Chapter one

1689 Words
Hinawakan ko ang kamay ng Lola mama habang umiiyak. Nakahiga siya sa papag. Pilit niyang hinahaplos ang aking buhok kaso nanghihina na siya kaya hinawakan ko nalang ang kamay niya at pilit akong ngumiti habang tumutulo ang aking luha "I-iiwan mo narin ako lola mama?" Ngumiti siya, masuyo akong nginitian. May papel siyang nilagay sa kamay ko. Hirap na siya magsalita. Umubo ang lola mama. Matigas na ubo. Alam kong iiwan niya na ako. Kumirot ang puso ko at naninikip ang dibdib Pinikit ng lola mama ang kanyang mga mata hanggang sa higitin niya ang kanyang huling hininga. Humagulhol ako. Wala na. Iniwan na ako ng tanging taong nag-iisa kong karamay. Iniwan na ako ng lola mama ko. Wala na akong ksama. Mag-isa na lamang ako. Mas lalong sumikip ang dibdib ko. Hindi ko alam ang gagawin. Wala kameng pera at nagpapasalamat na lamang ako na may nasisilungan kame. Kahit ang mga kapit bahay namin ay walang gustong magbigay ng tulong. Kapag nakikita nila ako ay pandidiri at panghuhusga ang ginagawad nilang tingin sa akin. Ang kwento ng lola mama ay nagmahal ng isang mayamang lalaki ang mama ko. Binigay niya ang lahat kaso ay iniwan at pinagpalit din daw si mama sa iba. Nang mabuntis daw ang mama ko sa akin ay umuwi siya para dito ako sa probinsiya palakihin at para mas maalagaan daw ako ng maayos. Higit sa lahat para makalimot sa isang nasawing pag-ibig ang mama ko. Kaso kinuha din siya sa akin. Ni hindi ko man lang nasilayan at naramdaman ang pag-aaruga ng mama ko. Namulat ako sa katotohanang hindi lahat ng pag-ibig na nararamdaman ay makatotohanan. Hindi mo kailangan ibigay ang lahat ng iyong pagmamahal para sa isang lalaki. Kailangan mo rin mahalin at pahalagahan ang iyong sarili. "Ang mga lalaki, mapupusok yan. Nag-iinit agad makakita lang ng babaeng sexy at maganda ang legs. Kapag palay na ang lumapit wala na yan silang sinasanto. Aba lamang-loob din yun" Ang palage kong naririnig kay lola mama. Kaya nga natutunan kong maging matapang. Balang araw alam ko magmamahal ako pero syempre pipiliin ko yung lalaking hindi ako sasaktan. Yung lalaking mamahalin ako at aalagaan. Yung lalaking hinding-hindi ako iiwan. Napabuntunghininga ako. Nakatanghod parin ako sa walang buhay na katawan ng lola mama. Iniisip ko kong saan ko siya ngayon ililibing. Panigurado hindi papayagan sa sementeryo ko ilibing ang lola mama. Marami kasing galit kay lola mama. "Lola ma, ang hirap naman mag isip ng paglilibingan sayo. Gusto mo sa likod bahay nalang kita ilibing. Baka magwala ang asawa ni mayor kapag pinalibing kita doon mismo sa forest park. Alam mo naman galit na galit sayo yun. Ikaw kasi la e. Bakit mo kasi nilandi ang tatay niya noon" sisi ko kay lola mama. Dati kasi siyang Guest Relation Officer noon. Marami siyang naging customer at isa na doon ang tatay ng asawa ng mayor. Kilalang magaling gumiling ang lola mama sa kama. Kaya nga habang lumalaki ako ay puro mga masasakit na salita ang naririnig ko patungkol sa kanya at sa mama ko. Hanggang sa makasanayan ko na lang "Yan, magiging pokpok din yan paglaki, kita mo ang mga isinusuot" rinig kong sabi ng mga chismosa. Sa inis ko ay mas lalo ko pang ini straight ang katawan ko at kumembot na naglalakad padaan sa pinagtatambayan nila. Alam kong kapag tumuwad ako ay kita na ang kuyukot ko. Ramdam ko na nga ang ilang mga matang nakatitig sa likod ko at ang ilang sipulan. "At mas ginanahan pa. Nagpa fashion show ang apo at anak ng malandi. Walang pinagkaiba ang batang eto. Ke bata bata pa at lumalandi na" umirap lang ako at bumubulong bulong. Pakialam ba nila sa buhay ko. Kong tutuusin hindi naman sila ang nagpapakaen sa akin, ang laki ng problema nila. Masyado kasi akong importante sa buhay nila kaya ayan inggit na inggit sila sa legs ko. Hindi sa pagmamayabang, maganda talaga ang binti ko. Maputi at flawless na flawless. Yun nga lang hindi ako kagandahan. Maputi lang talaga ako. Yun lang ang advantage ko. At least panisinin ako. Dati naririnig ko nga. "Hindi naman kagandahan, maputi lang kaya napapansin" Nakakatawa talaga ang tao. Kapag panget jina judge kapag maputi jina judge din. Haay. Tinext ko si andoy at nagpatulong na magbungkal ng lupa. No choice ako at sa likod bahay ko ipapalibing si lola. Ipapa bless ko nalang siya kay father. Mabait naman ang kora paruko namin e. Saka kilala niya ako kasi nagsisimba ako lage at nagtitinda ng sampaguita. Nang maiayos namin ang kabaong ni lola mama ay pinuntahan ko kaagad si father, kahit nagtataka ay hindi nalang eto nagtanong kong bakit sa likod bahay ko pinalibing si lola. Kilala niya din naman ang mayor sa bayan namin at alam niya ang kabuuang estorya ang aming munting pamilya. "Aalis ka na ba talaga maya?" Tanong ni father kasama niya si andoy. Pinainom ko sila ng coke at nilutuan ng suman. Paborito ni father ang suman. Si andoy ay kaklase ko at mabait sa akin. Naiintindihan niya ang pinagdadaanan ko saka manliligaw ko din siya na gusto ko na iligaw. Nakakaloka. Mahirap na nga ako tapos papatol pa ako sa mahirap. Excuse me. Kahit hindi ako kagandahan my taste din naman ako no? Hindi sa panlalait pero panget talaga si andoy kahit saan anggulo tignan. Hindi ko din siya feel halikan dahil nandidiri ako. Pero thankful ako kasi tinutulungan niya ako at hindi tinitake advantage. Kahit ganyan siya may pogi points naman si andoy sa akin. Hindi lang naman kasi sa pisikal na anyo nakikita ang pagiging pogi ng isang lalaki. Kapag mabait siya, pogi yun para sken. Kaso hindi naman tumitibok ang puso ko kay andoy e saka alam niya na friendship lang talaga kame "Yes po father. Kayo na pong bahala dito sa munti naming lupa at bahay ha. Babalikan ko po ang lola mama. Thankyou po father at andoy sa tulong ninyo. Mamimiss ko po kayo" Kinabukasn ay pinuntahan niya ang address na nakasulat sa papel na binigay ng lola niya. Nagbabakasakali siyang magkaroon ng bagong tahanan at masisilungan. Ayaw niyang bumalik ng barrio Maganda nang hindi nagiging maayos ang kanyang buhay. Balak niyang mag-aral ng grade eleven at twelve. Pipilitin niya talaga na makakapagtrabaho siya sa address na binigay ng kanyang lola. Gusto niya kasi etong mailipat sa maayos na palibingan. Pati narin ang mama niya. Isang napakalaking mansiyon ang bumungad sa kanyang mga mata. Napakalawak na tubuhan at ang pinakadulo ay ang mismong hacienda Simon kong saan nakasulat and address sa papel na binigay ng kanyang lola at iyon din ang pinagdalhan sa kanya ng tricycle driver na sinakyan at pinagtanungan niya. Pinakita niya sa guard na nakaitim ang papel at tumawag eto sa two way radio saka siya tinanguan at pinapasok. Kinse minutos din na lakaran bago niya marating ang mismong pintuan ng mansiyon at namamangha siya kong gaano eto kalawak at kaganda. Nagtuloy-tuloy siyang pumasok sa loob. May nag-aantay sa kanya na isang matandang babae at pinaupo siya sa sofang naroon at sinabihang mag-antay daw kay senyora Habang nag-aantay siya sa taong pakay pakiramdam niya ay may mga matang nakatingin sa kanya. Tumatayo ang balahibo niya sa batok at nanginginig na ang binti niya sa kaba. Gaga to si lola at haunted hause pa yata ang binigay netong address sa kanya. Wala man lang siyang isang tao na nasilayan at walang nagserve ng pagkaen. Nagugutom na siya! Masyadong tahimik ang mansiyon na nagbibigay kilabot sa buo niyang sistema. Hanggang sa mahinto ang paningin niya sa isang napakalaking portrait ng isang matandang lalaking may tungkod. Para bang titig na titig eto sa kanya at buhay na buhay ang larawan. Isang mabilis na dapyong hangin ang kanyang naramdaman. Nagtaasan ang balahibo niya sa batok. Mangiyak-ngiyak na siya sa takot nang isang nakapanindig balahibong boses ang narinig niya sa isipan 'Maligayang pagdating sa aking munting tahanan magandang binibini' Isang magaspang na matandang boses na galing sa kailaliman ng lupa ang kanyang narinig. Napapamura sa isip na mabilis siyang napatayo. Wala sa sarili siyang tumakbo palabas ng mansiyon at hindi sinasadyang may nabangga siya. Napaupo tuloy siya habang hawak hawak ang dibdib. Sobrang lakas ng kabog ng puso niya. Hawak ang dibdib na nag-angat siya ng mukha at masilayan ang napakagwapong lalaking nasa kanyang harapan. Natulala tuloy siya. Mayroon siyang mga matang nangungusap, kulay tsokolate eto at pakiramdam niya ay dinadala siya ng mga mata neto sa isang napakaaliwalas na lugar na punong-puno ng kaalaman. "That's rafael, my grandson. Gusto kong pikutin mo siya magandang binibini" Sabi ng isang matandang boses. Napalunok ako ng magsalubong ang kilay ng binatang nakabangga ko. "are you blind?" umawang ang labi ko at namilog ang aking mga mata sa sunod niyang sinabi "panget na nga bulag pa. Bingi pa. Damn!" at nagtuloy-tuloy siyang pumasok ng mansiyon ng hindi man lang ako tinulungan. Ang antipatiko na yun. Ang kapal ng tinubuan ng magaling. Akala mo naman kinagwapo niya ang pagsusungit niya. Nakakainis. Nagmadali akong tumayo at iika-ikang bumalik sa sofa kong saan ako nakaupo kanina ang sakit ng pwet ko. Grabe naman ka brutal magsalita yun. Alam ko naman na hindi ako maganda. Maputi ako. E ano naman kong hindi ako maganda. Hindi naman ako panget. Maputi ako. Maputi! Nakakainis talaga. Ang gwapo gwapo pa naman niya. Masungit naman! "Ikaw ba si mayanera?" tanong ng isang matandang babae na nagpakilalang senyora ermita. Masyadong strikta ang mukha at nakataas ang kilay. Mangingilag ka kapag sinalubong mo ang tingin kaya yumuko ako pagkatapos magsalubong ang tingin namin saka lumunok at pinagsalikop ang aking kamay. Umayos din ako ng upo "Opo" "ikaw ba ang apo ni lupe?" tumango naman ako. "buweno at tumayo ka at sumunod. Ipapakilala kita sa mga apo ko" nasa likod lang ako ng senyora habang nauna siyang naglakad at umakyat sa pangalawang palapag ng mansiyon. Palingon-lingon naman ako. Ang laki talaga at ang ganda ganda pa ng loob ng bahay, ay este mansiyon pala. Napakayaman naman ng kaibigan ng lola mama. Huminto ang senyora at binuksan ang pintuan. Isang malakas na tugtugin ang sumalubong sa amin. 'I want to break free--- Nang makapasok ako ay nakita ko ang limang nagagwapuhang nilalang na naglinyahan. Pinatay nila ang malakas na tugtugin at binati ang matandang kasama ko. "abuela" sabay sabay nilang sabi "boys. This is-" "what's your name iha?" Ngumiti ako at kumaway. Nagpose ako ng pambinibining Pilipinas na pose "hi everyone. May name is Mayanera Magdalena Quintos, nakatira sa Baryo Maganda at naniniwala sa kasabihang the more we speak the more likely we make mistakes...so for me not to make a mistake i will not answer your questions. thank you" Napatanga ang apat na lalaki sa kanyang sinabi. Umawang naman ang bibig ng matandang babae "Damn! Panget kana nga nangarap kapang maging beauty queen. Tang-*** hindi ka papasa!" "Rafael Arthus!" sigaw ng matanda. Umismid ang tinawag at sinamaan ako ng tingin. Kainis ha! Kanina pa siya nanglalait sa kaputian ko. Mali pala ako hindi pala lima ang nagagwapuhang nilalang na kaharap ko ngayon. Apat lang pala. Feeling gwapo lang kasi yung isa. "makapanlait e noh! Kinagwapo mo na yang panlalait mo. Kapal ng mukha! Kanina ka pa ha. Pag di ako nakatiis , naku naku" napatanga sa amin ang mga naroon. Pinaningkitan ako ng mata ng Rafael "and what would you do then?" "Aba'y pipikutin kita!" sabay sabay na napaubo ang mga kasama namin at humalakhak "Shit!" mali yata ang nasabi ko. Hala!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD