Samantha
Nagulat siya nang pagbukas ng locker ay may nakaipit na pulang papel doon. Kunot-noong kinuha niya iyon at binasa. Lalong lumalim ang kunot sa noo niya nang mabasa na invitation iyon sa party ni Sean Monteverde. Sa mismong bahay nito sa Tragora Subdivision—hindi naman kalayuan mula sa bahay nila.
“What?” tanong niya sa sarili at napasandal sa locker.
“Hey, Sam, what’s up?” nakangiting bati ni Harvey sa kanya nang makalapit ito.
“Hey,” sabi niya at winagayway ang hawak na pulang invitation.
“That’s Sean Monteverde’s invitation,” sabi nito nang makita ang hawak niya, at may dinukot din ito sa likod ng bulsa ng pantalon nito.
“I’m invited too,” sabi nito at pinakita ang invitation card tulad ng hawak niya.
“Weird,” bulong niya.
Alam niyang madalas umattend ng party ni Sean si Harvey. Minsan nga sinubukan siya nitong isama, kaso tumanggi siya dahil alam naman niyang ma-o-out of place lang siya doon. Alam niyang maliban kay Harvey, wala nang iba pang papansin sa kanya.
“Why?” tanong nito.
“This is my first party invitation,” sagot niya.
Dahil iyon ang totoo. Si Sean Monteverde ang unang nagbigay sa kanya ng invitation. Tuwing Friday night, halos nagpa-party ang mga kasing-edaran niya sa San Miguel, pero ni minsan hindi pa siya na-invite. At ngayon, sa party pa ni Sean siya unang na-invite, na lubos niyang pinagtatakhan.
Hindi kaya nakilala na siya ni Sean matapos ang insidente sa likod bahay nila, nang gabi ng debut niya?
“Don’t think too much. Umattend ka na lang para ma-experience mo. Besides, kasama mo naman ako,” sabi ni Harvey sa kanya bago ito nagpaalam, dahil may klase pa ito. Tumango na lang siya para hindi na humaba pa ang usapan nila.
“Samantha,” tawag mula sa likuran niya habang naglalakad papunta sa next classroom niya.
Nilingon niya ang tumawag at nanlaki ang mga mata niya nang makita si Sean sa likuran. Nakasuot lang ito ng puting shirt, ripped jeans, at itim na Chuck Taylor. Napalunok pa siya matapos masuri ang napaka-simpleng suot nito—pero ang lakas ng dating.
“Hi,” nakangiting bati ni Sean.
“Ah… hi,” alanganing bati niya rito.
Ngayon lang niya ito napagmasdan nang malapitan at maliwanag, hindi tulad ng gabi sa likod bahay nila. Napalunok siya muli habang pinaglalandas sa gwapong mukha ng kaharap ang mga mata. Napa-nganga pa siya nang mapatitig sa magagandang mga mata nito. May pagkakahawig pala si Sean sa actor na si James Dean.
“Are you okay?” tanong nito na marahil nagtataka sa weird na kinikilos niya.
“Ah…” tanging nasabi niya, at nagbawi ng tingin rito. Inayos pa niya ang salamin sa mga mata na parang nalalaglag na rin sa sobrang titig niya kay Sean.
Tumigas ang likod niya at tumayo nang tuwid. Alam niyang hindi ganoon kaganda ang suot niyang bestida na umabot sa lagpas tuhod niya, at puting Keds na paborito niyang isuot.
“Did you get my invitation?” he asked.
“Ah… yeah,” tipid na sagot niya. Hindi niya alam kung paano mag-react sa napaka-intimidating na kaharap.
“I hope maka-attend ka. I really want to talk to you,” sabi nito.
Kumurap-kurap pa siya at pinipilit na huwag tingnan ito para hindi siya ma-distract.
“Talk to me about what?” tanong niya, at lihim na dinadasal na hindi sana tungkol sa paghalik nito sa kanya. Sa kanya importante iyon, pero alam niyang balewala na iyon kay Sean.
“About what happened at your birthday party,” sagot nito.
Nagbuka siya ng bibig pero walang salitang lumabas. Naramdaman niya ang pamumula ng magkabilang pisngi niya.
“I guess you want to talk about it too,” patuloy nito.
