Third Person's POV Gaya ng napagkasunduan ay hinayaan na muna ni Grey si Zaida. Ayaw niyang lalo itong magalit sa kaniya kaya sinunod niya ang kagustuhan nito na huwag itong lalapitan at pakikialaman sa mga gusto nitong gawin. Kahit masakit sa kaniya ang ganoon at dahil may kasalanan siya sa mga nangyari ay minabuti na muna niya ang manahimik at palipasin muna ang galit nito. Natatakot kasi siyang totohanin ni Zaida ang banta na aalis ito kasama si Yanis at iiwanan na siya, itatago ang anak niya sa kaniya at hindi na makikita pa ang anak kahit kailan. Naging matigas naman ang kalooban ni Zaida. Hindi niya magawang mapatawad si Grey sa panlolokong ginawa nito sa kaniya. __ Huwebes Sa KT Entertainment ay ipinatawag si Zaida ng management para sa bagong proyekto niya sa estasyon. Sumagl