Enchanted River is a sight to behold. Napakaganda ng lugar. Punong-puno ng buhay ang mga halaman at puno at nakakamangha kong gaano kalinaw at kaganda ang tubig na umaagos. Maraming kwento ng pag-ibig ang naririnig ko tungkol sa makasaysayang ilog at sa kauna-unahang pagkakataon ay nakaramdam ako ng kapayapaan habang pinanunuod ang pag-agos ng tubig. Eto ay parang buhay lamang ng tao na patuloy na dumadaloy sa kabila ng lahat ng problemang kinakaharap, sa kabila ng lahat ng pagsubok na dumarating, umaagos at patuloy na hinaharap ang isang hamon. Hamon na susubok kong gaano katatag at katibay ang iyong paninindigan. "Maya bilis, doon tayo sa may bandang bukal. Nagdala ako ng bote, sabi ni mommy nakakagaling daw ang tubig na galing sa bukal" sumama ako kay maricel. Ako din ay may dala na b