RAY PARA na akong mababaliw habang iniisa-isa ko tingnan ang bawat lugar na madadaanan. Hindi ko na nga matandaan kung pang-ilang bayan na ito sa Pampanga na sinuyod ko ang halos lahat ng lugar. Ilang araw na akong walang maayos na tulog, na kain, na pahinga… Nararamdaman ko nga na parang nanganganib na naman akong maibalik sa ospital dahil sa overfatigue. But the hell I care! Kung kailangan kong suyurin ang buong Pampanga, o ang buong Pilipinas, para lang mahanap sina Happy at Kaycee ay gagawin ko… Hindi ako hihinto hangga’t hindi ko sila nakikitang muli. Hindi ko kaya. God! Ikamamatay ko kapag nawala sila sa akin, lalo na si Happy… “Saan ba kayo pumunta?” tila hopeless na kausap ko sa aking sarili nang balikan ko na naman ang school ni Kaycee, nagbabakasakaling pumapasok pa rin siya

