Ang magarbo at malawak na hardin sa mansiyon ni Kraven ay nagliliwanag sa nagkikislapang ilaw habang ang tunog ng nagkakalansingang kagamitan ay nakikisabay sa ingay ng tugtog at hiyawan ng magkakaibigan. Ang nagmamasid sa tabi at ang nakatoka sa inumin na sina Aleesha, Zeneca at Forester ay walang nagawa kundi ang mapailing habang may malawak na ngiting nakapaskil sa labi. Lalo na si Aleesha at excited siya sa kanyang dalang surpresa. Kanina pa nagsisimula ang inuman ng sampung magkakaibigan pero ni isa ay halos wala pang nalalasing, mukhang mataas talaga ang tolerance ng mga ito sa alcohol. Well, of course Dylan is excempted. Ngayon lamang niya nakitang muli ang tuwa sa mukha ng kapatid niya, si Elliot aka Kraven, matapos ang ilang buwang pagkawala ni Forester. Kahit ang laging malungko

