Chapter 2

1092 Words
Sean "That was fun, pare! Iba ka talaga!" natatawang sabi ni Vincent sa kanya nang magkita sila ng kaibigan sa campus. Kinuwento niya rito kung paano siya nakatakas sa bahay ni Ashley, isang 1st year college student sa SMU. Hindi niya maalala kung ano ang course nito, o sadyang hindi niya alam, dahil nakilala lang niya si Ashley sa party ng pinsan niyang si Bryan. Pagkatapos noon, niyaya na siya nitong pumunta sa bahay nito. Hindi naman siya bata pa para hindi malaman kung bakit siya niyaya ni Ashley sa bahay nito. Bakit pa ba siya tatanggi—grasya na nga ang lumalapit. "Paano kung nahuli ka, di lagot ka sa daddy niya!" natatawang sabi pa ni Vincent. "Lagot talaga! Baka maipikot pa ako!" iritang sagot niya. Malalagot talaga siya kung hindi siya mabilis na nakatakbo palabas ng bahay nila Ashley. Buti na lang kaagad siyang nakakita ng bakod na pwede niyang lusutan. Dahil sa katakawan niya sa babae, kung anu-ano na ang nangyayari sa kanya. Napangiti siya nang maalala ang pagtalon niya ng bakod, dahil nakita niya si Samantha sa kabilang bakod. Hindi niya ito kilala, pero nakakasigurado siyang dito sa SMU nag-aaral si Samantha. Nabasa lang niya sa malaking banner ang _Happy Birthday Samantha_, kaya nalaman niyang Samantha ang pangalan ng babaeng nakita niya sa may kabilang bakod. Lalong lumalim ang ngiti niya nang maalalang hinalikan niya ito. Wala sa loob na napahawak pa siya sa mga labi sa ala-alang iyon. "Napaka-manyak mo talaga!" sabi ni Vincent at binato siya ng papel. "Iba ang manyak sa walang grasyang tinatanggihan," sagot niya at napansin ang babaeng naglalakad sa malawak na campus. Mag-isa lang itong naglalakad, nakalugay ang katamtamang haba ng itim na buhok. Naka-nerdy glasses ito, pero hindi mukhang nerd o weird. Bumagay rito ang frame ng chicky nerdy glasses nito. May katangkaran ito. Hindi ganoon kaputi, tama lang, pero halatang makinis ang balat. Nakasuot ito ng hindi naman modernong damit—sadyang hindi lang siguro uso ang suot nito. Simpleng puting polo sleeve at skirt na lagpas sa tuhod nito, at white Keds shoes. Kumunot ang noo niya at pinagpatuloy ang pagsuri sa babae. May bitbit itong mga libro at may malaking bag pa na nakasabit sa balikat nito. "Don't tell me, pare, you want her to be your next victim," narinig niyang sabi ni Vincent. Nakasunod pala ng tingin sa tinitingnan niya. "Ah…" tanging nasabi niya at nilingon ang kaibigan. "I know you, pare," nakangiting sabi nito. "Weird lang kasi. Hindi siya mukhang nerd, although she’s trying to look nerd," sagot niya at nilingon muli ang babae. Pero wala na ito sa campus. Nilingon-lingon pa niya ang paligid, pero hindi na niya ito makita. Nagkibit-balikat lang siya at naupo sa tabi ni Vincent. "You know her?" tanong niya rito. "Pare, hindi ako notorious na tulad mo. Lahat na lang ng babae kilala mo." "Kababalik ko lang, pare. Kailangan ko ng bagong kalaro." "Tumigil ka na nga sa paglalaro na 'yan. Baka ma-karma ka." "Nope. Actually, I really like Aya, kaso iniiwas ni Joshua eh," sabi niya, at naglabas ng stick ng sigarilyo. "Non-smoking area to," saway ni Vincent. "Kung ako ang kapatid ni Aya, iiwas ko rin siya sa notorious na tulad mo," dagdag pa nito at inagaw ang stick ng sigarilyo