bc

My Beastly Husband

book_age18+
11
FOLLOW
1K
READ
HE
love after marriage
forced
opposites attract
arranged marriage
heir/heiress
blue collar
sweet
bxg
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

Pagkauwi ni Stella sa kanilang maliit na apartment galing sa trabaho ay nagulat na lamang siya nang dali-daling hilahin ng kakambal niyang si Astrid ang kanyang kamay papasok sa kanilang maliit na kwarto.Nakakuha kasi si Astrid ng imbitasyon mula sa modeling agency na kanyang pinagta-trabahuhan. Dahil sa angking ganda ni Astrid ay siya ang napiling magmomodelo ng isang napakagandang wedding gown para sa isang mayaman ngunit misteryosong lalaki.

Ngunit napag-alaman niyang naghahanap pala ng tunay na bride iyong misteryosong lalaki at siya ang nais niyang mapangasawa sa hindi niya malamang dahilan. Napag-alaman pa niyang isa itong mayaman ngunit may kaasi-asiwang mukha at malapit nang mamatay. Higit sa lahat, nais nitong magkaanak kaagad.

Dahil sa takot na baka anong gawin sa kanya ng lalaki ay naisip niyang ipalit si Stella sa kanyang posisyon. Nagsinungaling siya sa kanyang kapatid hanggang sa napangasawa nito iyong lalaki.

Pero paano kung malaman nila na ang inakala nilang mayamang hukluban na malapit ng mamatay ay isa palang gwapo at mayamang bachelor na nagmula pa sa US? Paano kaya haharapin ni Stella ang kanyang asawa?

chap-preview
Free preview
Prologue
Stella Perez I was having a lovely lunch with my husband in our cozy and multi-million dollar house. Sinasalubong kami ng ngiti ng mga maids habang hinahain ang mga masasarap na pagkain sa malapad at malaking mesa. “No, you sit here. Near me,” ani Andres. Uupo kasi sana ako sa opposite part ng mesa. Iyong magkaharap kami ngunit malayo sa isa’t isa. Tumayo ang aking asawa at lumapit sa akin. Marahan niyang kinuha ang kamay ko at iginiya sa upuan kung saan niya ako nais umupo. Sa tabi niya. Uupo na sana ako nang biglang bumukas ng marahas iyong malaking double wooden door ng mansyon. Napaawang ang bibig ko nang mapagsino iyong taong bumukas niyon. Mabilis ang paghinga niya habang nanlilisik siyang nakatingin sa akin. Nasa kanyang likuran ang apat na guards na siguro’y pilit siyang pinapaalis. Ang kakambal ko. Si Astrid Napahawak ako sa aking naghuhuramentadong dibdib. Hindi ko mawari kung ano ang dapat kong maramdaman. May halong kaba, pangamba, at takot… takot na bawiin niya ang lalaking natutunan ko nang mahalin. "Hindi siya ang asawa mo, Andres! Ako! Ako ang tunay mong fiancée!” sigaw ni Astrid kay Andres. Nagmamadali niyang kinuha iyong invitation letter na pinakita niya noon sa akin mula sa kanyang itim na bag at saka niya iyon iniangat para makita ng lahat. “Ako, Andres! Ako ang tunay na nakatanggap ng invitation letter mo mula sa modeling agency na pinagta-trabahuhan ko! Can’t you see?! Kambal kami ni Stella! I am your real fiancée! Ako ang dapat mong pinakasalan! Ako ang dapat na kasama mo sa mansyon na ito! Ako ang tunay mong asawa!” Nagawi ang tingin ko kay Andres. Halos lumabas na ang aking puso dahil sa pangamba. Nagsimulang magsipatakan ang mga luha ko sa takot na mawala sa akin ang asawa ko. Nakatitig lamang si Andres kay Astrid. Walang emosyon. Walang bakas ng pagkagulat o negatibong reaksyon. Hawak ni Andres ang aking kamay. Nais kong bawiin iyon ngunit mas hinigpitan niya ang hawak niya dito na ipinagtaka ko. “Andres…” malungkot kong sambit sa kanyang pangalan. “Totoo… totoo ang sinasabi ni Astrid… siya ang tunay mong fiancée.” “Doesn’t matter,” wika ni Andres. Walang bahid ng galit o poot sa kanyang boses. Matiim lamang siyang nakatingin sa aking kapatid. Bumaling ang tingin ko kay Astrid. Kunot ang kanyang noo na tila ba hindi makapaniwala sa kanyang narinig. “Andres, ano ka ba! Ako ang tunay mong fiancée! Of course, it does matter! Makinig ka naman sa akin!” nanggagalaiting responde ni Astrid. Binitawan ni Andres ang kamay ko at saka niya iyon ipinulupot sa aking bewang. Hinaplos niya ang aking bewang na tila ba nais niyang mahimasmasan ako at huwag ng mag-alala pa. Nakaramdam ako ng tunay na pagmamahal mula kay Andres. Ang asawa ko na hindi ko aakalain na mamahalin ako ng totoo at puro. Kaya ganito na lamang ang takot ko na mawala siya sa akin. “Kung ikaw ang dapat kong mapangasawa, bakit si Stella ang pumirma para sa marriage certificate? Bakit pangalan niya ang naroroon kung ikaw pala ang dapat kong mapapangasawa?” Simpleng tanong ni Andres kay Astrid. Hindi nakasagot ang kapatid ko. Hindi makabuo ng mga salita ang kanyang bibig na tila ba walang mapiga ang kanyang utak ng irarason. “N-ninakaw niya!” sambit ng kapatid ko. Napaawang ako sa kanyang sinabi. “Ninakaw niya iyong invitation letter, eh! N-nakwento ko lang naman sa kanya na may invitation letter ako galing sa modeling agency na naghahanap ng bride! Akala ko imo-model lang ang mga wedding gowns. Iyon pala ay ikaw na ang mapapangasawa! Naghahanap ka pala ng asawa. Iyong manager ko si Jimmy, nalaman ko lang sa kanya na naghahanap ka ng mapapangasawa mo. Nakwento ko iyon kay Stella. Kaya ninakaw niya iyong invitation letter!” Napakagaling ni Astrid. She knows how to make a fake story. Hindi ako makapaniwalang kaya niyang magsinungaling. Alam naming dalawa na hindi ganoon ang nangyari. Alam niya ang totoo. Alam niyang hindi ko ito ginusto. Ngunit wala akong magawa dahil natatakot siya at ayaw kong mapahamak siya. I sacrificed myself sa taong hindi ko kilala. Isinakripisyo ko ang sarili ko para sa kapalit na compensation na makukuha kapag pinakasalan si Andres. Kung si Astrid ang mapapangasawa niya, magiging maginhawa rin ang buhay ko. Palagi akong mayroong monthly allowance mula sa kanya. Wala na kasi kaming mga magulang at kami na lamang dalawang kambal ang magkasama sa buhay. Sa madaling salita, hindi ko na kakailanganin pang magtrabaho dahil higit pa sa sinasahod ko iyong monthly allowance. Kayang-kaya