bc

I Luv U, I Luv U Not, I Luv U A Little, I Luv U A Lot

book_age0+
890
FOLLOW
3.2K
READ
like
intro-logo
Blurb

Pangarap ni Zyren ang ma-inlove nang totoo. Gaya ng mga napapanood niya sa mga paborito niyang koreanovela. Kaya naman nang dumating na ang matagal na niyang hinihintay na lalaki sa kanyang buhay, hindi na siya nag-aksaya ng panahon pa. She made her existence clear to the man of her dreams. Nagpanggap siyang katulong para lang mapalapit sa kanyang sinisinta.

Pero ang naging tingin sa kanya ni Konrad ay isang bangungot na hindi nito maalis-alis sa tabi nito. Lagi tuloy mainit ang ulo nito, lagi siyang inuutusan, sinisigawan, at pinagbabagsakan ng pinto. Hindi sumuko si Zyren. Balewala iyon sa kanya as long as hindi naman siya nito pinapalayas sa bahay nito sa kabila ng gabundok niyang kapalpakan.

Hanggang isang araw, dumating ang sarili niyang bangungot. Sa katauhan ng fiancée ni Konrad.

Fiancée?!

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
“HAAAYYYY…” malakas na buntunghininga ni Zyren habang yakap ang throw pillow.  Nakatutok ang mga mata niya sa telebisyon.  “So sweet.  Haaayyyyy uli.” “Huy!” untag sa kanya ng pinsan niyang si Maira.  Nakaupo ito sa carpeted floor at may kung anong sinusulat.  Marahil ay may kinalaman iyon sa trabaho nito bilang bookkeeper sa isang accounting firm.  “Kanina ka pa bumubuntunghininga riyan baka maubusan ka na ng hangin sa baga.” “E, kasi naman ang ganda-ganda nitong pinapanood kong Koreanovela.” “Tingin ko nga.  Dahil kaninang umaga pa iyan pinapanood.  Anong oras na?  Magtu-twelve hours ka nang nakatunganga diyan, ah.” “Hindi kasi ako makapaghintay sa tv.  Masyadong mabagal.  Lagi tuloy akong bitin.”  Kaya nga nang minsang gumala siya ay talagang sinadya pa niya ang Quiapo para bumili ng DVD copy pinapanood na koreanovela.  Kahit pirated pa iyon, pinatulan na niya.  “Pero, Marie, ang guwapo talaga ni Julian Seol, ano?  Walang pangit na anggulo.  Perfect ang face.  Haaaayyyy…gusto ko rin ng ganyang klase ng lalaki.  So masungit yet so sweet.” “Weird ka rin, ano?  Kasi weird din ang taste mo sa lalaki.”  Ibinalik na nito ang mga mata sa ginagawa.  “Kunsabagay, mas cool nga ang mga weird.  Hindi boring.  Lagi kang tatawa kasi para silang mga clown.  Kayo pala.” “Inggit ka lang kasi you’re so boring.”  Tinapik pa niya ang mga papel na sinusulatan nito.  “Wala kang ibang inatupag kundi numbers.” “At least may boyfriend ako.  E, ikaw?” “My spirit and soul are already attached to that special someone of mine.” “Spirit and soul?  You mean, kaluluwa na lang siya, ganon?” Binatukan niya ito.  “Bakit ba masyado kang kontrabida sa buhay ko?  iyang mga numero mo na lang ang asikasuhin mo.  Hayaan mo akong mangarap dito.” “E, nag-aalala lang naman kasi ako sa iyo, pinsan.  Baka mamaya, sa kakahanap mo ng perfect guy, tumanda kang dalaga.  Walang perfect sa mundong ito, ‘no?” “Hindi naman perfect ang hinahanap ko, ah.”  Nilingon niya ang telebisyon at napangiti.  “Iyong kagaya lang nitong si Mr. Seol.” “Kahit sa Korea, wala kang mahuhukay na ganyang tao.” “I’m free to hope.  And to dream.” Napailing na lang ito.  “Hay naku, mukhang kailangan mo na ngang magka-boyfriend.  Napa-praning na kasi ako sa iyo.  Pagdating mo sa Canada, ang unang-una mong gawin, maghanap ng boyfriend, ha?  Para naman tumino-tino ka na.” “Matino naman ako, ah.”  Muli siyang napabuntunghininga nang i-focus ng camera ang guwapong mukha ng bidang lalaki.  Impit pa siyang napasigaw nang halikan na ng bidang lalaki ang bidang babae.  “Mr. Julian Seol, anakan mo ako!” “Zyren Feliciano.”  Nilingon siya nito na hindi maintindihan kung kukunot ba ang noo o matatawa na lang sa kanya.  “You’re so gross!” “Heh!  Huwag mong sirain ang concentration ko.” “Ay, ewan!”  Iniligpit na nito ang mga gamit.  “Magpakalunod ka riyan sa mga Koreanese mo at ako’y makiki-reconnect na uli sa mundo.” “Anong Koreanese?” “E, di mga mamamayan ng Korea.  Katulad ng Japanese, Vietnamese, Chinese at Singaporeanese.” Binato niya ito ng piraso ng potato chips na naging kaulayaw niya sa panonood.  “Korni mo.  Sige na, maki-reconnect ka na sa korni ring mundo ninyo.” “Baka gabihin kami ni Jason kaya ikaw na ang bahala kung ano ang gusto mo for dinner.” “Gusto ko ng lalaki.” “Gaga!” Tatawa-tawa lang siya nang muling itinutok ang mga mata sa pinapanood.  Napabuntunghininga na naman siya.  Kailangan nga kaya siya magkaka-boyfriend?  