sa kamay niya. Alam naman niyang bawal manigarilyo sa loob ng campus. Hindi naman niya sisindihan iyon—paglalaruan lang naman niya sa bibig. "As if naman kakataluhin ko kayo ni Joshua," sagot niya. "Eh bakit mo dinidikitan?" "Mama ni Joshua ang nagsasabi sa akin na pwede kong ligawan si Aya," sagot niya. Dahil iyon naman ang totoo. Kahit siya nagtataka kung bakit todo tulak ang mama ni Joshua sa kanya na ligawan niya si Aya, kahit napakabata pa nito. 15 pa lang si Aya, pero dalaga na ito kung magkikilos. Kahit sinasabi nilang notorious siya at lahat pinapatulan niya, hindi naman niya sisirain ang pagkakaibigan nila ni Joshua. Pagkatapos ng klase, kaagad niyang nakita si Ashley sa tapat ng sports car niya. Matapos ng mga nangyari kagabi, ayaw na niya rito. Isa pa, ano pa ba ang gagawin niya rito? Tapos na siya rito. Nakuha na niya ito ng ilang beses. "Hi, Sean," bati nito sa kanya nang makalapit na siya sa kotse niyang sinasandalan ni Ashley. Alam niyang sadya siyang hinihintay ni Ashley sa kotse niya. "What are you doing here?" matamlay na tanong niya para ipakita na hindi siya interesado, na tapos na sila nito. "Don't you miss me?" maarteng tanong nito at hinawakan ang kwelyo ng polo shirt niya. Mabilis niyang inalis ang kamay nito. "Don't you know my rules?" "What rules, Sean?" kunot-noong tanong nito. "Once is enough, twice is too much," sagot niya. "What do you mean?" "Game over, Ashley. Find another guy. I will find a new girl," sagot niya at ngumiti pa rito, bago tinalikuran ito at sumakay sa kotse. Kitang-kita pa niya ang gulat sa mga mata ni Ashley. Sanay na siya sa mga tulad ni Ashley—alam niyang ang mga tulad nito ang nagsusubok na i-hook siya. Pero mas matalino siya rito. Pasimula pa lang ito, tapos na sa kanya. Papalabas na siya ng gate ng campus nang makita nanaman ang babaeng umagaw ng atensyon niya kanina. Nakaupo ito sa guard house, marahil naghihintay ng sundo. Binagalan niya ang pagmamaneho para makita nang mas matagal ang babae. Mas malapitan ito ngayon, kaya kitang-kita niya kung gaano kaganda ang mga mata nito. Bilog na bilog ang mga mata nito, at may kakapalan ang kilay, matangos ang ilong nito at may makapal na labi, na siyang usung-uso sa mga celebrities ngayon. Karamihan nga nagpaparetoke pa para lang ma-achieve ang magandang pout lips na meron ang babaing tinitingnan niya ngayon. Isama pa na naka-braces ang mga ngipin nito. Ayaw niya sa mga babaeng may braces. Pero kagabi, nang halikan niya si Samantha, masasabi niyang type na niya ang mga babaeng may braces. Alam niyang hindi aware ang babaing tinitingnan niya kung gaano ito kaganda even without make-up. Mas gusto niya sa babae ang natural beauty, hindi 'yong halos foundation na lang ang mukha. "Is that Samantha?" tanong niya. Dahil tila may pagkakahawig ang babaing kanina pa umaagaw ng atensyon niya sa babaeng hinalikan niya sa may kabilang bakod ng bahay ni Ashley. Gusto pa sana niyang pagmasdang mabuti ang babae, pero nabibingi na siya sa mga busina sa likod niya. Kaya naman binilisan na niya ang pagpapatakbo ng sasakyan. Marami pa namang araw para makilala niya ito. At kung ito nga si Samantha… well, he found his new playmate.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD