Chapter 4

1287 Words
Sean Kanina pa naka-park sa gilid ang kotse niya. Halos kalahating oras na siyang nag-aabang sa babaeng nakita niya sa campus kanina. Gusto niyang matiyak kung ito nga si Samantha na nakatira sa bahay na tinitingnan niya ngayon—katabi ng bahay ni Ashley. Naiinip na nga siya dahil para na siyang tangang sulyap nang sulyap sa may gate ng bahay. Hindi naman ganoon kalaki ang bahay, pero moderno. Hindi rin ganoon kalawak ang bakuran noon, tulad nang naaalala niya nang gabing tumalon siya sa bakod. Ewan ba niya kung bakit curious na curious siya sa Samantha na nahalikan niya. Hindi tuloy ito mawala sa isip niya. At kung sakaling ang babaeng nakita niya sa campus at si Samantha na nahalikan niya ay iisa, hindi na siya magsasayang ng panahon. Lalapitan na niya ito agad at gagawa ng paraan para mahulog ito sa kanya. Alam niyang malayo sa mga tipo niya ang itsura ng babaeng nakita niya sa campus kanina. Una, ayaw niya sa babaeng may braces sa ngipin. Mahirap halikan ang mga iyon—ayaw niya ng may istorbo. Pero nasubukan na niyang halikan si Samantha, at masasabi niyang hindi naman siya nahirapan. Well, brief kiss lang naman iyon kaya hindi pa siya ganoon ka-sigurado. Marami na siyang naka-date na babae. Wala siyang pinipili—bata man o matanda sa kanya, basta hot at game, okay sa kanya. Pero wala pa siyang na-date na may braces, dahil ayaw niya sa mga may braces. Pangalawa, ayaw niya sa style nitong manamit. Hindi moderno. Mas type niya yung naka-skirt at medyo litaw ang kaluluwa, para naman ganahan siya. Pangatlo, ayaw din niya sa nerdy glasses nito. Although bagay naman dito at alam nitong dalhin iyon. Pang-apat, ayaw niya sa babaeng pag naglalakad sa campus ay hindi tumitingin sa paligid. Dahil alam niyang mababa ang confidence ng mga babaeng ganoon, at turn-off sa kanya ang babaeng walang tiwala sa sarili. Well, marami man siyang ayaw pa sa babaeng nakita sa campus, andito pa rin siya sa di kalayuan, sa inaasahan niyang bahay nito, para masagot ang curiosity niya kung ito nga ba si Samantha na nahalikan niya. Ilang beses na siyang napatingin sa mamahaling wrist watch at naiinip na rin siya, pero wala pa ring Samantha sa gate. Bumuntong-hininga siya. Naiinip na talaga siya at hindi ang tipo niya ang mahaba ang pasensya. Inis na binuhay ang makina ng kotse. Marahil hindi si Samantha ang babaeng nakita niya sa campus kanina. Marahil may pagkakahawig, pero hindi ito iisang tao. Paalis na siya nang may mapansing itim na Montero na huminto sa tapat ng gate na binabantayan niya. Mabilis niyang pinatay muli ang makina ng kotse at inilapit ang mukha sa tinted na salamin. Hindi naman siya makikita ng mga ito. Unang lumabas ang lalaking nasa driver seat. Kaagad niyang nakilalang si Harvey Dela Serna. Ang mga Dela Serna ang nagmamay-ari ng mga H. Dela Serna Bank sa San Miguel. Kilala niya ito dahil may magandang kapatid itong babae, si Hainna Dela Serna, na dating pinopormahan ng pinsan niyang si Bryan. Pero hindi umubra ang pinsan sa tinatawag ng lahat na Dela Serna Princess, dahil ito ang nag-iisang anak na babae ng mga Dela Serna. Napamulat siya nang makitang bumaba ang babaeng sakay ng passenger seat. Humugot siya ng malalim na paghinga nang makita ang babaeng nakita niya sa campus ang bumaba sa magarang sasakyan ni Dela Serna. Nakakasigurado na siyang si Samantha ang babaeng umagaw ng pansin niya kanina sa campus. Lumalim lalo ang kunot sa noo niya habang nakatingin sa dalawa. Maaari kayang may relasyon ang mga ito? Kilala niya si Dela Serna—madalas din sa mga party, pero hindi niya ito katulad na matakaw sa babae. Pero hindi niya inaasahan kay Dela Serna na isang simpleng babae lang ang dine-date nito. Well, siya nga rin naman, hindi niya inaasahan sa sarili na babalik sa bahay ni Samantha at maghihintay rito ng halos isang oras. Matagal pang nag-usap ang dalawa bago nagpaalam si Dela Serna kay Samantha. Hinihintay niyang halikan ni Harvey si Samantha, pero hindi iyon nangyari. Simpleng kaway lang ang ginawa ng mga ito. Napasandal siya sa upuan ng kotse at hindi inaalis ang mga mata kay Samantha. Simple pero malakas ang dating ni Samantha. Kahit siya nagtataka sa sarili kung bakit at paano nagawa ni Samantha na makuha ang atensyon niya. Kailangan niyang mapalapit kay Samantha. Wala siyang pakialam kung isang Dela Serna ang makakabangga niya. Hindi naman rin siya isang simpleng tao lang sa San Miguel—isa siyang Monteverde. Kinikilala rin ng mga taga-San Miguel ang mga Monteverde, dahil sa malalaking negosyo nila sa ibang bansa at sa Maynila. Masasabing sa loob ng San Miguel wala silang negosyo, pero alam ng lahat kung anu-ano ang meron sila sa labas ng San Miguel. "Where have you been?" tanong ni Joshua nang gabing nagkita-kita sila sa VincElla Hotel, sa bar na pinapagawa na ni Vincent sa ground floor ng VincElla Hotel. "May dinaanan lang ako," tipid na sagot niya dahil halata sa mukha ni Joshua ang irita sa kanya. Alam naman niya ang dahilan nito—si Aya. Overprotective si Joshua kay Aya, kahit sabihin na hindi naman nito tunay na kapatid si Aya. "Babae na naman," sabi ni Vincent at inabutan siya ng bote ng beer. "Sort of," nakangiting sagot niya rito at pasimpleng sinulyapan si Joshua na walang ekspresyon ang mukha. "Who's the unlucky girl?" tanong ni Vincent nang maupo sa kabilang silya. "You mean lucky," pagtatama pa niya rito. "Kababalik mo lang, Sean, pero nag-iingay ka na sa San Miguel," sabat ni Joshua. "San Miguel girls are better than London girls," sagot niya sabay inom ng alak sa bote. "I know," sagot ni Joshua at sumilip sa cellphone na umilaw. "I have to go," paalam ni Joshua matapos may mabasa sa cellphone nito. "Kararating lang ni Sean, nagsisimula pa lang tayo," sabi ni Vincent, nais pigilan si Joshua. Hindi siya kumibo at dumukot ng sigarilyo sa bulsa. Sinindihan niya iyon at inilagay sa bibig. Sa kanilang tatlo, siya lang ang naninigarilyo. Nakuha niya ang paninigarilyo nang magtagal siya sa London, at doon nag-aral ng high school. Nabarkada rin siya kaya pinabalik siya ng Papa't Mama niya sa San Miguel. Baka daw hindi siya maka-graduate kung doon niya ipagpapatuloy ang pag-aaral. "Busy man," sagot ni Joshua at nagpaalam na sa kanila. Tumango lang siya rito at nagbuga ng usok sa taas. "So, ano? Nakilala mo na siya?" Vincent asked. "Sino?" tanong niya, at humit sa sigarilyo. "The un-modern chick," natatawang sagot ni Vincent sa kanya. Natawa pa siya sa tinuring nito kay Samantha—un-modern chick. "She is Samantha," sagot niya at inilapag ang stick ng sigarilyo sa ashtray. "Even her name sounds un-modern." "But she's beautiful, right?" "Yeah, she is. But I know she is not your type." "There is nothing wrong if I'm going to try something new. New for my taste," sagot niya kay Vincent at muling humit ng sigarilyo. "Well, good luck," sabi nito at sinuntok pa siya nito sa balikat. "I saw her with Dela Serna," sabi niya, at uminom ng alak sa bote. "Which Dela Serna?" "Harvey Dela Serna." "Oh…" tanging nasagot ni Vincent. Marahil alam din nito na hindi basta-basta ang mga Dela Serna. At kung sakaling hawak nga ni Dela Serna si Samantha, wala siyang magagawa kundi agawin ito rito. What Sean Monteverde wants, Sean Monteverde gets. "What is your plan? How will you snatch her from Dela Serna?" tanong ni Vincent at inabutan siya muli ng bote ng beer. Hindi niya namalayan na ubos na pala ang hawak niya. "I'm going to have a party this Friday night sa bahay. And I'm going to invite Dela Serna and this girl, Samantha," sagot niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD