Chapter 3

1299 Words
Samantha "Sorry, Sam. Ang tagal kasi ni Mr. Perez magpalabas eh," bungad ni Harvey nang lapitan siya nito sa may guard house. Sam ang karamihan na tawag sa kanya ng mga malapit sa kanya, pati ilang mga kaeskwela. Bihirang-bihira may tumatawag sa kanyang Samantha. May usapan kasi sila ni Harvey na magkikita sa guardhouse, para magpunta ng Ice Cream House at sabay ihahatid na rin siya nito. "It's okay," nakangiting sagot niya at ngumiti rito. Kaibigan niya si Harvey Dela Serna. Mula pa pagkabata, magkaibigan na sila. Minsan nga tinutukso na ng mommy niya si Harvey sa kanya. Pero pareho na lang nilang hindi pinapansin iyon ni Harvey, dahil ayaw nilang magkailangan sa isa't isa. Magkapatid ang turingan nila sa isa't isa. Isa pa, maraming magagalit sa kanya pag naging sila ni Harvey. Isang engineering student si Harvey at nasa 3rd year college na ito. Mas matanda ito sa kanya ng dalawang taon. Alam niyang maraming naghahabol na mga babae kay Harvey—hindi lang dahil gwapo ito, may kaya rin ito sa buhay at masasabi niyang mabait ito, gentleman at hindi ganoong kababaero. Siguro dahil na rin sa may kapatid itong babae, si Hainna Dela Serna, ang bunso sa tatlong magkakapatid na Dela Serna. "Let's go," anyaya nito sa kanya at dinampot ang mga libro niya sa may mesa. "Sorry pala, last Saturday hindi ako naka-attend sa debut mo. Si Hainna kasi nagpasama sa Maynila. Ang trapik kaya hindi na ako nakaabot," paumanhin nito habang naglalakad sila palapit sa Montero nito. Kahit papano nalungkot siya nang hindi ito naka-attend sa birthday niya. Pero ganoon pa man, may isang pangyayari naman nang gabing iyon ang hindi niya makakalimutan kahit kailan—her first kiss with Mr. Sean Monteverde. Napahawak pa siya sa mga labi nang maalala ang paghalik ni Sean sa kanya. Napangiti siya at napasulyap sa labas ng bintana. Alam niyang balewala lang kay Sean ang paghalik nito sa kanya, dahil sa pagiging napakababaero nito. Baka nga hindi na maalala pa ni Sean na nahalikan siya nito. Pero ikinatuwa niya nang sabihin ni Sean ang pangalan niya—Samantha. Nagtaka pa siya kung bakit alam nito ang pangalan niya. Hindi naman siya hot tulad ng mga kilala nito sa SMU. Pero labis niyang ikinatuwa iyon. "Why are you smiling?" tanong ni Harvey. Nilingon niya ito na nakangiti habang nakatingin sa kanya. "Nothing," sagot niya na hindi pa rin mawala sa mga labi ang ngiti. Inayos pa niya ang salamin sa mata, at muling binalik sa labas ng bintana ang tingin. "Did I miss something at your party?" tanong ni Harvey pagdating nila sa Ice Cream House. "Nothing special," mabilis na sagot niya. Kahit kaibigan niya si Harvey, hindi pa rin niya basta-basta masasabi rito ang tungkol kay Sean. Nahihiya siya rito. Isa pa, lalaki ito—baka sabihin niyang bakit kailangang big deal pa sa kanya ang simpleng halik ni Sean. "Wala ka bang nakilalang espesyal birthday mo?" "Huh?" nagulat pa siya at muntik nang masamid sa tanong nito. "Bakit gulat na gulat ka?" natatawang tanong nito habang kumakain ng ice cream. "Wala, wala naman," mabilis na sagot niya. Sino ba naman ang makikilala niya sa debut niya? Lahat ng mga umattend, kaeskwela lang niya at ilang mga anak mayaman na sadyang inimbita ng mommy't daddy niya, para naman daw makilala siya at baka sakaling mapansin siya. Ang bagay na iyon ang madalas niyang ikinaiinis sa mga magulang—parang atat na atat ang mga ito na magka-boyfriend siya ng mayaman. Hindi naman siguro sila gagapang sa hirap kung sakaling mahirap lang ang maging boyfriend niya. "Akala ko pa naman may ikukwento ka na sa akin na manliligaw mo," sagot nito at kumuha ng ice cream sa bowl niya. Hindi niya ito sinaway—sanay na siya sa mga ganoong kilos ni Harvey. "Asa ka pa! Mukhang wala na nga akong pag-asa eh," nakasimangot na sagot niya, at nilayo ang bowl ng ice cream sa kanya. Nawalan na siya ng ganang kumain. Pakiramdam kasi niya, walang nagkakamaling magkagusto sa kanya. Hindi naman siya pangit. Yun nga lang, hindi rin siya maganda tulad ng mga naggagandahan sa SMU, na parang mga model kung manamit at magdala ng sarili. Samantalang siya, walang lakas ng loob na magsuot ng mga modernong damit. Masaya naman siya sa kung ano lang ang nasusuot niya dahil at least, kumportable siya sa suot niya. Pero syempre, minsan pangarap din niyang pagtinginan ng mga gwapong kaeskwela habang naglalakad sa campus nila. Parang ang sarap kasi sa pakiramdam noon. Pero syempre, isa lang iyon sa libong pangarap niya sa buhay. "Sam, you're beautiful with a classy attitude," sabi nito at pinisil pa siya sa pisngi. "If I am beautiful, then why hanggang ngayon wala pang nanliligaw sa akin?" nakasimangot na tanong niya. Dahil gusto na talaga niyang maranasan ang maligawan—yung may pupunta sa bahay nila at magdadala ng mga bulaklak at chocolates. Pagkatapos, ihahatid at susunduin siya sa SMU, o di kaya'y kakain sila sa labas bago umuwi. Parang ang sarap sa pakiramdam ng ganoon. Pero kailan ba niya iyon mararanasan? "Come on, 18 ka pa lang. Huwag kang magmadali. Who knows, parating na si Prince Charming mo." "Paasa ka naman eh! Ilang taon mo nang sinasabi sa akin yan?" taas-kilay na tanong niya rito. Dahil sa tuwing mag-uusap sila nito tungkol sa mga ganitong bagay, lagi na lang isinasagot nito na huwag siyang magmadali. _Parating na si Prince Charming_—mga pampalubag-loob na sagot nito sa kanya. "Sam, hindi kita pinapaasa lang. Darating din siya soon," sagot nito at kinindatan pa siya. "Ewan ko sa iyo," nakasimangot na sagot niya. Si Harvey lang ang kaibigan niya. Wala siyang kaibigan na babae, kaya naman nagtitiyaga lang siya rito na magsabi ng mga feelings niya, kahit madalas hindi siya nito naiintindihan. Ewan ba niya kung bakit parang ang hirap sa kanya ang makipagkaibigan sa mga kaklaseng babae. Para siyang walang tiwala sa mga ito, o tamang sabihin na naii-insecure siya sa kapwa niya babae, lalo na't pag maganda ito at malakas ang dating. Kaya naman hindi na lang siya nakikipagkaibigan. Bahay-eskwela lang siya, at kung mamamasyal sa labas, tiyak si Harvey lang ang kasama niya, wala nang iba. Tulad ngayon, nasa Ice Cream House. Para silang nagde-date dahil karamihan ng mga naroon ay mga couples. Sila naman, friendly date lang. At nagpapasalamat siya dahil laging may oras sa kanya si Harvey. "Bye, Harvey. Thank you for the ride," paalam niya kay Harvey nang makababa na ng kotse nito. "Anytime," sagot nito at nagpaalam na rin sa kanya. Kaya naman tumalikod na siya para pumasok sa gate ng bahay nila. Napansin pa niya ang kapitbahay nilang si Ashley na kabababa lang ng magarang sasakyan sa tapat ng gate nito. Napatingin siya rito at naalala si Sean. Marahil si Ashley ang kasama ni Sean nang gabing tumalon ito sa bakod nila. Pasimple pa niyang sinilip kung si Sean ang naghatid kay Ashley, pero hindi—ibang lalaki ang kasama nito. Napalunok siya habang pinagmamasdan si Ashley. Maganda ito. Blonde ang kulot na mahabang buhok nito. Nakasuot ito ng fitted white blouse with leather jacket, black skirt with black stockings, and red killer heels shoes. Marahil ganito ang tipo ni Sean—fashionista at halos litaw na ang kaluluwa. Humugot siya ng malalim na paghinga at nalipat sa lalaking kausap ni Ashley ang mga mata. Gwapo rin ito. Funky ang style, malayo sa neat but astig na style ni Sean. "What do you want?" mataray na tanong ni Ashley. Marahil napansin nito na kanina pa siya nakatitig sa kanila. "Ah... nothing," umiiling na sagot niya at mabilis na tinulak ang gate papasok. "Loser," narinig pa niyang sabi ni Ashley bago siya tuluyang nakapasok ng gate. "b***h," mahinang bulong niya at natakpan pa ang sariling bibig, nabigla sa nasabi niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD