Chapter 1

1860 Words
“Stella, wala ka pa din boyfriend? Sa ganda mong ‘yan?” sambit ni Joy habang pinupunasan naming dalawa ang bawat maduming table dito sa malaking restaurant na pinagta-trabahuhan namin. “Anong klaseng tanong ‘yan, Joy? Alam mo namang hindi ako pwedeng mag-jowa. Nangako ako kay Astrid na mauuna muna siyang magkaka-boyfriend,” paliwanag ko. Si Astrid ay kakambal ko. Nangako ako sa kanya na hindi ako magkaka-boyfriend hangga’t hindi siya nagkakaroon ng boyfriend. Sinabi niya kasi sa akin na malulungkot siya kapag palagi na akong wala sa aming apartment. Hindi niya raw kayang makita na habang ako ay masaya, siya naman ay malungkot dahil wala siyang kasama sa bahay. “Ano? Para may maid siya sa apartment ninyo?” mataray na wika ni Joy. “Ikaw nga halos sa lahat, eh. Bills, paglilinis ng bahay, pati mga pinapa-deliver niyang parcel ikaw pa ang nagbabayad. Tama ba ‘yon? Isipin mo, ha. May trabaho ang kapatid mo. Mas malaki pa ang nararaket niya sa modeling agency na ‘yon kaysa sa sahod natin dito, eh.” “Joy, kapatid ko si Astrid. Alam mo namang kami na lang dalawa sa buhay. Wala na kaming mga magulang,” paliwanag ko pa. Lumipat ako sa isang panibagong maduming table. Halos kalahati lamang ang naubos sa pagkain na in-order ng mga umupo rito. Nasasayangan tuloy ako. Nasa seven thousand pesos mahigit ang order nila na good for two. Marahil ay couple ang kumain dito. Sa isip ko ay mukhang nag-away sila at hindi na inubos pa ang kanilang pagkain. Nakakapanghinayang. Kilala pa naman ang Chronos Restaurant dito sa aming city dahil sa kalidad ng menu namin. At mala-flight attendant kung mag-source ng mga staff katulad namin ni Joy ang management ng restaurant na ito. Sa awa ng Diyos ay nakapagtapos kaming magkapatid dahil mismong si Sir Jed, ang Operations Manager namin, ang sumalo sa akin noong nag-apply ako rito sa Chronos. Kakapasok ko lang as a first year college noon. Pinaglaban niya ako sa management na kahit nag-aaral pa lang ako ay may potential ako sa pagta-trabaho. At hanggang ngayon ay hindi ko iyon nakakalimutan. Ngunit sa katagalan, umalis rin si Sir Jed dahil nagkaroon siya ng oportunidad na magtrabaho sa ibang bansa last two years ago. “Ikaw na nga ang tumayong magulang at ate sa inyong dalawa, eh. Huwag mong idadahilan na limang minuto lang ang pagitan ng edad ninyo ng kakambal mo kasi hindi ‘yan uubrang rason sa akin,” wika ni Joy habang mabilis niyang kinukuskos ang table na nililinis niya. “Ano ka ba, Joy. Kahit ano pang sabihin mo, kapatid ko pa rin si Astrid. Mahal ko ang kapatid ko.” “Ikaw, mahal ka ba ng kapatid mo? Sorry, Stella, ha. Pero noong huling punta niya rito sinisigawan ka niya na hindi raw nabayad iyong makeup set na binili niya online kaya ni-return to seller ng rider. Magkano nga iyong dinig ko? Five thousand pesos? Apat na piraso lang? Napaka-spoiled ng brat mong kakambal, sa totoo lang. Tapos ikaw? Halos ‘di ka na nga nakakapag-good time para sa sarili mo. Halos umiikot na lang kay Astrid ang buhay mo.” Hindi na ako umimik dahil mainitin din ang ulo nitong si Joy kapag pinatulan pa. Alam ko namang may punto siya. Sadyang ayaw ko lang mapatid ang pangako ko sa kapatid ko. Pero napapaisip rin ako. Hindi ako nakakapag-ipon dahil binibigay ko lahat kay Astrid ang mga pangangailangan niya. Masaya akong binibigay sa kapatid ko ang nakakapagpasaya sa kanya. Pero minsan, gusto ko rin maramdaman na gastusan ang sarili ko. Gusto kong makakilala ng ibang mga tao. Pero sa tuwing nagpapaalam ako kay Astrid na