Minsan hindi mo maintindihan ang puso mo kong bakit tumitibok eto para sa taong hindi naman dapat at karapatdapat bigyan ng pansin at importansiya. Pinipilit kong rendahan ang puso ko upang huwag etong mahulog at magkagusto kay rafael. Hindi dahil hindi siya ang tipo kong lalaki kong hindi dahil alam ko kong saan lamang ako nakalugar sa buhay niya. Kahit pa ba boto sa akin ang maam amanda ay hindi nun mapanghahawakan ang kasiguraduhan ko sa buhay ng isa sa mga apo ng senyora Ermita. Halos magdadalawang oras na akong nakasunod kay rafael at alexa. Si diego na siyang kasama ko sa likuran ay walang ibang ginawa kundi kumuha ng iba't ibang litrato. "Raffy, let's take a rest first. I'm tired already. My knees started to wobble" umikot ang aking mga mata at nilagay ang braso sa aking dibdib. N