Chapter 17 Parang nakakita ng multo si Stephanie nang makita ang bulto ni SJ sa opisina umagang-umaga. Nauna pa ang lalaki sa kanya. Himala! At hindi ito sa private elevator ng parking area sumakay. Bakit naroon sa lobby ang babaero niyang boss at parang may hinihintay ang damuho? Nakasandal iyon na parang estatwa sa may elevator. Pinagpi-fiestahan ng mga kababaihan ang kagwapuhan ng bwisit na boss niyang babaero, at parang tuwang-tuwa naman yun sa nakukuhang atensyon sa mga tao. Napakalandi talaga. Posturado ito kahit umagang-umaga pa lang. Wala pang araw ay nakasunglass na ang impakto, bukas na naman ang butones ng damit at namumuti lalo sa pulang long sleeves. Pakagat-kagat ito ng labi. Nagpapacute ba ito? Kanino? Luminga siya. Maraming babae sa likuran niya at malamang