gusto kong sumamang mag-night out sa kanya ay nagagalit siya at sinasabing sa apartment na lang ako at hintayin siyang umuwi. Paano na raw kung malasing siya at parehas kaming nasa labas. Wala raw mag-aasikaso sa kanya. At bilang mapag-alalang kapatid ay hinayaan ko na lang. “Aalis kami mamaya nila Vince at saka nila Mary. Magna-night out kami. May isasama pa raw silang mga friends. Sumama ka, ha.” Pinanlakihan ako ng mata ni Joy. “Hindi ko alam,” saad ko. “Subukan mong hindi sumamang babae ka. Kakaladkarin kita makasama ka lang,” aniya pa. Buo naman ang desisyon kong hindi sumama kaya tuluy-tuloy lang ako sa pagkuskos ng mesa na nililinis ko. Alam din nilang hindi na nila ako mapipilit dahil maraming beses ko na rin kasi silang tinanggihan kaya hindi na bago sa akin. Pagkatapos ng shift ko ay nagtaka ako nang makita ko si Astrid na nakatayo sa tabi ng guard sa labas ng Chronos. Tila ba mayroon silang nakakatawang usapan dahil may pahampas pa siya sa braso ng guard. Nang makita ako ni Astrid na papalapit sa kanila ng guard ay awtomatikong nawala ang ngiti at tuwa sa kanyang mukha. Nagmamadali siyang lumapit sa akin na tila kanina pa siya naghihintay. “Ang tagal mo namang lumabas. Sabi ko sayo ayokong pinaghihintay ako,” ani Astrid. “Nagpalit lang naman ako ng damit. Hindi kasi ako pwedeng umuwi ng naka-uniform. Lalabhan ko pa kasi para may magamit ako sa isa pang araw,” paliwanag ko. “Ang dami mong sinasabi,” naiirita niyang saad. “Sis, I need money. Magbi-beach kami ng mga kaibigan ko. Nagastos ko na yung sahod ko last week, eh. Pahingi naman ako ng pera.” “Astrid, kakabigay ko lang ng pera sayo no’ng Monday. Wala pa akong sahod ngayon.” Pumalatak siya. She even stomped her foot on the ground. “Ano ba ‘yan, Stella. Akala ko ba kapatid kita? Akala ko ba magdadamayan? Bakit ganyan ka sa akin?” nagmamaktol niya pang sabi. “Astrid, walang-wala pa talaga ako ngayon. Kakabayad lang natin ng bills at renta sa apartment. Binayad ko rin iyong makeup set na binili mo, ‘di ba? Wala ng natira sa akin. Pamasahe na lang at pang-grocery natin sa pagkain araw-araw,” paliwanag ko. “Where is it?” “Ha? Ang alin?” pagtataka ko. “Iyong pang-grocery. Ibigay mo muna sa akin. Ibalik ko na lang kapag nakasahod na ako,” ani Astrid. Nilahad pa niya ang kanyang kamay sa harapan ko. Nakapameywang pa ang isa niyang kamay. “Astrid, paano tayo kakain? Wala na tayong pagkain sa kusina, eh.” “Kainis ka naman,” naaasar niyang sabi. “Sige, ganito na lang. Umutang ka muna kay Joy. Sabihin mo babayaran mo na lang sa susunod ninyong sahod. Wala namang pinapalamon ‘yon, ‘di ba? Sa kanya lang ang sahod niya kaya nakakapagwalwal siya.” “Astrid,” saway ko sa kanya. “Huwag kang ganyan. Kaibigan ko si Joy. Maraming beses na akong umutang dahil sa mga pangangailangan mo. Please, kahit ngayon lang, ikaw naman ang gumawa ng paraan para sa mga pangangailangan mo.” Pabagsak ang paghinga ni Astrid. Tila hindi na makatiis sa nangyayari habang ako naman ay hindi mawari kung papaano ko sasabihin sa kanya na gusto ko siyang tumayo na sa sarili niyang mga paa. Pero alam kong sa oras na sabihin ko iyon sa kanya ay kokonsensyahin niya ako sa ipinangako ko sa kanya. “Pinapabayaan mo na ako. Sige. Kapag ako nakahanap ng pera, hindi kita bibigyan.” Padabog niya akong iniwan sa kinatatayuan ko. Bumuntong-hininga ako. “Hanggang kailan mo titiisin ang ganyang ugali ng kambal mo, Stella?” wika ni Mary na sa likod ko. Huminga na naman ako ng malalim. “Minsan, iyong sobrang kabaitan, tine-take advantage