Sean
“Really, napapayag mo siyang umattend ng party mo tonight?” tanong ni Vincent habang naglalakad sila sa campus.
“Yes, and no doubt she will be mine tonight,” mayabang na sagot niya.
“Be careful, pare. Isang Dela Serna ang may hawak sa kanya, gaya ng sabi mo.”
“I guess magkaibigan lang sila,” sagot niya.
Dahil kung may relasyon si Samantha kay Harvey, malalaman niya kaagad iyon. At kitang-kita niya kay Samantha na may malaking impact siya rito. Halata niya ang pagka-tarantang ito at pagkailang sa kanya. Ramdam niyang na-iintimidate sa kanya si Samantha, at lihim niyang ikinatutuwa ang bagay na iyon.
“Still, you need to be careful. Baka balikan ka,” paalala ni Vincent sa kanya.
Ngumiti lang siya rito. Sanay na siya na minsan nagkaka-aberya sa mga babaeng tinatarget niya, at lahat naman ng iyon nalulusutan niya. At kung sakaling makialam si Dela Serna sa mga plano niya kay Samantha, wala siyang magagawa kundi banggain na lang ito.
Kinagabihan, kaagad niyang pinaayos sa mga kasambahay ang bahay dahil magpa-party siya. Pinatago ang ilang mga mamahaling paintings na koleksyon ng mama niya, at ilang mga mamahaling flower vase at kung anu-ano pa na pwedeng mabasag habang nagpa-party animals sila. Wala ang mama’t papa niya—nasa London ang mga ito. Bihirang-bihira umuwi ng San Miguel ang mga magulang niya dahil busy ang mga ito sa negosyo. Kaya naman madalas mag-isa lang siya sa bahay nila sa San Miguel.
Tanging kasama lang niya ay mga kasambahay na malapit na sa mga magulang niya. At alam niyang hindi nagsusumbong ang mga kasambahay sa mama’t papa niya, dahil tuwing may party siya sa bahay, pati naman ang mga ito hinahayaan niyang maki-join sa party.
“Paki-ayos na rin po pala ang guest room, Manang Ludy,” utos niya, dahil doon niya balak dalhin si Samantha mamaya.
Napangiti siya at hinawakan ang mga labi. Halos isang linggo na nang mahalikan niya si Samantha, at hanggang ngayon hindi pa rin maalis-alis sa isip niya ang malalambot nitong mga labi.
“Tonight, Samantha,” bulong niya at ngumiti.
Nakakasigurado siyang mahuhulog sa kanya si Samantha ngayong gabi.
“Ang crowded, pare!” sabi ng pinsang si Bryan habang umiinom sa labas ng bahay.
“Always,” sagot niya, at nagbuga ng usok ng sigarilyo sa ere. Sumulyap siya sa gate, inaasahan na susulpot si Samantha. Kanina pa siya naghihintay kay Samantha pero halos nagdatingan na ang mga inimbitahan niya sa party—wala pa rin si Samantha at Harvey. Alam niyang a-attend si Samantha, malakas ang kutob niya.
“Are you waiting for someone?” tanong ni Bryan sa kanya.
“Yeah,” tipid na sagot niya.
Hindi nga siya nagkamali na darating si Samantha. Nakita niya si Samantha kasama si Harvey na papasok ng malaking gate. Napaka-stiff tignan ni Samantha, marahil dahil ito ang unang party nito.
Humit siya sa sigarilyong hawak at tinapon na iyon sa damuhan. Nagbuga siya ng usok sa ere at iniabot kay Bryan ang bote ng beer.
“She’s here,” sabi niya at lumakad na para salubungin si Samantha at kunin ito kay Dela Serna.
“Hey!” sabi niya sa dalawa nang salubungin ang mga ito.
“Sean,” sabi ni Harvey.
Tumango lang siya rito at nalipat ang mga mata kay Samantha na parang nais magtago pa sa likod ni Dela Serna.
“Hi, Samantha,” bati niya rito at napagmasdan ang suot nito. Napataas pa ang kilay niya.
Black sleeveless dress na umabot sa tuhod nito, at white Keds. Nakalugay ang buhok nito na tumatakip na sa magandang mukha nito. She’s wearing her nerdy glasses, no makeup at all—perhaps lip gloss. She smiled at him, showing her annoying braces.
Nagkibit-balikat siya dahil alam niyang Samantha can be more beautiful kung mag-aayos lang ito at magsuot ng tamang damit para rito. And of course, less the nerdy glasses and her annoying braces.
Why do her braces really bother him anyway?
“Hello,” Samantha greeted him timidly.
Alanganin siyang ngumiti. What’s wrong with this young woman? Why is her self-esteem so low and no confidence at all? Samantha’s attitude is ruining her beauty.
“Come on, I’ll show you around,” anyaya niya kay Samantha at sinulyapan si Harvey—kung sakaling pipigilan nitong sumama sa kanya si Samantha, huwag na nitong ituloy.
“Ah…” tanging nasabi ni Samantha at sinulyapan si Harvey sa tabi.
“Harvey!” tawag kay Harvey sa di kalayuan.
Lihim siyang napangiti nang makitang isang magandang babae ang tumatawag kay Harvey. Sigurado siyang hindi iyon matatanggihan ni Dela Serna.
“Let’s go, Samantha,” anyaya niya muli kay Samantha, at pasimple pa niyang pinatong ang kamay sa balikat nito.
She flinched when she felt his hand on her shoulder. What’s wrong with her? Has no one ever touched her shoulder before? Kung maka-react ito, sobra.
“Have fun, Dela Serna,” paalam pa niya kay Harvey na may kausap nang chick.
Alanganin pang sumunod sa kanya si Samantha, halatang hindi kumportable sa kamay niya sa balikat nito. Pero hindi niya ito pinansin.
Pagdating sa loob, kaagad niyang itong inabutan ng baso ng alak. Tumangi ito—hindi daw ito umiinom. Medyo na-bo-boring na siya rito dahil napaka-stiff nito, pero bibigyan pa niya ito ng chance.
“You can’t enjoy the party without drinking,” sabi niya at pinilit muli ang baso.
“I don’t drink, really,” bulong nito.
Ngumiti siya rito at muling binalik ang baso rito. Wala na itong nagawa kaya tinanggap na nito ang baso.
Samantha is really beautiful. Lalo na pag matagal mo na itong tinititigan, lalong lumalabas ang ganda sa inosenteng mukha nito. Hindi siya na-bo-boring sa ganda nito. Tanging nakaka-boring rito ang napaka-unconfident na galaw nito—parang laging takot at walang tiwala sa sarili.
If he wants her to be his playmate, he needs to teach her how to be confident first. Ayaw niya sa stiff. He never dates a stiff.
“You are beautiful, Samantha,” bulong niya sa tenga nito.
Maingay ang tugtugin kaya may dahilan siya para bumulong sa tenga nito. And aside from that, he wants Samantha to feel his hot breath. Isa iyan sa strategy niya para maakit ang isang babae.
Hindi naman siya nabigo. Nakita niyang napapikit ito at pinamulaan ng pisngi. Lihim siyang napangiti. _Game on, Monteverde._
“You want another drink?” tanong niya kay Samantha nang maka-akyat na sila sa guest room.
Naka-tatlong baso na ito ng alak at alam niyang maya-maya lang, tipsy na ito. Wala siyang balak lasingin si Samantha—gusto lang niyang mag-enjoy ito at maranasan ang mga bagay na hindi pa nito nararanasan.
“No!” bulong nito at sinandal ang ulo sa malaking sofa.
“Don’t tell me, lasing ka na,” natatawang tanong niya at tumabi rito sa sofa.
“I guess I can’t handle the alcohol,” nakapikit na sagot nito.
Tumawa siya at lumapit rito. Nagmulat ito ng mga mata at napatitig sa kanya. Nakita niya kung gaano kaganda ang bilog nitong mga mata mula sa suot nitong nerdy glasses.
“You have beautiful eyes, Samantha,” he whispered, trying to seduce her honestly.
“You are so handsome, Sean,” sagot nito at inabot ang mukha niya. Naramdaman niya ang malambot na kamay nito sa pisngi niya.
“Can I kiss you?” she asked.
Hindi na siya nagulat pa. Alam niyang may epekto na rito ang alak na nainom. And he is lucky dahil napaka-smooth sa kanya ng lahat.
“Yes, you can, sweetheart. You can kiss me,” mabilis na sagot niya at umusog ng konti para magpang-abot ang mga labi nila.
Sa ikalawang pagkakataon, naramdaman nanaman niya ang malalambot na labi ni Samantha sa mga labi niya. Halos isang linggo rin niyang inasam na mahalikan ito ulit.
Nagulat siya dahil napaka-greedy nito sa paghalik sa kanya. Pero syempre, hindi niya ito tatanggihan. Naramdaman niyang hindi ito marunong humalik, o sadyang nahihirapan lang ito dahil sa braces nito. Kaya siya na ang gumawa ng paraan para mapadali ang ginagawa nila.
Inapit niya ito sa bewang at walang kahirap-hirap na nahiga sa sofa, kasunod siya.
“Sean,” habol-hiningang tawag nito sa kanya nang maghiwalay ang mga labi nila.
“Yes, it’s me—Sean,” sagot niya at inabot ang salamin nito sa mata. Kanina pa niyang gustong hubarin dito ang salamin nito, dahil alam niyang mas maganda ito kapag walang salamin. Tulad noong gabi ng debut nito, kung saan niya ito unang nahalikan.
“You’re beautiful without this,” bulong niya at inilapag ang salamin nito sa mesa. At muling siniksik ang katawan dito. Narinig niyang umungol ito na lalong ikinatuwa niya, at lumalim ang mga halik niya rito.
Alam niyang mali ang ginagawa niya. Para na rin siyang nanamantala kay Samantha. Alam niyang lasing lang ito kaya ito nagpapaubaya sa kanya, at nakakasigurado siyang pagsisisihan ni Samantha ang anomang mangyari sa kanila ngayon. Dahil alam niyang hindi ang tipo nito ang maagang bumibigay. Ni hindi nga ito marunong humalik.
No doubt, siya ang first kiss ni Samantha. At kung itutuloy niya ang anomang balak dito, at pagkatapos ay iwan tulad ng mga ginawa niya sa karamihan, baka dalhin ito ng konsensya niya. Dahil para na rin niyang pinagsamantalaan ito.
Although hindi naman talaga pagsasamantala, dahil kitang-kita niya at ramdam niyang gusto rin nito ang nangyayari sa kanila.
Napatitig siya sa mga bilog na mata ni Samantha nang maghiwalay ang mga labi nila. Pareho pa nilang habol ang kanilang mga paghinga.
“Sean,” she sexyly whispered and ran her finger through his hair.
“Samantha,” he breathed.
He wants Samantha. Really, really wants her. He knows Samantha is still a virgin. And he can’t just take that away from her easily. He’s not a beast. He can’t take advantage of her innocence.