MOS C-1

1097 Words
“ANAK, d'yan ka muna kay Lola mo. Sa susunod na buwan pa ang balik ko. Wag kang pasaway dyan,” bilin ng aking ina nasa kabilang linya. “Oo, Ma.” Napakuyakoy na lang ako habang nakatingin sa labas ng bintana. “Anong gusto mong pasalubong? Chocolate? Gusto mo ba ng Jacket?” tanong naman nito. “Ma, alam mo naman ang gusto ko.” “Libro na naman?” “Tinatanong pa ba ‘yan, Ma?” sagot ko at bahagyang tumawa. “Basta, umuwi ka kaagad Ma, ha?” “Oo naman, nami-miss na nga kita, eh.” Ngumiti ako ngunit di ko napigilan ang maging malungkot. Wala akong naisagot dahil baka tumulo lang ang aking luha. “Anak, ibababa ko na 'to. Mag-ingat ka, 'wag kang pasaway kay lola mo,” bilin ulit nito. “Yes, Ma.” “Bye, anak.” “Bye, Ma.” Pagkatapos na tawag ay napabuntong hininga na lang ako. Tumayo ako at kinuha ang aking maleta upang ayusin ang mga damit kong ilalagay sa cabinet. Umupo ako sa gilid ng kama at nag-umpisang ayusin ang aking gamit. Ilang sandali pa ay may kumatok sa pinto. Kaagad ko itong pinuntahan upang buksan. “Apo, ilalagay ko lang itong kobre kama at punda ng unan.” “Lola, ako na lang po,” wika ko at inawang ang pinto upang makapasok ang aking lola. Lumakad ito patungo sa kama at inilapag ang dalang kobre kama at punda. Umupo ito sa gilid ng kama pinagmasdan ang aking ginagawa. “Mia, kamukhang-kamukha mo talaga ang Mama mo noong kabataan niya. Maamo ang mukha at napakaganda.” Ngumiti ako at sinabayan ko nang pag-iling. “Lola, maamong mukha lang po ang nakuha ko kay Mama. Pero 'yong ganda, mukang malabo po.” Tumawa si Lola at tinulungan ako sa pag-aayos ng aking damit. “Alam mo ba, Mia. Napakaswerte ng mama mo sa papa mo. Bukod sa napakabait ng Papa mo ay sobrang mahal niya ang Mama mo.” “Alam ko po ‘yon, Lola. Sana po may lalake pang katulad ni Papa ngayon.” “Bakit, apo? May nagugustuhan kana ba?” Umiling ako at bahagyang natawa, napakamot din ako sa aking leeg. “ Lola, bawal pa po. Magagalit po sa akin si Mama. Saka, bago namatay si Papa nangako na ako na mag-aaral ng mabuti. Bawal mag boyfriend hanggat wala akong trabano.” Tumawa ulit si Lola. “Ganoon ba? Tandaan mo, ang puso walang pinipiling oras yan. Titibok at titibok yan pag dumating na ang taong para sayo.” Ngumiti na lang ako at umiling. Kelan ba ako nagkagusto? May nagustuhan na ba ako? Ano bang pakiramdam 'pag inlove? Ito rin ang tanong ko sa aking sarili. “Nga pala, mamaya ipapalinis ko itong kwarto—“ “Ako na lang po. Tapusin ko lang po itong pag-aayos ng gamit.” Napatitig sa akin si Lola. Halata ang pagtutol sa kanyang mukha. “Apo, may mga kasambahay naman—“ “Lola, okay lang po. 'Wag ka nang mag-alala,” wika kong nakangiti. “O sige. Teka, bababa muna ako. Ipapahanda ko na ang pagkain.” Tumayo ito at lumakad papuntang pinto. “Magsabi ka lang kung may kailangan ka, ha.” “Opo. Salamat lola,” nakangiting sagot ko at tinignan si lola na papalabas ng pinto. KASALUKUYAN akong nagpupunas ng cabinet kung saan ko ilalagay ang aking mga damit. Sandali akong tumigil at natuon ang paningin ko sa isang lumang kahon na nasa itaas ng cabinet. Lagi ko itong nakikita sa tuwing magbabakasyon, pero bakit parang walang kumukuha na kahon na ito? Parang ang tagal na tagal na nitong hindi nabubuksan. “Kay Mama kaya ito?” tanong ko habang nakatingin sa lumang kahon. “Kay Mama nga siguro,” saad ko ulit. Kinuha ko nag upuan at itinapat sa cabinet upang maabot ang kahon. Pagkakuha ay inilagay ko ito sa mesa ay pinunasan. Makapal na ang alikabok kaya kumuha pa ko ulit ng basahan upang maalis ang alikabok na nakapalibot. Pagkatapos kong linisin ay napatitig ako sa kahon. Nagdadalawang isip pa akong buksan iyon, baka kasi may ipis o kaya ay butiking tumira sa loob nito. Madalas akong magbakasyon dito pero ngayon lang ako nagkainteres na tignan ang kahong ito. “Kung kay Mama man ito, hindi naman siguro siya magagalit kung titignan ko ang laman nito.” Dahan-dahan kong tinanggal ang takip ng kahon. Pagkatanggal ko ay nakita ang mga maraming sulat. Binasa ko ang naka sulat sa papel. “To Isabel, from Lucas.” Hindi ko napigilan ang ngumiti, naitago pa pala ni Mama ang mga sulat sa kanya ni Papa. “Basahin ko nga.” Binuklat ko ang sulat, natuon agad ang tingin ko sa pangalang nakasulat. “Ha?” kunot-noo kong sabi at binasa ang liham. “ Para sa iyo, Isabel. Mula kay Mario.” Napaisip ako at tinignan ang ibang mga sulat na nasa kahon. Habang tinitignan ang ibang sulat ay napansin ko ang isang lumang notebook, natakpan ito ng ibang mga liham. Kinuha ko ang notebook at binuksan. Habang binabasa ang iilang pahina ay napagtanto kong isa itong Diary. BAKASYON noon nang kami ay nagpunta ng probinsya, ito ang malungkot na bakasyon ko dahil ang bunso kong kapatid ay namayapa na. Namatay siya sa sakit na leukemia. Mahirap at masakit pero kailangan tanggapin. Tahimik kaming apat na nasa loob ng sasakyan, si Mama, si Papa, ako at ang driver. Patungo kami sa bahay ng aking Lola at Lolo, ang mga magulang ni Papa. Sinulyapan ko si Mama, nakatanaw siya sa labas ng bintana, kahit hindi ko makita ang kabuuan ng kanyang mukha ay kapansin-pansin ang lungkot sa kanyang mata. Binalingan ko din ang aking ama na katabi ng driver. Diretso ang kanyang tingin na nasa bintana. Panay ang paghinga niya ng malalim, batid kong pinipilit niyang maging matatag sa mga oras na ito. Paghinto ng sasakyan ay lumabas na kaming tatlo. Lumapit ang aking ina kay lola at niyakap niya agad ito. Si Papa naman ay napahilot sa kanyang sintido. Hindi ko na naiwasan ang hindi lumuha. Tinakip ko ang dalawa kong kamay sa aking mukha upang kahit papaano ay mapigilan ang pagpatak ng aking luha. “Irene,” sambit ko sa pangalan ng aking bunsong kapatid. “Isabel, tahan na,” wika ng aking lolo nang makalapit sa akin. Inalalayan niya ako sa paglakad hanggang sa kami ay makapasok sa malaking bahay. “Tahan na, apo. Nasa mabuting kalagayan na ngayon si Irene. Hindi na siya mahihirapan.” Tumango na lang ako at pinunasan ang aking mga luha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD