Chapter 16 Parang sira ulo si SJ na hindi malaman kung anong gagawin para magpa-impress kay Stephanie. Nakatingin sya sa dalaga habang nag-aayos ito ng kung ano sa loob ng bag. Gusto na niyang kumamot ng ulo sa kawalan ng ideya. Bakit ba napasubo na sya sa ganoon? Hindi rin niya alam pero parang ang laking kabawasan para sa kanya na hindi sya nito napapansin at mas napapansin pa ang isang ordinaryong lalake sa katauhan ng isa pang boss nito. Ay lintik! Naalala niya bigla ang babae na nakasex niya na naghintay na ipagbukas niya ng pinto ng kotse. There's a bright idea which came to his mind. He grabbed the door and opened it for Stephanie. Napatulala pa ito saglit sa kanya. "Hop in, baby," sabay pacute niya sa dalaga na parang nagtaka pa. Bwisit! Lahat ba ng matinong gesture