CHAPTER 19

1380 Words
PAGPASOK NI Zyren sa silid ni Konrad nang umagang iyon ay kakaibang gaanng pakiramdam ang kanyang naramdaman.  Kagabi bago sila naghiwalay, sa tingin niya ay nagkasundo na ang kanilang mga puso kahit wala pa silang sinasabi sa isa’t isa.  And she was more than happy to accept it as it was. Napansin niya ang teddybear sa ibabaw ng kama.  Suot na niyon ang isa sa tatlong damit na iniregalo niya kagabi kay Konrad.  Dinampot niya iyon at kinausap. “Hello.  Ang cute-cute mo ngayon, ha?  Bagay sa iyo ang bago mong damit.  Nagustuhan mo ba?” “Oo.” Napatayo siya sa kama nang marinig ang boses ni Konrad.  He was leaning against the frame of the door leading to the veranda.  Her heart jumped as she watched him watched her with a pleasant smile on his lips.   “You can play with it if you want,” wika nito.  “Hindi na kita sisigawan.” Ibinalik na lang niya sa kama ang teddybear.  “No.  This is your son’s.  Ikaw lang dapat ang humawak nito.” “Paano ba iyan?  Nahawakan mo na rin iyan.” “Sorry.” His smiled reached his eyes and he became even more handsome in her eyes.  Tuluyan ng binura ng imaheng iyon ang lahat ng crush niyang bidang lalaki sa mga koreanovelang napapanood niya.  Dahil totoo si Konrad at hindi lang ito basta likha ng imahinasyon ng mga magagaling na romance writers ng mga Koreanese. “You don’t have to clean this room today, Zyren.  Take a rest.  Or take a day off.” “Wala naman akong gagawin, eh.  Kaya sa paglilinis din ang bagsak dahil ayoko ng walang ginagawa.”  Nilapitan niya ito sa veranda.  “Ang ganda pala ng view dito.  Kitang-kita ang buong subdivision.  Puwede pa yatang magpalipad ng saranggola dito.” “Malayo ang mga linya ng kuryente at telepono kaya libreng-libre ka sa pagpapalipad ng saranggola.” “Nah.  I’d rather enjoy the view.”  Nakita niya ang lugar kung saan inakyat niya ang mga bintana noon ni Konrad.  “Ang taas pala ng inakyat ko dati.  No wonder nagwala ka nang husto.” “Kaya huwag mo ng ulitin iyon.” “Hindi na talaga.  Ang hirap yatang makipag-away sa iyo.”  Ilang kilo ng sama ng loob din ang tinamo niya noon bago nito na-pacify ang damdamin iya. “Salamat nga pala kagabi, Zyren.” “Ha?”  Tila kandilang natulos na siya sa kanyang kitatayuan nang sa paglingon niya sa direksyon ni Konrad ay lumapat ang isang kamay nito sa kanyang mukha at hinalikan siya sa pisngi. “You made me realized a lot of things last night.  Thanks.” Hinawakan niya ang pisngi niyang hinalikan nito.  Naramdaman niya ang pag-iinit ng kanyang mukha kasabay ng tila pagkili na iyon sa kanyang puso.  Anak ng patis!  Kinikilig na naman siya!  At ang kanyang mga tuhod, parang bibigay na kaya napasandal na lang siya sa veranda. “Are you okay?”  Tumango lang siya.  “Good.  So, pagkatapos ng gig mo rito bilang katulong, ano na ang mga plano mo?” “Ha?” “Alam ko naman na hindi ka magtatagal dito.  You have a degree and good track record on your last job.  You can’t stay being a housemaid.” “What’s wrong with being a housemaid?” “Nothing.  Its just that, marami ka pang opportunity na puwedeng makuha.  At alam kong hindi mo naman iyon pakakawalan.  Gusto ko lang malaman ang ilan sa mga plano mo.” At sino siya para hindi ito payagan na maging bahagi ng future niya?  She loves him and she could feel he also feels something for her. “I want to put up a business.  Since nasa food and beverage business ako nanggaling, baka restaurant or bar ang ipapatayo ko.” “That’s nice.” “Kaya lang kailangan ko pa ng malaki-laking capital.  That’s why I’m planning on working abroad…”  Ngayon na lang niya nabuksan ang topic na iyon.  Puwede kaya niya iyong sabihin dito?   “Abroad?  Where?” “Canada.”  They’d been through a lot these past days.  Hindi nga niya akalain na mai-inlove siya nang husto rito.  Pero heto nga at hindi na niya mabawi ang puso niya rito.  Kaya hahayaan na rin niya itong tuluyang maging bahagi ng kanyang kasalukuyan at hinaharap.  “Nasa Canada na ang buong pamilya ko at ako na lang ang naririto sa Pilipinas.  Ilang taon na rin naman kaming hindi nagkikita at gusto nilang kunin na ako dito at doon na rin manirahan kasama sila.” “You’re leaving for good?” Could she?  “Hindi ko alam.  Ang totoo, hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapagdesisyon.  Gusto ko rito.  Pero gusto ko na ring makasama uli ang pamilya ko.  Eighteen years na sa Canada ang parents ko dahil doon sila idinestino ng kumpanyang pinapasukan nila noon dito sa Pilipinas.  Mula noon, binibisita na lang kami dito ng parents namin paminsan-minsan.  Ako ang pinakamatagal na hindi nila nakasama dahil ako ang bunso at pinakabata nang umalis sila.  Ngayon ay kukunin na nila ako rito para magkasama-sama na kaming lahat sa Canada.  And I miss them so much.” It was only now that she’s thinking about it did she realized how much she really missed her family.  Gusto na niya ng may makakasama sa bahay na masasabi niyang pamilya talaga niya.  Gusto na niyang maramdaman ang pangangalaga ng kanyang ina at ama.  Nais na rin niyang muling makaasaran ang kanyang mga kapatid. “If you’re leaving, paano na ang plano mong magtayo ng negosyo rito?” Nagkibit lang siya ng balikat.  “Puwede ko rin namang ituloy ang plano kong iyon sa Canada.  My parents promised me to help me with everything.  I guess iyon ang paraan nila para makabawi sa mga panahong wala sila sa tabi ng bunso nila.” Katahimikan na ang sumunod.  Hindi niya alam kung ano ang iniisip ni Konrad nang mga sandaling iyon.  Pero sana, ipinagdasal niyang sana ay pigilan siya nitong umalis.  Kahit isang hint lang na tumututol ito sa kanyang pag-alis, papatulan niya.  Dahil sa tuwing maiisip niyang hindi na niya uli ito makikita pa, nagbabago na ang takbo ng mga plano niyang magtungo sa Canada.   But he kept his mouth shut.  At nang magsalita pa ito, hindi pa gaya ng inaasahan niya ang mga sinabi nito. “You’ll have a lot of opportunity there.  Masipag ka naman at matalino.  Kaya siguradong lalago ang anomang negosyong pasukin mo roon.” Kinutkot niya ang pintura ng kinasasandalang veranda.  “Siguro nga.  Mas marami ding guwapo doon, ano?  Baka hindi lang dalawa o tatlo ang maging boyfriend ko pagdating ko doon.  I heard patok ang exotic beauty ng mga Pinay sa mga puti.” “Tatlong boyfriend?” “Yeah.  I’ve been without a boyfriend since I don’t know when.  It will be a new experience having three white boyfriends, don’t you think?” “At the same time?” “Kaya ko ‘yun.” “I’ll talk to your parents.” Natawa na lang siya.  “Joke lang!  Wala akong hilig sa mga puti.  Mas type ko pa rin ang mga asian men.  Black hair brown eyes.  Classic pero astig.” “I still want to talk to your parents.” “Bakit?” “Kung hindi mo man type ang mga puti, hindi ka pa rin makakasiguro na tatantanan ka nila.” “Ikaw naman, Konrad.  Huwag mo naman masyadong purihin ang kagandahan ko.”  Nagugustuhan niya ang reaksyon nito.  Para kasing nagseselos ito sa mga posibleng manligaw sa kanya sa Canada.   Konrad, bebeh, kung nagsasalita ka lang na ayaw mo akong umalis, hindi ako aalis.  I’ll be with you till the end. Ang kaso, ayaw nitong magsalita ng mokong.  Kaya pinasaya na lang niya ang sarili sa isiping ayos na ang mga alaalang nakalap niya na kasama ito.   Tumunog ang cellphone niya.  It was her cousin.  “O, Maria, bakit?” “Umuwi ka agad.  Nandito si Tita Fe.” “Si Mommy?!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD