Ipinahatid ako ng senyora ermita sa isang katulong sa magiging kwarto ko sa loob ng mansiyon. Inirapan ko ang senyorito raffy. Ang init init agad ng dugo niya sa akin, ngayon pa nga lang kame nagkita at nagkakilala tapos ganyan na ang ugali niya paano pa sa mga susunod na araw.
"Ako at si lola lang ang nandito. Yung nag-iisang kama ay kay lola sol at yung double deck ay sa atin naman. Sa baba ako nakahiga, saan mo gusto, ayos lang sa akin kong sa taas ako" umiling ako at hinayaan na ang nakasanayang higaan ni lita. Pinagkukuha niya ang ilang librong nasa itaas at nilipat sa gilid ng higaan namin. Maganda ang double deck dahil pangmayaman ang desinyo. May book shelf din sa gilid at hagdan naman. Ang cute ng kulay ei. Pink.
"Sabi ng senyora samahan din daw kitang mag-enrol. Dala mo ba ang mga requirements mo. Isa sa mga benepisyong matatanggap kapag isa ka sa mga magtatrabaho dito sa hasyenda ay ang pag-aaral. Lahat ng anak ng trabahador ng asyenda ay tinutustusan ng foundation ng mga Simon. Maswerte ka at tinanggap ka kaagad ng senyora. Sa totoo lang ang daming nag-aapply na katulong kaso mapili ang senyora. Mabait naman siya yun nga lang strikta at metikulosa tapos mapili pa lalo na ang mga apo niya. Saka nga pala maya. Welcome sa hacienda Simon" nginitian ko si lita at sabay kameng tumili. Excited ako sa magiging buhay ko sa hasyenda simon. Maayos ang pagtanggap sa akin huwag lang isali yung isang apo ng senyora. Masyado kasing masunget.
Nagsimula akong turuan ni lita ng mga gagawin sa mansiyon. Kong anong oras at araw pwedeng maglinis, magpalit ng kurtina at maglaba. Sobrang gustong-gusto ko ang ginagawa ko kaya kahit pagod ay kuntento ako. Sa loob ng tatlong araw ay lage kong nakikita ang magpinsan sa entertainment room naglalage. Palage silang naglalaro ng board games, x-box o computer games. Sabi ni lita tuwing bakasyon lng daw naglalage ang magpinsan sa mansiyon. Dalawang buwan daw. Minsan ay palage din naman daw silang wala at nasa kabilang bayan. Iniimbita ng kaibigan ng pamilya. At sa loob ng tatlong araw ay hindi iilang beses napapagawi ang tingin ko kay senyorito raffy. Paano ay lageng nagsasalubong ang kanyang kilay at aasikan ako.
"What are you staring!" Sita neto lage sa akin. Napapatanga ako kasi ang ganda niya mag englis.
Isang linggo na ako sa mansiyon nang utusan ni manang sol si lita na mamalengke at ipinasama ako neto. Tuwang-tuwa ako kasi makakalabas na ako sa wakas ng mansiyon at makakakita ng ibang tao.
Suot ang itim na t-shirt at pekpek shorts kong tawagin ay excited akong lumabas at pinuntahan si lita na na-aantay.
Tinignan pa niya ang suot ko mula ulo pababa at pabalik sa aking mukha.
"Ang puti puti at kinis ng legs mo maya. Nakakainggit" lumabi pa na parang bata. Nilagay ko sa bewang ang dalawang kamay at umikot ng naka tiptoe.
"Talaga" binigyan ko rin siya ng makamandag kong ngiti. Feel na feel ko talaga rumampa.
"Are you guys going to the wet market or you're just wasting my time" irita ang lalaking nagsalita na walang iba kundi ang pinaglihi sa sama ng loob na si senyorito raffy. Pinasadahan pa ako neto ng tingin saka salubong ang kilay na sinuot ang shades at naunang pumasok ng sasakyan.
"Let's go" pagkasabi niya nun ay nag-unahan kameng pumasok ni lita sa ford everest, ang gara at bango ng sasakyan.
Nang maayos na kameng makaupo ay sinita na naman kame ni boy sunget.
"I am not your f*****g driver. Mayanera lumipat ka dito" tinuro niya ang tabi niya.
"Bilis maya lipat na bago mag beast mode" walang nagawa na nakasimangot akong lumipat. Nang maayos na ang upo ko ay hindi niya parin pinaandar. Nagtinginan tuloy kme ni lita sa salamin.
"Seatbelt mayanera"
"Ha" bigla dumukwang siya. Nanlaki ang mata ko sa gulat sabay singhap. Napaatras pa ako. Ramdam ko ang panginginig ko at ang lakas ng kabog ng puso ko ay nakakabingi. Parang nagslowmo ang lahat. Naaamoy ko pa ang kanyang mabangong hininga at ang aftershave na kanyang ginagamit.
"Next time don't wear too short shorts when your going outside the mansiyon" mahina netong anas. Tulala parin ako hanggang sa maramdaman ang tapik ni lita sa balikat ko.
"Dito na tayo beh, baba kana. Papakilala kita sa mga suki para kapag wala ako at kailangan mamalengke ay alam mo na kong sino ang pupuntahan. Sige po senyorito. Salamat sa paghatid. Magtatricycl-"
"I'll accompany you lita. Don't argue" bumaba din siya at sinamahan kameng mamalengke. Dumikit sa akin si lita at bumulong.
"Nagayuma mo yata sa legs mo beh. Ang lakas ng kamandag. Aba binakuran ka kaagad" humagikhik si lita, wala akong naintindihan sa binulong niya. Maingay paano. Dala ng senyorito raffy ang bayong na paglalagyan ng pinamili namin. Nauuna si lita sa amin tapos ako at ang senyorito ay sa likuran ko.
Huminto kame sa suki nilang isdaan. Napangiti ako ng magtalon talon at mag kisi kisi ang isda di ko tuloy mapigilang damputin.
"What are you doing?" Kunot noo at taka netong tanong habang pinipigilan ang kamay ko.
"Kukunin ko lang yung isda" ipiniksi ko ang kamay niya
"Damn"
"Arte mo no. Kumakaen ka naman neto titignan ko lang kong bago at mataba" kumindat ako kay senyorito
Nang tignan ko ang ale ay ang lawak ng ngiti neto sa akin
"Bago yan iha. Ang puti puti at ang ganda ng kilay mo. Nagpaahit ka ba iha" umiling lang ako at pinagpatuloy ang pamimili ng isda. Pinakilala ako ni lita dito. Nagulat pa ang matabang babae at akala ay amo ako ni lita at asawa ko ang senyorito. Mahabagin. Magdilang anghel ka po ale.
Ako din ang namili ng preskong gulay, karne at mga seafoods na balak ipaluto ng senyora ngayon. Nang pabalik na kame ay muntik na akong madulas. Mabuti na lamang at naalalayan ako ng senyorito.
Ilang sipulan ang narinig ko bago ako maayos na nakatayo
"Ang kiniss" rinig kong sigaw ng isang lalaki. Nang nilingon ko eto ay bigla hinarangan ng senyorito ang mukha ko at hinawakan ang noo ko.
"Tingin sa daan mayanera. Hurry before i lose my patience" sabay tulak sa noo ko ulit. Salubong ang kilay na umupo ako sa front seat. Nang magtagpo ang tingin namin ni lita ay may kislap ng pang-aasar ang kanyang mga mata. Pinandilatan ko siya makailang beses.
"Seatbelt mayanera" mabilis ko namang ginawa ang sinabi ng senyorito. Natuto na ako no. Inirapan ko nalang si lita ng umandar na ang sasakyan. Ayaw matigil ang kislap ng mata e. Tumingin ako sa labas ng bintana at sa di mawaring pakiramdam ay may pigil na pigil na ngiti ako sa aking labi.
