anak!”
Napatitig ako nang matagal kay Sir Reynald. Inabot ko ang flute ko. Tinaas katulad ng ginawa ng miyembro ng pamilya. Tiningnan niya ang anak. Hindi ito ngumiti maliban nang tumingin sa akin.
At that moment, no one would ever believe that our relationship is not normal. Naririnig ko iyon sa speech niya. Pero pinapakita pa ring maayos ang lahat. He called me as his child.
Sumunod na nagsalita sa tabi niya si Ma’am Kristina. Unlike his husband, nakangiti ito. Naluluha. Pero mas kita ang kaligayahan. Tumingin siya sa akin.
“Thank you, Pearl. Thank you… for accepting my eldest son. Hindi ko na yata mabilang kung ilang beses akong umiyak sa mga anak ko. Pero ang pinakamasayang iyak… ay iyong makita kong maligaya, kontento at tama ang ginawang pasya nila. Nicholas… you know, I love you so much, son. You are our first child. Our first happiness. Pero ngayong may asawa ka na… ikaw na ngayon ang mag-aalaga sa sarili mong pamilya. Maiintindihan mo na rin ang mga sermon ko sa ‘yo noon. Namin ng dad mo. Alagaan mo sanang mabuti si Pearl. Napakabuti niyang babae. Handang magsakripisyo kahit ang sarili. You may not know or you may not understand it all, but I want you all to know, that we’re so blessed to have her as Nick’s wife. Hiniling ko talaga siya para sa anak ko. Victorio, maraming salamat sa tiwala. Aalagaan namin at mamahalin si Pearl. At si Jewel. Hinding-hindi ka nagkamali sa pagpayag sa kasal na ito. You have a wonderful daughter. And I will always thank you for giving her hand to Nick. And to us. We’re family now. Thank you… for accepting my son for your daughter. Thank y-you.”
Suminghap ako at tumulo ang luha. Mayroong pumalakpak pero napawi nang nagsitayuan sina Ruth, Ma’am Aaliyah at Ma’am Jahcia, para yakapin at aluin si Ma’am Kristina.
Nagpunas ng luha si Tatay. Una siyang nilapitan si Tito Hero. Tinapik sa balikat. At saka nito sinalubong ng yakap ang bestfriend niya.
Kinagat ko ang labi ko. Pinunasan ko ang luhang kumawala nang hindi ko nararamdaman habang nagsasalita si Ma’am Kristina. Hindi niya sinabi lahat. Pero mas okay iyon. Hindi naman kailangang malaman ng lahat ang pagkakakuha ni Nick sa akin. Siguro, nakakahiya. At hindi katanggap-tanggap. Pero sa mensahe ni Ma’am Kristina… parang nakakadurog ng pusong kailangan niya ring umiyak para mapangasawa ko ang anak niya.
She’s a lovely mother. And I think, I will love her forever. Even if Nick’s not my husband.
“Are you okay?”
Binilisan ko ang pagpunas ng luha nang lapitan ako nina Yandrei at Dulce. Sunod kong nakita sina Anton, Dean at Cameron. May pag-aalala at kuryoso ang mukha.
Nag-squat si Yandrei para mahanap ang mata ko. Si Dulce ay humawak sa sandalan ng upuan ko.
Wala si Nick. Tumayo nang pumiyok ang mommy niya at lumapit. Mga kapatid at pinsan niya ang lumapit sa akin.
I tried to chuckle. Like, this is a wedding. That kind of speech is normal to tear a cry.
“O-okay lang.” sabay singhot ko.
Tinapik ni Dulce ang balikat ko. “You’re emotional too. Actually, naku-curious ako sa speech ni Auntie Tin. But we really like you, Pearl. Naantig ka rin siguro sa sinabi niya.”
“Are you really okay? Bumibilis yata ang paghinga mo,”
Matagal akong pinagmasdan ni Yandrei. Kahit iiwas ko ang mukha, nahuhuli pa rin niya ang ekspresyon ko.
“Anong nangyayari? Naging emosyonal na yata ang lahat,” inayos ni Cam ang suot na salamin at pinsadahan ang paligid.
Dinalhan ng waiter ng tubig sina Ma’am Kristina. Sa lakas ng boses ni Tito Hero, halos lahat ay napalingon.
“Namumutla ka,” boses ni Anton.
“Baka nahihirapan ka nang huminga!” nagpa-panic na boses ni Yandrei.
Napayuko na rin si Dulce para icheck ang mukha ko. Natataranta lang sila sa iyakan. Umiling ako. “Don’t worry about me… I’m fine. Really…”
Tumayo ako para lapitan din sina Ma’am Kristina. Pero umalon nang mas matindi ang paningin ko. Natigilan ako. Naramdaman kong hinawakan ako sa magkabilang braso nina Yandrei at Dulce. Paghakbang ko isang beses… umikot ang paningin ko. Hinawakan ako ni Anton… pero hindi na ako nakakapit sa kanya.
Ang lahat ay naging itim. Blangko. Nawala pati ang ingay ng tili ni Yandrei.
“Kuya Nick!” sigaw ni Anton.
May narinig akong mahinang kaluskos. Dahan-dahan kong minulat ang mga mata. Nakahiga ako sa malambot na kama. Naaamoy ko ang pamilyar na halimuyak ng kwarto. Bukas ang ilaw. Tahimik.
“Kumusta ka na?”
Nakatayo sa tabi ng bintana ni Ma’am Jahcia. Binitawan niya ang kurtina at lumapit sa tabi ng kama.
“Okay na ba ang pakiramdam mo, hija? Hindi ka na ba nahihilo?” malamyos niyang tono.
Sinubukan kong bumangon. Ngumiwi ako nang maramdaman ulit ang paggalaw ng paligid. Pero nabawasan na. Tinulungan niya akong isandal ang likod sa pag-upo. Inabutan ng tubig. At naghihintay ang prutas sa gilid.
“Ilang araw kayong busy sa pag-aasikaso ng kasal ninyo. Tapos kaunti lang daw ang kinain mo kanina. Kaya siguro bumigay ang katawan mo. Nawalan ka ng malay.”
Binalik ko ang baso sa tray. Tahimik. Gabi na rin. Hindi ko alam kung nakapaligpit na ba sa baba o naroon pa sila. Si Ma’am Jahcia lang ang kasama ko sa kwarto ni Nick.
“Nasaan po sila?”
“Sa ospital.”
Namilog ang mata ko. “Po?”
“Deanne’s water bag broke. Nang buhatin at iakyat ka rito ni Nick, nagkagulo lalo nang nangyari iyon. Sinugod agad ni Yale sa ospital. Nag-aalala pa ang lahat sa nangyari sa ‘yo. Bago umalis si Deanne, sinabi niyang dalhin ka na rin sa ospital. Pero chineck muna kita. I suggest to your husband, to let you rest. At kapag hindi pa rin maganda ang pakiramdam mo, saka ko isusuggest na dalhin ka na. Pero bumalik na ang kulay ng mukha mo. Nakabuti ang tulog mo.”
“Sina Tatay po? At si Ma’am Kristina?”
“Pinagpahinga ni Kuya Reynald ang asawa. Naroon sila sa kwarto nila. Ayaw munang magpaistorbo. Siguro bukas mo na makikita ang biyenan mo. Tuliro si Kuya Reynald pagdating sa kalusugan ni ate Tin. Pero nacheck ko rin siya kanina. She’s going to be okay. Ang tatay mo naman pinahatid ni Nick kay Anton. Sinabi kong okay ka na para hindi sila mag-alala.”
“Sina Yandrei po?”
“Nasa ospital din. Lahat ng mga pinsan mo, naroon. Pero uuwi rin ang mga iyon. Kakatext lang sa akin ni Red. Kailangang umuwi nina Dylan at Ruth dahil umiiyak ang kambal nila. Nakabantay din sa ospital sina Kuya Johann.”
Sumulyap ako sa pinto. At lumunok. “Si… Nick po? Nasaan?”
She sighed and smiled. “Nasa baba lang. Kasama ang Uncle Matteo niyo. Pinatulog na niya kanina si Jewel kaya mayamaya aakyat na rin. Gusto mo bang tawagin ko?”
Mabilis akong umiling. “Huwag na po. Baka nakakaistobo lang.”
“Hindi ka istorbo sa asawa mo. Pabalik-balik iyon dito kanina para makita ka. This is supposed to be your happiest day. Pero… ang mahalaga, ligtas kayong lahat. Lalo na si Deanne sa ospital.”
“Opo,”
Pareho kaming natahimik. Pinagmamasdan niya ako. Kinurot ko ang daliri. Tama siya. This day is big for Nick. Pero... Ang simula namin ay hindi tama.