na. Kung kapatid ‘yan ni Joy hindi iyan uubra.” Sadly, hindi ako si Joy. Umuwi ako sa apartment na wala si Astrid. Marahil ay tumuloy siya sa kanilang pagpunta sa beach. Sumalampak ako sa sofa at inihiga sa sandalan ang ulo ko. Tumitig ako sa kisame at huminga na naman ng malalim. Sakto namang tumunog ang phone ko. Kinuha ko iyon sa aking bag at binasa ang message ni Joy. Pinipilit niya akong sumama sa night out nila. Sinabi niya ang establishment kung saan sila pupunta at inaasahan nila ako doon. Naisip kong sumama sa unang pagkakataon. Wala naman si Astrid. Siguradong ilang araw pa bago siya umuwi. Tumayo ako at nagpunta sa tapat ng full length mirror sa kwarto naming dalawa. Maraming damit si Astrid na nakakalat lang sa closet. Binuksan ko iyon at nagkaroon ako ng konting pagnanais na magsuot ng kanyang damit. Sa unang pagkakataon, gusto kong maranasan naman ang kaligayahan na makasama ang mga kaibigan ko sa ganitong klase ng lugar. Gusto kong mag-enjoy at mawala ang stress ko. Makasarili na ba ako? Kahit ngayong gabi lang sana. Gusto kong maging makasarili. Gusto kong maging maligaya. Pumili ako sa mga damit ni Astrid. Iyong disenteng dress na nagamit niya sa isang photoshoot. Parehas naman kami ng hulma ng katawan kaya kahit anong damit niya ang isuot ko ay kakasya sa akin. Hindi naman niya malalaman. Isang gabi lang naman. Naligo ako at nag-ayos. Hindi man ako kasing-galing ni Astrid sa pag-aayos ay alam kong presentable naman ako. Isinuot ko iyong puting dress na parang pahigang curtain ang pagka-pleated niya sa bandang dibdib. Hulmang-hulma rin ang curves ng katawan ko dahil sa dress. Kinuha ko iyong puting stilletos ni Astrid at isinuot rin iyon. Nang tingnan ko ang sarili sa salamin ay para bang ako si Astrid ngunit soft features at soft girl version. Napangiti ako sa aking nakita sa salamin. Nagkaroon ako ng pagnanasa na sana ganito rin ako araw-araw. Para bang ako si cinderella dahil hindi ko ito pwedeng gawin palagi. A sad smile crept on my lips. At least, kahit ngayon lang maranasan ko iyong nararanasan ni Astrid. Nagpunta ako sa venue na sinabi ni Joy sa message niya. Nang makarating ay nag-message ako sa kanya kung anong table sila. Papasok pa lamang ako sa etablishment nang may humawak sa kamay ko. “Astrid? Teka, Stella?” sambit ni Vince. Ngumiti ako ng may hiya kay Vince. May kasi lihim akong paghanga sa kanya. At ngayon ay pakiramdam ko’y may pagkakataon na akong makausap siya outside work. Bago pa ako makapagsalita ay mayroong limang lalaki na nakasuot ng american suits at pinapalibutan ang isang lalaki na nakasuot ng kulay gintong tiger na maskara. Dali-dali silang pumasok sa establishment hanggang sa mawala sila sa paningin namin. “VIP ‘yan. May VIP party sa highest floor. Mga mayayaman,” paliwanag ni Vince. “Ganoon ba,” wika ko naman. “Sabagay, hindi biro itong high-end bar na ‘to.” “Tara na sa loob? Magugulat si Joy nito kapag nakita ka niya,” nakangiting wika ni Vince. “You look beautiful, by the way,” aniya pa. Uminit ang mga pisngi ko mula sa narinig kay Vince. “Thank you, Vince.” “Let’s go?” He offered his elbow at ipinulipot ko naman ang kamay ko sa braso niya. Sa pagpasok namin ay nahagip ko ang titig ng lalaking nakasuot ng maskara nang madaanan namin ni Vince ang elevator na kinasasadlakan nila. Nagkatitigan kami hanggang sa magsara ang pinto ng elevator. Tila may kuryenteng dumaloy sa aking katawan sa paraan ng titig ng misteryosong lalaki. Sino kaya siya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD