“Sabihin mo na please,” pakiusap ni Prinsipe Dronno sa katipan na tila biglang natamemeng nakatitig lang sa kanya. “Buntis ako sa anak natin, Dronno. Magdadalawang buwan na,” mahinang anitong nakatitig nang maigi sa mga mata niya. Napasinghap siya sa kanyang narinig. Parang hindi siya makahinga sa sobrang sayang naramdaman nang dahil sa balita nito. “Kaira!” Kinabig niya ito at napaibabaw na ito sa kanya. Damang-dama niya ang bawat parte ng malambot nitong katawang nakadagan sa kanya at bumalot sa kanyang buong pandama ang halimuyak nito. “Pinasaya mo ako nang higit pa sa inakala ko,” malambing na aniya at hinawakan ng isang kamay ang batok nito upang ilapit sa kanyang mukha at sinalubong niya ito sa pamamagitan ng pag-angat ng kanyang ulo mula sa kinahihigaang lounge chair. Nagsalu

