Ilang linggo na ang nakalipas mula nang ma-kidnap si Aleesha nang bagong grupo ng mga sindikato, ayon na rin sa kuwento ng kasintahan niyang si Dylan. The Theous, iyon ang tawag sa grupo na ang layunin ay ang kumidnap ng mga kalalakihan at kababaihan na may magaganda at guwapong lahi dahil ang main purpose pala ng mga ito ay kunan ng semilya ang magkapareha upang gumawa ng baby sa isang test tube. A test tube baby to be exact! Hindi akalain ni Aleesha na sobra na talaga ang halang ng kaluluwa ng sindikatong ito. Kung hindi pa siya nailigtas nina Dylan at ng kasamahan nito ay hindi na niya alam kung ano ang mangyayari sa kanya. Kung hindi kaagad na-detonate ni Marx, ang engineer na kaibigan ni Dylan, siguradong sabog siya pati na ang lahat ng miyembro ng CSS na naroroon. Ang siste, kaya