Nanatili lang siyang walang kibo, hindi alam ang isasagot.
“Ah…”
“Hi, Sean!” bati ng isang magandang babae na huminto pa sa mismong tabi ni Sean. Ang umagaw sa atensyon nila. Hindi niya tuloy natuloy ang sasabihin sana niya kay Sean.
“Hey, Ruby!” bati ni Sean sa katabing babae nito.
Sinulyapan siya ni Sean. Nagkibit-balikat lang siya at sinulyapan ang babaeng confident na nakatayo sa tabi ni Sean. Naka-fitted dress ang babae at masasabi naman niyang maganda ang katawan nito—may malaki itong hinaharap at tamang laki ng pang-upo, na lalong nagpa-hubog sa suot nitong apit na mini dress. Maiksi lang buhok nito, pero bagay naman dito, o sadyang alam lang nito dalhin ang ganoong hairstyle.
Nakaramdam nanaman siya ng panliliit sa sarili dahil walang-wala siya sa magandang katawan ng babae sa tabi ni Sean.
“About the party sa Friday night, can I bring some of my squad?” maarteng tanong ng babae na tinawag ni Sean na Ruby.
“Yeah, sure, sure, why not,” polite na sagot ni Sean, at sinulyapan siya na napaka-awkward na nakatayo sa harapan ng mga ito.
“Thank you, Sean,” sabi pa ng babae at hinawakan sa chin si Sean, with appealing beard na lalong nagpapa-astig sa dating nito.
Bumuntong-hininga siya dahil halatang-halata niyang nagpi-flirt ang babae kay Sean. Pinaikot lang niya ang mga mata at mabigat ang loob na tinalikuran ang dalawa.
“Ah… Samantha, wait,” narinig pa niyang pigil ni Sean sa kanya.
Masasabi niyang may kakaiba siyang nararamdaman sa tuwing tinatawag ni Sean ang pangalan niya. Hindi siya sanay na tawaging Samantha, o sadyang may kakaibang dating lang talaga pag si Sean ang tumatawag sa pangalan niya.
“Why?” mahinang tanong niya at humarap.
Nagulat pa siya nang nasa harapan na niya si Sean. Nilingon niya si Ruby na masamang nakatingin sa kanya, at dali-daling tumalikod at naglakad palayo. Hinayaan lang niya ito at binalik kay Sean ang atensyon.
“I haven’t introduced myself yet,” sabi ni Sean. At dahil sa sobrang lapit nito sa kanya, naamoy niya ang mabangong pabango nito—at ang sarap nitong amuyin.
“I’m Sean Monteverde,” nakangiting pakilala nito at inilahad pa ang kamay para makipag-kamay siya sa kanya.
Napatingin siya sa malapad na kamay nito. Hindi niya alam kung gaano nagtagal ang mga mata niya sa mga kamay ni Sean. Basta nagulat pa siya nang biglang tumikhim si Sean at napaangat siya ng mukha, deretso sa magagandang mata nito.
“You’re Samantha, right?” tanong nito.
“Ah… I’m Samantha Cruz,” pormal na pakilala niya.
Nagdalawang-isip pa kung makikipag-kamay siya kay Sean, pero dahil ayaw niyang makahalata ito na may kakaiba siyang nararamdaman, iniabot na niya ang kamay niya rito. Kaagad niyang naramdaman ang mainit na palad nito na yumakap sa kamay niya.
“Nice meeting you, Samantha,” he said, and there was something unusual about Sean saying her name. She could truly feel him under her skin.
“You can call me Sam,” sabi niya at pasimpleng binawi ang kamay na hawak pa rin nito.
Ngumiti lang ito sa kanya at inilagay sa dalawang bulsa sa likod ang mga kamay nito.
“So see you Friday night, Samantha,” sabi nito na parang hindi narinig ang sinabi niyang Sam na lang ang itawag sa kanya. Tulad ng tawag sa kanya ng karamihan, dahil may kakaiba siyang nararamdaman sa simpleng pagbanggit lang ni Sean sa buong pangalan niya.
“Goodbye, Samantha,” paalam pa nito at tumalikod na.
Naiwan siyang nakasunod ng tingin pa rin kay Sean, at parang nag-echo sa buong pasilyo ang boses ni Sean na tinatawag siyang Samantha.