Third Person's POV Sa isang event kung saan naroroon si Zaida ay hindi niya inasahang naroon rin si Grey. Grand opening ng isang sikat Korean Salon ang kaniyang pinuntahan, pag-aari ito nang isa sa kaniyang mga modelo na naging malapit din sa kaniya. Nakapag-asawa ito ng Koreano kaya naman naisipan nilang magtayo ng ganitong negosyo. Ang salon na ito ay matatagpuan sa loob ng mall kaya bukod sa mga imbitadong bisita ay maraming mga passers by ang nakatambay sa labas para makakita ng mga celebrities, may imbitado ring mga reporters para sa publicity ng nasabing salon. Si Grey pala ang special guest na magka-cut ng ribbon. Nasa isang sulok lang si Zaida at nakamasid sa mga nagaganap ang importante ay nagpakita siya sa mag-asawang may-ari at bumati. Hindi naman siya magtatagal dahil may i