Si Maira, mas bata sa kanya ng isang taon pero nakaka-ilang ex na.  Siya?  Kahit A or B, wala.  Sa isip niya, oo, marami siyang lalaki.  At lahat ng iyon, sinasamba siya.  Pero sa isip lang niya ang lahat ng iyon.  Sabi nga ng pinsan niya, abnormal siya dahil hindi puro siya imagination lang.  E, anong magagawa niya?  Sa talagang walang dumarating na nagugustuhan niya?  May mga nanligaw din naman sa kanya kaya lang wala talaga siyang magustuhan sa mga ito at ayaw naman niyang pilitin ang sarili for the sake na magka-boyfriend lang.   Idealistic siyang tao.  Gusto pa rin niya ng true love at happy ending.  Gusto niyang maramdaman ang pakiramdam ng totoong nagmamahal.  Gusto niyang maranasan ang mga nararanasan ng mga babae sa mga Koreanovelang napapanood niya.  At kapag nagpakabait siya, baka sakaling pati ang pagmamahal ng lalaking iyon ay iregalo na rin sa kanya ni Lord.  In the meantime, maghihintay na muna siya at maghahanap-hanap din ng kanyang naliligaw na Prince Charming.  Bata pa naman ang twenty seven.  Meron pa siyang three years para tuluyang masabing matandang dalaga na.   Pumunta kaya siya ng Korea minsan?  Baka may matisod siya roon na guwapo slash mayaman slash slightly troubled na nangangailangan ng pagmamahal ng isang weirdong gaya niya.  Napangisi na lang siya sa naisip.  Why not, coconut?  There’s no harm in trying. “Mr. Seol, here I come!”  She paused the DVD player when she felt the cramps on her abdomen.  “Lintik na period ito!  Istorbo sa pagnanasa ko!” Nagamit na niya ang huling sanitary napkin niya kanina kaya ngayon ay kailangan pa niyang bumili.  Malapit lang naman ang convenient store sa kanilang subdivision pero naiistorbo pa rin siya sa panonood niya.  Pero hindi na bale.  Bibilisan na lang niya imbes na matagusan siya dahil walang magamit. Maganda at maaliwalas ang subdivision na iyon.  Dito siya naligaw sa bahay ng pinsan niya nang iwan niya ang inuupahang apartment sa Makati nang mag-resign siya sa trabaho.  Para nga naman makatipid siya habang inaayos ng mga magulang niya sa Canada ang mga papeles niya dahil ipepetisyon na siya ng mga ito.  OFW ang mga magulang niya at hindi pa man siya nagkakaisip noon ay iyon na ang nakamulatan nilang magkakapatid.  Seven years ago, kinuha na ng parents niya ang dalawang kuya niya.  Naiwan lang siya noon dahil nga nag-aaral pa siya.  Pagkatapos ay nawili naman siya sa kanyang pagtatrabaho bilang supervisor sa food and beverage department ng isang malaking hotel sa Makati.  Pumayag lang siya ngayon na magpunta ng Canada dahil kinukunsensya na siya ng mga magulang.  Baka raw mamatay na lang ang mga ito e hindi pa siya nakakasama.  Madrama, pero dahil malambot ang puso niya, bumigay naman siya.   Ngayon ay hinihintay na lang niya ang kanyang visa para makaalis.  At balak din niyang kunin na rin ang pinsan niyang si Maira para sabay silang doon na magtrabaho.  Pangarap din kasi nitong makapagtrabaho sa ibang bansa. Napakunot ang noo niya nang makita ang malaking bahay na iyon.  The first she came to that subdivision, iyon agad ang kanyang napuna.  Malalaki at magaganda rin naman ang ibang mga bahay doon.  Pero hindi tulad ng isang ito.  Exaggerated na kumbaga.  Mala-palasyong mansyon.  O, di ba?  Ganon iyon ka-exaggerated.  Tapos wala pa siyang makitang ibang tao kundi ang mga unipormadong katulong at mga guwardiya sa guardhouse. “May-ari ng pinakamalaking construction and development firm ang may-ari niyon,” sagot ni Maira nang tanungin niya ito tungkol doon.  “Siya rin ang may-ari ng subdivision na ito.” Hindi pa rin siya kumbinsido na dapat ay ganon kalaki ang bahay ng taong iyon.  Dahil hindi bagay sa lugar na iyon.  Feeling tuloy niya, minamaliit ng may-ari ng bahay na iyon ang ibang residente roon.  Kaya nang mapadaan sa mataas na engrandeng gate ay palihim niyang pinindot ang doorbell saka nagmamadaling umalis.  Wala lang.  Gusto lang niyang iganti ang mga residente roon sa mga mapangmatang may-ari ng malaking bahay.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

One Night With A bewitching Stranger (Filipino)

read
163.4K
bc

A night with Mr. CEO

read
175.3K
bc

His Cheating Heart

read
40.9K
bc

Pregnant By The Ultimate Womanizer (Tagalog/Taglish)

read
598.3K
bc

Bittersweet Memories (Coming soon)

read
85.4K
bc

Billionaire's Twins

read
263.5K
bc

A Soldier's Love Montenegro

read
69.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook