DINALA NI Zyren ang tubig na galing sa gripo kay Yvonne. Nagdala pa siya ng extra na isang pitsel.
“Hayan, pakalunod ka.”
The woman was pissed. “I will not be insulted like this by some lowlife!”
Iyon lang at nagmartsa na ito palabas ng bahay. Nilingon niya si Konrad na nakasunod lang sa kanya kanina. Naupo ito sa dati nitong puwesto.
“Sit down, Zyren.”
“Hindi mo ba susundan ang fiancée mo?”
“I want to talk to you first.” Iminuwestra nito ang upuan. “Sit down.”
Hinila niya ang isang upuan na naka-display lang di kalayuan at doon siya umupo. Wala siyang balak na madikitan kahit ng essence lang ng Ivon na iyon.
“Hindi mo dapat tinrato ng ganon si Yvonne. She’s my visitor. And your attitude is way out of line…”
Patuloy ito sa pagsesermon ngunit ni isa sa mga iyon ay hindi man lang nakarating sa kanyang eardrums. She was an expert on blocking the things that didn’t interest her and focusing her attention to something else. Kaya nga hindi niya matandaan noon ang pinagsasabi ni Manang Sara tungkol sa rules and regulations sa bahay na iyon. Lalo na at ang impaktang ibon pa na iyon ang topic.
Ano kaya ang nagustuhan ng lalaking ito sa isang iyon? She was just pretty. Pero ang ugali naman, ugali ng mga unggoy. O kung tutuusin, mas matitino pa nga ang mga unggoy dahil sila, cute. Ang impaktang iyon…well, impakta siya. Siguradong mahihila sa impiyerno si konrad kapag nadikit siya sa babaeng iyon. Sayang ang face. Subalit ang mas ikinatatampo ng puso niya ay nang di man lang ito tumanggi sa mga utos ni Yvonne. Samantalang sa kanilang mga kasama nito sa bahay ay malinaw ang batas nitong walang sinoman ang maaaring mag-utos dito. Wala pa man, ander na.
Sa akin, kahit minsan, hindi ka maa-ander de saya!
Kakaibang depression din ang naramdaman niya nang mag-sink in sa kanya ang isang katotohanan sa pagdating na iyon ni Yvonne sa eksena. Na kahit kailan ay hinding-hindi nga sila puwede ni Konrad. Kahit sa pangarap. Dahil pag-aari na ito ng iba.
Is this what it meant to really fall inlove? And getting your heart broken at the same time? Ang saklap naman.
She remembered her cousin’s warning. Ang yabang pa niya noon nang sabihin niyang hindi siya masasaktan. Kaya tuloy, heto siya ngayon at kinakarma ng wala sa oras. And she’s not feeling good.
“Zyren, are you listening to me?”
“No.” Biglang-bigla, tila nawalan na siya ng gana sa buhay. “Hindi maganda ang pakiramdam ko, Sir. Puwede bang saka na lang tayo mag-usap?”
“Are you sick?”
“I don’t know. Maybe…”
Konrad reached out to her to touch his hand on her forehead. Ngunit ibinaling lang niya ang ulo sa ibang direksyon.
“Uuwi na muna ako sa amin, Sir.”
“Sa inyo?”
“Oh, come on, Konrad. Don’t tell me hindi mo pa rin alam kung ano ang tunay kong pagkatao.” She stood up and sighed. “I was living with my cousin, three blocks from here.”
Saglit itong natahimik. “I see. So, what else do I need to know about you?”
That I’m inlove with you. “Wala na. Iyon lang.”
“What’s your reason for working here?”
“I’m bored.”