HAPPY “JEFF… JEFF… JEFFREY!” “Mama… gising po… Mama…” Napabalikwas ako ng bangon nang marinig ko ang boses ni Kaycee, kasabay ng pagyugyog niya sa aking balikat. Nagulat pa ako nang maramdaman ko ang aking mga mata na hilam ng hula. Saka ko lang naalala ang aking masamang panaginip tungkol sa kaniyang ama. “You’re dreaming, Mama. Gusto n’yo po ba ng tubig?” nag-aalalang tanong ng akinga anak bago siya umupo sa aking tabi at tinapik-tapik ang aking likod. Pasimpleng pinunasan ko ang aking mga luha bago umiling. “Okay lang ako, anak. Huwag ka nang mag-alala kay Mama, ha?” Hindi ko lang maamin sa kaniya ang tungkol sa panaginip ko. Ayaw kong ma-misinterpret niya iyon o kaya ay ikalungkot niya. “Sige na. Ituloy mo na ang pagliligpit ng mga gamit mo,” masuyong sabi ko sa kaniya bago ko s

