Napapanguso akong iniirapan ang senyorito rafael. Nasa front seat ako ng kanyang sasakyan. Maaga akong ginising ni manang sol at inutusang mamalengke. Kasama namin ang maam amanda na nasa back seat. Naririnig ko ang ginang na kanina pa humahagikhik at palageng nagsasalubong ang tingin namin sa rear view mirror sabay kinikindatan ako at nginunguso ang anak niya at pinagpipingki ang dalawa niyang daliri. Jusko at minamatch pa yata niya kame ng senyorito. Nag-iinit ang mukha ko sa hiya! "I told you not to wear short shorts mayanera" naghihinagpis talaga ako sa inis. Akala ko ay ako lang mag-isa ang mamamalengke, paglabas ko ng bahay ay nandoon na at nag-aantay ang senyorito rafael. "Kaya ko naman po kasing mag tricycle nalang senyorito-" "I told you it's rafael to you mayanera. And with yo