Third Person's POV Sa isang Japanese restaurant sa Astoria Plaza sila nananghalian. Hindi lubos maisip ni Zaida na mangyayari ang ganitong sitwasyon, ni sa panaginip ay hindi niya naisip ang ganito. Ang lakas talaga maka-showbiz nitong si Mindy. Lagi siyang nakangiti dahil alam niyang maraming mga mata ang nakamasid sa kanila. "Try this one, it's delicious." Napaangat ang tingin ni Zaida ng marinig ang boses na iyon ni Luther. Nakangiti ito sa kaniya habang naglalagay ng pagkain sa kaniyang plato. Napansin kasi ni Luther na parang walang ganang kumain si Zaida. "Thank you," pagpapasalamat niya rito. "Eat more, there's a lot of food here, you too, Leny," anito. Nag-thumbs up naman si Leny kay Luther. Wala naman siyang pakialam sa nangyayari at kung ano mang issue ang mayroon ang dala