Tulala akong nakatitig sa papalayong bulto ng senyorito raffy. Nang makahuma ay halos mangisay ako sa pagpipigil na huwag sugurin ang aking amo ng sapak. Pabalik-balik ako ng lakad. Hindi malaman ang gagawin. Bakit niya ako hinalikan? Ni hindi ko narinig ang huli niyang sinabi dahil gulantang ako sa nangyaring halik.
Huminto ako sa kakalakad at dinama ang aking labi. Pakiramdam ko ay namamaga eto. Napapikit ako at inalala ang nangyari kanina lamang. At ramdam ko parin ang halik na iginawad ng senyorito. Kiss lang ang pinangarap ko hindi yung halos papakin na ang labi ko na parang pagkaen na siyang ginawa ng senyorito.
Napatitig na naman ako sa kawalan.
"Hoy maya, kanina ka pa pinapatawag ng senyora" napakurap ako at nilingon si lita. Kinabahan ako. Nakita niya ba ang ginawa namin ng senyorito na paghahalikan kanina?
"Anong nangyayari sayo bruha. Dalian mo doon bago magalit ang senyora. May ipapagawa yata. Saka bakit parang pulang-pula yata ang mukha mo pati ang labi mo? Ano bang ginawa mo sa palengke at mukha kang timang jan" nakahinga lang ako ng maluwang ng masigurado na walang nakakita sa amin ng amo ko. Gagong senyorito yun. Tinake advantage ang virgin kong labi. Gusto ko maiyak. Para kay rence lang ang first kiss ko dapat. Kinuha niya na sa akin ang pinakainiingat-ingatan kong first kiss. Nakakainis talaga!
Pinuntahan ko na ang senyora at ginawa ang mga pinapagawa niya pagkatapos ay maaga akong kumaen ng hapunan saka pumasok sa kwarto namin at humiga sa aking higaan at tumingin sa kawalan.
Nakikita ko ang aking sarili habang nakikipaghalikan kay senyorito raffy. Umiling ako.
"Erase erase. Imagination na nga lang tagilid pa" huhu si rence nalang ang imaginin mo isip please
Pumikit ulit ako. Ang senyorito na naman ang nakikita ko at ang gwapo niyang mukha. Napabalikwas ako sabay gulo sa buhok k
"Ano ba! Tumigil kana isip please. Tigilan mo na siyang isipin. Ayoko sa kanya. Hindi ko siya gusto!"
"Mukha kang timang kakakausap sa sarili maya" natatawang asar ni lita na kakapasok lang ng kwarto namin. Napasimangot ako. Kasi naman kada pikit ko ay ang nakangising mukha ni hudas barabal ang nakikita ko. Hinalikan niya lang ako tapos ganito na agad. Siya na agad ang laman ng isip ko. No! Ayoko tlaga. Hindi ko naman gusto ang senyorito raffy. Masyado kasing papansin. Puro pang-aasar ang alam. Nakakapang-init ng dugo at ulo.
Halos madaling araw akong nakatulog dahil laman ng isip ko ang senyorito raffy. Nag-iimagine ako na naghahalikan kame at na sweet siya sa akin. Jusko talaga. Kong ano-ano ng iniisip ko.
Maaga akong nagising at nagluto ng almusal. Nagpaalam ako kay senyora na pupunta ng enchanted river sa susunod na linggo na tinanguan niya lang.
'Pikutin mo na ang apo ko maya'
Nakatitig ako sa napakalaking portrait ng senyor sev hanggang sa maramdaman ko ang isang malamig na dapyong hangin at ang kanyang namamaos na boses na dumaan lang sa hangin. Nagtayuan ang balahibo ko sa batok.
"Kakagising niyo lang rin senyor sev? Natutulog din pala kayo jan sa langit?"
"Who were you talking to mayanera?" Halos mamanhid ako ng marinig ko ang boses ng senyorito raffy sa likod ko. Naestatwa na ako at di makagalaw. Ano ng gagawin ko? Ayoko siyang makita! Hinalikan niya ako at nakakahiya ang nangyari kahapon. Bakit niya ba kasi yun ginawa? Tuloy ay napupuyat ako kakaisip ng kong ano-ano.
