CHAPTER 2

868 Words
“ANO BA ito?  Ang pangit naman.  Distorted ang mukha.”  Naka-squat si Zyren sa harap ng mga pocketbooks na nakalagay sa ilalim ng estante ng mga magazines at newspapers.  Doon siya muna dumiretso para sana bumili ng mga pocketbooks pero nauwi lang siya sa panglalait ng mga cover illustrations.  “Ito naman mukhang tomboy na bakla.  Ay, ano ba iyan?” Psagdampot niya ng isa pang pocketbook para pag-trip-an ay bigla na lang siyang natigilan at napapikit.  Ang bango…Amoy guwapo.  Amoy mayaman.  Unti-unti siyang tumayo habang sinusunda ng ilong niya ang kaaya-ayang amoy na iyon.  And when she finally opened her eyes, she almost sucked in her breath because standing in front of her was the most gorgeous guy she had ever met on the planet.  Para siyang nakarinig ng mga nag-awitan anghel.  Hindi nga siya magtataka kung bumukas pa ang langit at magliwanag sa tapat ng lalaking ito.  He was just so handsome.  Kahit na nga hindi man lang ito makangiti habang nakatitig sa kanya.   Nakatitig sa kanya!  Oh, my gulay!  Hindi niya mapigilan ang sarili na mangiti.  “Hi.  Kumusta?” He didn’t answer and just continued flipping through the stacks of newspaper. Anak ng pitong kuba!  Ang ganda rin ng profile nito.  Perfect ten!  Matangos ang ilong at napakaganda ng korte ng labi.  Parang ang sarap-sarap halikan.   “Kumusta naman ang balita sa bansang ito?” patuloy niyang tanong.  “Hindi na kasi ako nakakapanood ng balita sa tv, eh.  Teka, si Borgy Manotoc na ba ang presidente natin ngayon?”  Napansin niyang bahagyang kumunot ang noo nito.  Ah, good.  So, naririnig nito ang sultry voice niya.  “What do you think?  Effective ba siyang mamuno ng bansa?  For me, I don’t care who sits on the throne.  Just as long as hindi siya kurakot.  God knows this country needs someone like that.” Wala pa rin itong reaksyon at tila hindi man lang siya nito nakita nang basta na lang siya nito tinalikuran patungong counter.  Ngayon ay mas napagmasdan niya ito nang husto.  He was elegantly tall and exquisitely slick in his black tailored suit.  Parang gusto niyang pumalakpak.  Because she just met the man of her dreams!  And he’s a true blue Pinoy! Basta na lang siya dumampot ng diyaryo at sinundan niya ito sa counter.  Sa likuran siya nito pumuwesto.  Ang bango talaga ng irog ko!  Ang sarap pang panoorin.  Hindi nakakasawang tingnan.  Hindi talaga mapakali ang puso niya.  Kinikilis siya na excited.  This must be love… “Miss…Miss…” Hindi niya pinansin ang tumatawag sa kanya.  Busy pa siya sa pagme-memorize sa mukha ng kanyang irog.  Ano kaya ang pangalan niya?  may asawa na kaya siya?  Dumiretso sa kamay nito ang kanyang mga mata.  Walang wedding ring!  Hah!  Umaayon sa akin ang tadhana!  Lord, salamat at ibinigay Mo na rin sa akin ang Prince Charming ko!  Ang guwapo-guwapo!  Ang bango-bango pa—Kumilos ito sinagot ang cellphone. “Ayoko sa lahat ay ang mga walang pakialam sa oras.  You’re five minutes’ late so I’m cancelling our deal.”  Ang ganda rin ng boses!  Para akong ipinaghehele.  “I don’t care if its worth millions.  The deal is off.” “Miss—“ Lintek!  Hinarap na niya ang nangungulit na lalaki sa likuran niya.  “Ano ba?  Huwag mo nga akong kulitin!” “Sorry.”  Napakamot na lang ito ng ulo.  “Pero kasi…may tagos ka yata.” “Ha?!”  Nagpabaling-baling siya upang tingnan ang puwetan.  Hindi na rin niya alam kung paano itatago ang nangyaring kahihiyan sa kanya.  “Naman!  Bakit ngayon pa?”  I just met the man of my dreams! “Do you mind?”   Napalingon siya sa lalaki nang marinig ang boses niya.  Nakatingin uli ito sa kanya, kahit medyo iritado ang itsura.  Gayunpaman, hindi pa rin nabawasan ang gandang lalaki nito sa kanyang paningin. “I’m talking to someone.” “E…pasensiya na.”  Itinapal na lamang niya ang hawak na diyaryo sa kanyang likuran.  “Sige, continue your talking.” Hindi pa rin siya mapakali kaya pilit niyang tiningnan ang kanyang likuran.  Asar talaga!  Malas!  Ano na ngayon ang gagawin niya?  Paano siyang makakauwi ng maayos?  Naka-shorts pa man din siya.  Narinig niyang napalatak na lang ang lalaki at daig pa niya ang nanalo sa lotto nang hawakan siya nito sa braso.  Iyon nga lang, muntik na rin siyang himatayin sa kahihiyan dahil tiningnan nito ang puwetan niya. Mabilis uli niyang itinago iyon dito.  “A-ano bang ginagawa mo…?” “Kanina mo pa ako iniistorbo.  And I can’t take it anymore.”  Hinubad nito ang suot na amerikana at ibinigay iyon sa kanya. “Anong gagawin ko diyan?” He turned off his phone and wrapped the coat around her waist.  Natameme siya nang wala sa oras. “Huwag mo na uli akong iistorbohin.  Go and do whatever you were supposed to do.”  Nagbayad na ito sa counter at dumiretso na sa pinto ng convenience store, may kausap naman ito sa cellphone nito. Naiwan siyang nakatanga na lang dito.  I’m inlove!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD