HAPPY ANG araw na iyon ang huling pagsasama namin ni Ray. May pasok kasi sa eskuwela si Kaycee kaya kinabukasan din ay umuwi kami ng Pampanga. Gaya naman ng sinabi niya, nagpaiwan muna sa Maynila ang boyfriend ko para tulungan ang Mama niya sa pagbabantay sa kaniyang ama sa ospital. Pero susunod din naman daw agad siya kapag nakalabas na ito. Na hindi rin daw magtatagal dahil hindi naman malala ang sinapit ng Papa niya. But still, nakokonsensiya pa rin ako. “I’m sorry, Ray. Hindi malalagay sa panganib ang buhay ng Papa mo kung hindi dahil sa’kin,” naalala ko na sabi ko sa kaniya bago kami nagkahiwalay nang araw na iyon. “Pasensiya ka na talaga… Ayaw ko sanang maulit pa ito, ang ilagay mo sa alanganin ang parents mo nang dahil sa akin, sa amin ni Kaycee,” paglilinaw ko uli kahit ilang b