na makabili ng condo unit sa loob ng tatlong buwan at makabili ng mga luxurious na gamit. At dahil bumaliktad ang sitwasyon, si Astrid ang nakakakuha ng monthly allowance habang ako naman ay hindi mawari kung sino iyong napangasawa ko. “You know, hindi ka lang dapat sa modeling agency nagtrabaho. You should try acting as well,” saad ni Andres. Nagngingitngit sa galit si Astrid dahil sa sinabi ni Andres sa kanya. Napapakuyom rin ang kanyang mga kamay. “What’s that suppose to mean, Andres?!” ani ng kapatid ko. “You very well know what I’m talking about. Mabilis kang makagawa ng kwento. You know what, I should be thanking you.” “Anong pinagsasabi mo?” naguguluhang tanong ni Astrid. “Kung totoo man ang sinasabi mo na ninakaw ni Stella ang invitation letter, I don’t have any plans on changing any single thing. The only thing I know is your sister is the one I married. I acknowledge the person who wrote her name and signed the marriage registration my secretary had prepared for.” Sumigaw ng sumigaw si Astrid mula sa narinig kay Andres. Pinunit din niya iyong invitation letter na tila ba wala na iyong silbi ngayon. “You actually saved me from marrying a brat and a b*tch like you. I will never understand why a cruel person like you would be part of my wife’s life. You may be sisters by blood. But she is more precious than you.” It was the last straw for my sister. Nahagilap niya ang isang vase sa gilid ng double wooden door. Kinuha niya iyon at saka hinagis sa kanyang harapan. Umalingawngaw ang tunog ng nabasag na vase. Napasinghap pa ang ibang mga maids dahil sa ginawa ni Astrid. “Magbabayad ka, Stella! Tandaan mo itong araw na ‘to!” sigaw ni Astrid sa akin. Dinig ko sa kanyang boses kung gaano niya ako kinasusuklaman. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito siya kagalit sa akin gayong siya ang nagpumilit sa akin na pakasalan itong inakala niyang isang misteryosong lalaki na mayaman ngunit may kaasi-asiwang mukha at malapit ng mamatay. Siya ang nagpumilit sa akin na pumalit sa kanyang pwesto bilang fiancée ni Andres dahil ayaw niyang mag-alaga ng pangit at bed-ridden na asawa. Mahal ko ang kapatid ko at alam ko ang kanyang ugali kaya nagsakripisyo ako para sa montlhy allowance na matatanggap niya. Iniwan niya ang modeling at nagpakasasa sa monthly allowance na nakukuha niya habang ako ay hindi ko alam kung sino ba ang napangasawa ko. Hanggang sa magpakilala si Andres na asawa ko. Iyong inakala naming misteryosong lalaki na may kaasi-asiwang pagmumukha at malapit ng mamatay ay isa palang mayaman at matipunong bachelor na naghahanap ng mapapangasawa. Malayong-malayo sa paglalarawan ni Astrid noon. At ngayon, binabawi na ng kapatid ko ang lahat. Gayong natutunan ko ng mahalin ang asawa ko… “Astrid, alam nating pareho ang totoo. Huwag ka namang ganyan sa akin,” sambit ko sa aking kapatid. “Alam mo kung gaano kita kamahal kaya nandito tayo ngayon. Patawarin mo ko kung hindi ko kayang iwan ang asawa ko…” “Asawa?” tila ba lason iyon nang sambitin ni Astrid ang salitang iyon. “Makasarili ka, Stella! Alam mo noon pa lang na maayos si Andres! Pero tinago mo sa akin dahil gusto mong mapunta sa iyo ang yaman niya!” singhal niya sa akin. “Tama ang nadinig mo, Andres! Ganid ang kapatid ko na yan!” “Ganid? Si Stella? O ikaw?” simpleng tanong ni Andres. “How dare you! Hindi mo ako kilala! Kaya sinasabi ko sayo na ako ang karapat-dapat na asawa mo! Nagkamali ka ng pinakasalan Andres. Maniwala ka sa akin.” “Stop the drama already. Umalis ka na, Astrid, bago pa kita ipakaladkad sa mga guards,” ani Andres. “Hindi pa tayo tapos, Stella.” Sinamaan ako ng tingin ni Astrid bago siya padabog na lumabas ng mansyon. Niyakap ako ni Andres. “Don’t worry about it, Stella. No one is going to hurt you habang nandito ako. I won’t let any person harm you. Kahit kapatid mo pa. I will protect you always, my wife.” How calming and soothing those words are from my husband. Paano ko siya bibitawan gayong ganito niya ako tratuhin? Hindi ko kaya… hindi ko siya kayang mawala sa akin. Ngunit natatakot rin ako sa kayang gawin ni Astrid.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Shifted Fate

read
700.7K
bc

Chosen, just to be Rejected

read
145.1K
bc

Corazón oscuro: Estefano

read
1.0M
bc

Holiday Hockey Tale: The Icebreaker's Impasse

read
149.3K
bc

The Biker's True Love: Lords Of Chaos

read
314.8K
bc

The Pack's Doctor

read
711.1K
bc

MARDİN ÇİÇEĞİ [+21]

read
816.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook