Ilang buwan ang matuling lumipas at tuluyan nang humilom ang sugat ni Dylan. Bagama't ayos na ang pakiramdam nito ay hindi pa rin pinayagan ni Aleesha na pabalikin sa opisina si Dylan dahil lagi pa ring nanggugulo si Margaux at gustong makita si Dylan. Pero dahil ayaw rin naman ni Dylan na mamagod siya ay pumapasok din ito minsan sa opisina ngunit sinisigurado ni Aleesha na kasama niya ang kasintahan sa opisina nito. Hindi alam ni Aleesha kung bakit napaka-posessive at selosa niya sa sobrang pagprotekta kay Dylan laban kay Margaux ngunit sa ibang babae na lumalapit kay Dylan ay hindi naman siya rume-react ng negatibo. Bad vibes really overpowering Aleesha every time she see Margaux, that b***h woman. Ngayong araw ay mag-isa lang si Aleesha sa opisina dahil may misyon si Dylan sa Visayas

