Nang magkaroon ng malay si Dylan ay nag-iba na ang paligid niya pero imbes na pag-aalala ang mararamdaman ay kakaibang tuwa ang lumukob sa kanya. Inikot ni Dylan ang tingin sa kabuuan ng kinaroroonang banyo. Yes, banyo! Nasa banyo ang lalaki nang magising siya na ikinangisi niya dahil pamilyar na pamilyar sa kanya ang lugar na kinauupuan. Paano ba niya makakalimutan ang hitsura nang banyo na ito kung dito niya unang nakita ang babaeng sentro ng kalawakan niya? Nangingiting napapailing si Dylan. Kahit hindi na sabihin ay may hinala na siya kung sino ang maysala sa ‘pagdukot’ sa kanya. Aleesha. . . Tumayo si Dylan mula sa pagkakalugmok sa sahig at hindi maiwasang mapamura nang makaramdam ng kaunting sakit sa balakang. “F*ck! Ang mga gagong ‘yon. Argh, anong ginawa nila sa’kin?” Dylan was