"Your too stiff mayanera. Chill. It's early in the morning I won't tease you" ramdam ko ang pagtayo niya sa gilid ko. Hindi talaga ako tuminag. Alam kong nagmumukha na akong tanga at over acting pero ano bang dapat kong e-react sa ginawa ng senyorito kahapon. Wala akong mukhang maihaharap sa kanya. Nakakahiya!
"Your silent huh" alam kong nakatitig na siya sa akin ngayon. Ramdam ko rin ang kanyang balikat sa pag-alog. Tinatawanan niya ako! Gago talaga!
"You look like you've seen a ghost sweetheart" he whispered to my ear. Tang-ina tumatayo ang balahibo ko sa batok sa sobra naming pagkakalapit. At tinawag niya akong sweetheart? Ang tanga kong puso kumibot agad-agad. Takte.
"Lumayo ka nga senyorito!" Humahampas kasi ang hininga niya sa tenga ko at dumadaplis sa batok ko. Ang lapit lapit ng mukha namin.
"Anyway. Mukha kanang tanga mayanera. Loosen up or I will kiss you again. Right now right here" nanlaki ang mata ko at mabilis na hinarap ang senyorito
"Hindi mo gagawin ulit yun!" Sigaw ko. Tumaas ang kilay at sulok ng kanyang labi.
"You bet?" Mapanghamon netong tanong. Ano ba kasi ang problema ng senyorito. Bakit ba nilalandi niya yata ako?
"Hindi na ako papayag na mahalikan mo uli. Para kay rence lang ang kiss ko" nagulat ako ng hinawakan niya ang mukha ko at inangat eto saka ako tinitigan ng seryoso.
"You think i will let that bastard kiss you mayanera? Haven't you heard what i tell you yesterday. I already marked you. You are now mine. Any man who will make a move, court you or be with you. I will make sure they'll face hell. Bawal kang sumama o makipagkaibigan sa ibang lalaki. Naiintindihan mo mayanera?" napalunok ako. Ang seryoso ng senyorito na isang maling sagot ay kakainin niya yata ako ng buhay.
"Huwag mong hahayaang may makalapit sa iyong ibang lalaki mayanera. I hate it when I'm mad at baka hindi kana makalabas ng mansiyon kahit kelan!" natulala na naman ako. Nabibingi ako sa lakas ng kabog ng puso ko. Bakit ganito ang senyorito raffy? Ano kayang nakain niya?
"Nagkakaintindihan ba tayo mayanera?" maotoridad netong tanong. Pigil hininga nalang akong tumango. Kailangan kong makaalis sa harap ng senyorito. Lumalakas ang kabog ng puso ko at nasusuffocate ako. Hindi na ako halos makahinga!
"Good. Let's seal it then." at hinalikan niya akong muli. Hinalikan niya ako sa pangalawang pagkakataon. Nanlalaki ang mata kong nakatitig sa pikit na pikit na mata ng senyorito.
"Close your eyes heart" hanggang sa mapapikit na nga rin ako. Hinalikan niya ako at sinipsip ang aking labi hanggang sa magustuhan ko na eto. Ginagaya ko kong paano ang ginagawa niyang paggalugad. Hinawakan niya ang bewang ko at idinikit ang aking katawan sa kanya. Ramdam ko ang parehas naming naghahabulang kabog sa puso.
Hingal na hingal na binitawan niya rin ang paghahalikan namin.
"God's" bulong neto at idinikit ang noo sa aking noo. Napapikit ako sa kuryenteng bigla biglang dumaloy sa aking kaibuturan at bigla nagkaroon ng rambulan sa aking tiyan
"Your lips is so addicting mayanera. Can't get enough huh" at hinalikan na naman niya ako. Maygod, nakakailan kana ha senyorito. Malapit ko ng magustuhan ang halik mo kala mo!
"crush mo ba ang sir rave, free?" Tinaasan ko ng kilay ang anak ni manang fria. Aba'y palage kong napapansin na tinititigan niya ang sir rave tapos ay mamumula siya kapag tinignan ni sir rave pabalik. Ngumuso si freedom.
"E bakit ikaw wala ka man lang bang crush maski isa sa kanila? Ang gagwapo kaya nila ate maya. Napanood mo yung bagong meteor garden remake ang popogi ng bida parang sila" kinilig pa ang bruha. Pinitik ko nga ang noo
"Ang bata-bata mo pa freedom ha"
"Seryoso ate maya, hindi ka talaga nagkagusto kahit sa isa sa kanila?" Napatingin tuloy ako kay rafael. Nang maramdaman yata neto na tinititigan ko eto ay bigla sinalubong neto ang tingin ko sabay kindat. Pinandilatan ko nga at inirapan. Kainis kasi kala mo kinagwapo niya yang pagkindat kindat niya. Inis na inis pa ako dahil sa ginawa niya kanina lang. Bwisit siya!
"Wala. Wala akong crush maski isa sa kanila. Hindi ko type ang mga gwapo nga, babaero naman. Kaya sinasabi ko sayo free. Kong magkakagusto ka huwag sa magpipinsan na yan. Lahat yan sila may nakalaan ng babae para sa kanila. Alam mo yung arranged marriage na uso sa mayayaman?" Taka akong tinignan ni freedom
"Talaga ate, uso parin yun hanggang ngayon? Ang hirap naman ng ganyan wala kang kalayaang pumili ng taong mamahalin mo at makakasama habang buhay?"
"Haynaku sinabi mo pa"
"Pero ate maya hindi ka man lang nagkagusto maski kay kuya raffy? Tignan mo kanina pa siya nakatitig sayo ate. Parang tutunawin kana niya sa titig" sinundot sundot pa ako sa bewang ni freedom. Pinandilatan ko ang batang naglalandi. Sabay sapak sa kamay niyang sundot ng sundot.
Ayan at hindi ko tuloy mapigilang tignan ulit ang senyorito raffy. Napasimangot nalang ako ng hindi naman pala nakatingin sa akin at nakikipag-usap naman pala sa mga pinsan neto.
"Ang galing. Naloko mo ako freedom ha" humalakhak ang dalagita
"Huli ka balbon" kinurot ko nga sabay sabunot na mas ikinalakas ng halakhak neto
-
Buong araw lang akong nasa mansiyon kapag bakasyon dahil wala naman akong ibang pupuntahan. Ayoko rin naman umuwi ng baryo maganda. Gusto ko pag bumalik ulit ako sa lugar na kinalakhan ko ay may maipagmamalaki na ako.
Nakapangalumbaba ako sa pasimano ng bintana ng kwarto ng senyora ermita habang inaantay ang senyora na matapos sa ginagawa netong paggagantsilyo. Aba'y ang linaw parin ng mata kahit matanda na ang senyora. Kakabilib nga.
"Balita ko maya kinukuha kang mag reyna elena sa darating na santa krusan? Nakausap mo na ba si natty? Pinagpaalam kana niya sa akin. Sila na daw ang bahala sa lahat ng kakaialanganin mo. Noong nakaraang taon ka pa pala nila kinukuha e" nakasimangot akong lalo. Iyan talaga ang ikinasasama ng loob ko. Dahil kay senyorito raffy ay mauunsyami ang pangarap kong maging reyna elena ng san simon.
Maagang-maaga dumating si natty. Kaya naman natuwa ako ng sabihin niya na ako daw ang mag rereyna elena sa darating na santacrusan. Kaso natigil ang pagsasaya ko nang biglang may tumikhim sa likuran ko. Ni hindi ko man lang ramdam na nasa likod ko na pala ang senyorito.
"No. She won't be doing it natty. Tell the other organizers that mayanera won't joined. Tell them it's my order. Go now" halos mamutla si natty na tumalilis agad agad. Sinamaan ko ng tingin si raffy. Nakakainis talaga siya kahit kelan. Panira ng pangarap.
Masamang masama talaga ang loob ko kaya hanggang ngayon ay todo irap ako kay senyorito kahit ilang beses niya akong kinakausap ay hindi ko talaga siya papansinin.
"Hindi na po ako makakasali senyora" humikbi ako. Naiyak na talaga ako ng tuluyan. Nakakainis talaga si rafael. Ang sama sama niya talaga!