“Where is she?” Ang malamig na boses ni Dylan na may bahid ng poot ang dumagundong sa kasamahan niya sa meeting place nila rito sa Diamond Tower, ang condo unit niya sa Quezon at ang katabing unit dati ni Paisley, na ngayon ay asawa ni Hervey. Hindi maipinta ang mukha niya sa galit at pag-aalala habang pahigpit ng pahigpit ang pagkakuyom niya sa kanyang kamao. His eyes were bloodshot and the intensity of killing intent grows as the minutes passed without any news of Aleesha’s dissapearance. Nasa Visayas siya at kasalukuyang nagmamanman sa lokal na sindikatong hawak ng RDS nang tumawag sa kanya si Hervey at sinabi ang sitwasyon ni Aleesha. Kaagad na lumuwas ng Maynila si Dylan at inabandona ang misyon kay Austin at Tyler na kalaunan ay sumunod na rin matapos makarating ang back-up ng CSS.