Naging mabilis lumipas ang mga araw. Natapos ang bakasyon ng magpinsan na sa huling dalawang linggo ay palageng nasa galaan at party at mag-uuwi ng iba't ibang babae. Nakakapang-init nang ulo lalo na ang aking mortal enemy, ang aking best friend. Nakakabadtrip na alam niyang naglilinis ako ay bigla bigla ba naman aapak sa pinunasan ko ng sahig at dudumihan eto.
"Hoy senyorito, kakalinis ko lang niyan nananadya ka ba talaga!" Tinignan lang ako neto at nginisihan sabay kikindatan. Natatameme na ako pagkatapos. Linsiyak ang gwapo ng bipolar na rafael arthus!
Tapos alas dose ng gabi ng magising ako dahil pakiramdam ko ay may bumubulong sa tenga ako.
"Maya, iyong pakiusap ko. Pikutin mo na ang apo kong si rafael bago mahuli ang lahat" ayan na naman ang matandang boses at hindi na ako pinatahimik. Tumayo na ako at pinuntahan ang lugar na sinabi ng senyor sev at napatda ako sa nakita ko at nanlaki ang mata. Sa pasilyo, sa mismong labas ng kwarto ng senyorito raffy at hindi pa nga nakakapasok ay naghahalikan sila ng babaeng kasama niya. Sarap na sarap sila. Napakurap ako. Gusto ko mag-iwas ng tingin dahil hindi tama ang manilip kaso para akong itinulos sa aking kinatatayuan. Bigla humapdi ang mata ko at nag-init ang aking pisngi, kasabay ang munting kirot sa aking puso. Suminghap ako. At nang tignan ko sila ulit ay nakatitig na sa akin ang malamig na mata ng senyorito raffy. Hinawakan niya ang pisngi ng babaeng kahalikan at pinutol ang halik saka mabilis na binuksan ang pintuan ng kanyang kwarto at pinapasok ang babae. Binigyan niya ako ng huling sulyap bago siya sumunod. Ewan ba at nasasaktan ako kapag may kasamang iba ang senyorito. Sabi ni lita crush ko daw si raffy. No! Ayoko!
"Any girl will get pregnant kapag hindi mo parin pipikutin ang aking apo maya"
"Nakakainis ka naman senyor e, hindi nga kasi ako marunong mamikot saka malandi yang apo niyo. Iba ibang babae ang sini s*x. Hayaan niyo siyang makabuntis. Nakakainis" umismid ako
"I won't accept any child but your child maya" ang huling boses na narinig ko
Ngayon ay nakahinga ako ng maluwang at naging magaan ang aking trabaho. Palage akong nanunuod ng korean novela at nagbabasa pagkatapos ng lahat ng gawain. Nagsimula narin akong pumasok sa eskwela. Grade eleven. Nagkaroon ako ng mga kakilala at mga kaibigan. Nakakatuwa na nag-iba ang takbo ng buhay ko nang dumating ako sa pamilya simon. Isa lang ang kinatatakutan ko sa lahat. Kapag nagbebeastmode na ang senyora ermita.
"Maya tanggapin mo ang aking pag-ibig, sinisinta kita aking mahal" lumuhod pa talaga si estong at nag-alay ng bulaklak. Nasa classroom kame. Puno ng hagikhikan ang mga kaklase ko na pinanunuod ang pag-aalay ng pag-ibig ni estong sa akin. Peke akong ngumiti. Hindi makaintindi etong estong na to, ilang beses ko ng sinabihan na hindi ako nagpapaligaw ay sige parin sa paramdam. Sa totoo lang ay hindi kumikibot ang puso ko sa kanya. Pero mayroon akong crush. Rence ang pangalan at anak siya ng isa sa kaibigan ng pamilya simon. Nakikilig ako at excited kapag napapadaan siya sa classroom namin tapos nahihiya ako kapag tinitignan niya na ako. Kapag hindi naman siya nakatingin ay nakapangalumbaba ako at kilig na kilig siyang tinititigan. Haay. Ang sarap talaga magkaroon ng crush.
"Maya may nagpapabigay" kinuha ko ang isang pakete ng tsokolate na inabot ni boyet. Napangiti ako at mabilis etong binuksan. Paborito ko kasi ang flat tops. Isang buwan naring mahigit na may nagpapabigay ng tsokolate at wala yatang balak magpakilala ang admirer ko.
"Uy maya ang tibay mo talaga pagdating sa tsokolate. Samantalang niluhudan kana ni estong, inalayan ng bulaklak at ginawang slave ang kanyang sarili aba'y ipinahiya mo lang. Ang ganda mo teh, kaya ayan dami tuloy naiinggit sayo. Kita mo at ang sasama ng tingin sayo ng iba nating kaklaseng babae. Haynaku ka talaga" hindi ko pinansin si lotlot.
Hayaan na yang mga inggitera, noon pa man ay marami na talagang naiinggit sa kaputian niya. Hindi man siya kagandahan ay may appeal naman siya. Ganoon din sa baryo nila marami din naiinggit sa kanya. Deadma nalang. Hindi naman niya ikayayaman ang opinyon nila e.
"Oo nga pala maya anong balak mo ngayong bakasyon? Gusto mo sumama pupunta kameng enchanted river. Pwede ka magwish doon at ang sabi sabi lahat daw ng nagwiwish doon ay natutupad basta taimtim ka lang na humiling. Mayroon daw isang diwata doon na nag ga-grant ng kahilingan" nangingislap pa ang mata ni maricel habang nagkekwento. Narinig niya rin yun at naging usap-usapan yun sa kabuuan ng san simon. Syempre kuryuso din siya. Gusto niya rin yun puntahan at may nais siyang hilingin.
"Sige itext niyo ako kong saan tayo magkikita magpapaalam ako kay senyora. Huwag na kayo pumasok ng mansiyon at baka di tayo matuloy" ngumisi siya. Usap-usapan kasi na may multo daw sa mansiyon ng mga simon. Nakakatawa nga at ipinagkalat ni mira noong isang beses na sinamahan siya neto kaya ayun dahil maliit lang ang probinsiya at halos magkakilala ang bawat tao iyon ang naging bukambibig na tinatawan lang niya. Paano kinausap ng senyor sev si mira bigla. Namutla ang pobre at magkandadapa sa pagtakbo palabas natatawa nga siya nun kaso binatukan siya ni lita.
At ang isa sa pinoproblema niya ngayon ay makikita niya ang magpipinsan lalo na ang kanyang greatest enemy at best friend. Summer na naman. Kailangan niya ng isang napakahabang pasensiya at baka super stress na naman siya at ma higblood sa inis sa amo.
Natapos ang buong buwan at dumating ang summer na aligaga ang lahat sa paglilinis. Dadating ang magpipinsan sa araw at oras na ibinigay ng senyora ermita at hindi pa iyon kahit kelan pumalya.
Nakatayo silang lahat at maayos na nakahanay para antayin ang pagdating ng magpipinsan. Huminto ang ace fortuner at naunang bumaba si sir diego, sir derrick , si landon , sumunod ang kanyang besfriend na senyorito rafael. Nang magtagpo ang tingin nila ay bigla kinindatan siya neto. Nanlaki ang mata niya at umawang ang kanyang labi, kumabog ng malakas ang kanyang puso. Naningkit bigla ang kanyang mata nang ngitian ng senyorito rafael ang lahat ng katulong. May nag-iba rito. Ibang-iba siya noong nakaraang summer na halos suplado at di mo makausap dahil palageng galit at mainit ang ulo. Pero ngayon ay may kislap sa kanyang mga mata at di maiwasang magtaka ni maya. May kakaibang pakiramdam siyang magiging mahirap ang dalawang buwang pananatili ng senyorito rafael at sisiguraduhin niya na hindi sila magkikita neto.
Nakatitig parin siya dito nang humarap ulit eto sa kanya. Nakangiti. Naglakad eto palapit na parang modelo at huminto sa mismong harapan niya.
"Long time no see mayanera" he smirked. A devil smirk.
"Your still the same. Panget ka parin" tumawa eto ng nakakaloko at iniwan siyang nagpupuyos sa inis. Gago yun ah!