Natapos ang araw ni Aleesha sa opisina na payapa at walang gulo. Hindi na muling bumalik si Margaux upang gambalain siya na laking ipinagpasalamat ng dalaga. Napaismid na lang si Aleesha nang maalala ang nangyari kanina habang nagliligpit ng kanyang gamit bilang paghahanda sa pag-uwi. Dadaan muna siya sandali sa club Alzyter sa Libis, Quezon City, upang bisitahin ang branch na pinapamahalaan niya bago sunduin si Rain sa mansiyon ng magulang ni Dylan. Ilang minuto lang kung i-drive ang pagitan ng club mula sa opisina ni Dylan kaya hindi siya natagalan sa daan, at pasalamat si Aleesha dahil hindi pa gaanong ma-traffic kung hindi ay aabutin siya ng siyam-siyam bago makarating sa club. Sinadya niyang umalis nang maaga sa opisina upang makabalik siya sa mansiyon nila sa Tagaytay ng maaga dahil

